Stage 1: Denial

241 42 33
                                    

It was just a bad dream.

That had been my mantra for a couple of days now. Ayaw kong maniwala na break na nga kami. Iniisip kong panaginip lang ang lahat kahit pa alam kong totoo yung nararamdaman kong sakit. At kahit pa alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya nagpaparamdam sa akin.

Pero kahit ganun, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa amin. It already happened before. Hindi naman perfect ang two-year relationship namin eh. Marami na rin naman kaming hindi pagkakaintindihan. Ilang beses na rin naming tinangkang mag-break dati pero hindi naman din umaabot ng isang linggo.

Kaya I knew, one of these days, magpapakita na s'ya at magso-sorry. Yun pa, alam kung hindi ako matitiis nun eh.

**

"Himala, mag-isa ka ata? Nasaan si Nick?" 'yan agad ang naging bungad sa akin ni Ashley. S'ya yung naging pinaka-close ko sa klase. Pareho kaming Psychology students at graduating this March.

Architecture student si Nick kaya di kami magkaklase pero kilala s'ya ng lahat ng kaklase ko dahil nga di kami mapaghiwalay nun. Kahit hindi pa man kasi kami dati, hindi na talaga kami mapaghiwalay. For them, it was always Nick and Meghan. There was never just Nick or just Meghan.

"Eh, wala pa s'ya eh. Nasa probinsya pa," sagot ko naman.

Enrolment namin ngayon kaya nandito ako sa university. Lampas one week na nang umuwi si Nick sa probinsya para magbakasyon, tutal sem break naman. Umalis s'ya kinabukasan pagkatapos ng pag-uusap naming ayaw ko na sanang maalala.

Ang alam ko, ngayon dapat ang balik n'ya para sa enrolment pero di pa s'ya nagti-text at hindi ko pa rin s'ya nakikita. Kaya siguro, wala pa s'ya. Kasi sigurado akong kung nandito na s'ya, ang unang gagawin n'ya ay ang puntahan ako para maayos na namin ang relasyon namin. Umaasa pa rin ako.

"Ah, ganun ba?" tanging sagot ni Ashley. "Oo nga pala, hang out daw tayo sabi nila Adam mamayang gabi," dagdag n'ya pa na ang tinutukoy ay ang isa pa naming kaklase na close ko rin. "Sem opener party daw para makapag-bonding ang buong block. Last semester na rin naman natin 'to. Punta ba tayo?"

"Sure," wala sa loob na sagot ko. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin si Nick. Ano kayang mangyayari kapag nagkita na ulit kami? Miss ko na s'ya eh.

"Sigurado ka? Papayagan ka ba ni Nick?" paninigurado naman ni Ashley.

"Ha?" takang tanong ko naman. "Bakit? Saan ba?"

"Sa Blue's," aniya na ang tinutukoy ay ang bar na isang block lang ang layo mula sa apartment ko.

Hindi ko alam kung papayagan ako ni Nick kasi hindi yun mahilig sa ganung mga lugar eh kaya hindi rin ako madalas payagan na nagpupunta dun.

"Kakausapin ko na lang. Last sem naman na natin at siguradong magiging busy na tayo kaya dapat mag-enjoy na muna habang may time. Maiintindihan naman nun," sagot ko naman.

Halos tatlong oras kaming pumila ni Ashley kasama ang ibang mga kaklase namin bago kami makapag-enrol. As soon as makauwi ako ay nag-text na kaagad ako kay Nick para magpaalam sa lakad namin ng mga ka-block ko.

Pero lampas alas syete na ng gabi ay wala pa rin s'yang reply. Siguro busy pa yun. Kaya imbes na maghintay ako sa reply n'ya, nag-ayos na lang ako. Ang usapan, 8:30 kami pupunta ni Ashley sa bar. Dadaanan n'ya ako rito at sabay na kaming pupunta roon.

Wala pang isang oras ay natapos na ako sa pag-aayos. I looked all natural with my no-makeup makeup. Hindi naman kasi ako masyadong mahilig sa heavy makeup. Naka-messy bun lang din ang shoulder length black hair ko. Para sa event na to, napili kong isuot ang poborito kong long sleeve little black dress at tinernuhan ng black wedge.

One Stage At A Time [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon