"I still love you."
For the past month, naghintay ako na marinig yun sa kanya. And after three months ay nasabi na nga n'ya.
Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko. Nakatitig s'ya sa akin at naghintay ng sagot ko. Iniwas ko ang tingin ko at nahagip ng mata ko ang mga kaibigan ko na nakamasid sa amin sa di kalayuan.
Nang malaman nila ang laman ng text sa akin ni Nick ay agad na nag-debate sina Ashley at Adam.
Ang pananaw ni Ashley ay dapat na 'wag na lang akong pumunta at hayaan na lang si Nick. Para kay Adam naman, s'ya na lang daw ang pupunta para masapak n'ya si Nick. In the end, ang sinabi ni Paul ang nasunod. Pinapunta nila ako at sumama sila para nandun sila kung kailangan ko. I thank God for my friends.
"I know I hurt you Meghan," I heard Nick say which pulled me back to the present. "But it was a mistake. Tama ka. I cannot just throw away the two years and our friendship."
I heaved a sigh. Three months ago, gusto kong marinig ito sa kanya. I heaved another sigh habang inaayos ang maiksing buhok ko na hinihihipan ng hangin. Matapos kasi ang heart-to-heart talk namin ng mga kaibigan ko, pinaputol ko na ang buhok ko as a sign that I was finally trying to move on. Mas maiksi na nga ang buhok ko sa buhok ni Ashley.
"Alam mo bang exaclty three months ago nang maghiwalay tayo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa kawalan. Papadilim na at unti-unti nang naaaninag ang mangilanngilang bituin sa langit. "It was the same time, the same place."
"Meg, maiintindihan ko kung galit ka sa akin. I'm sorry. I really am. Pinagsisihan ko yun. It was a stupid decision."
I could hear sincerity in his voice and it reminded me of the Nick who I loved. Binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya. Kahit marami na sa kanyang nagbago, I could still see the shadow of the man I loved and trusted but it could not erase all the things that happened.
"I already forgave you Nick," sagot ko sa kanya ng may maliit na ngiti. Umaliwalas ang mukha n'ya.
"Does that mean pumapayag ka na makipagbalikan sa akin?" umaasa n'yang tanong.
I kept the small smile in my face and looked back at the horizon.
"When you broke up with me, I was really devastated," I said, not answering his question.
"I-I know. I'm sorry. I--"
"Nick, listen to me first," putol ko sa sasabihin n'ya pa dapat. "Three months kong dinala to sa dibdib ko. Ang dami kong gustong sabihin sayo pero di ko masabi dahil sa pag-iwas mo. So please, let me."
Natahimik s'ya. Tumikhim muna ako para tanggalin ang bara sa lalamunan ko. Iniwasan ko ang tumingin sa kanya. Ayokong maging emotional wreck habang kausap ko s'ya ngayon. Kailangan kong mailabas lahat ng gusto kong sabihin para sa ikatatahimik ko.
"As I was saying, nung una, I felt so devastated," simula ko ulit. "Nung umalis ka, sinabi ko sa sarili ko na magbabago pa ang isip mo. Babalik ka pa sa akin. But then, I saw you with Hannah. I got mad because it was a clear betrayal of my trust. Feeling ko hindi mo ako nirespeto pati na rin yung relasyon natin. It was only one week later tapos may iba ka na? Pero ginawa ko pa rin ang lahat para mapagbago ko ang isip mo. I changed myself para mag-fit sa babaeng gusto mo. But it killed me every time you would pretend to not see me in the corridors."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak n'ya sa kamay ko. I closed my eyes tightly and felt tears escape my eyes.
"I-I'm sorry. It was a stupid mistake." It was his turn to speak. Tulad ko ay karapatan din n'yang sabihin ang lahat sa akin at responsibilidad kong makinig. "Hindi ko na nga maalala kung bakit ako nakipag-break sayo. Hindi ko alam kung paano kita nasaktan kung every time naman na nakikita kitang nasasaktan ay nasasaktan din ako. Hindi naging kami ni Hannah but I admit na naging interested ako sa kanya. But every time I was with her, ikaw lang yung nakikita ko. Ikaw lang yung naaalala ko. Dahil ikaw pa din ang mahal ko. Meg, alam kong nasaktan kita. I broke your heart and trust."
I felt his hand on my chin and motioned me to look at him while his other hand was still holding my hands. As soon as I looked at his face, I saw his eyes welling up with tears too.
"Meg," tawag n'ya bago tumikhim para pagtakpan ang pagkabasag ng kanyang boses at nagsimulang magsalita. "Meg, I will do everything just to win you back."
Ngumiti ako sa kanya. Isang malungkot na ngiti. I closed my eyes and willed myself to stop from crying before shaking my head.
"No, Nick," iling ko bago siya tingnan ng diretso sa mata. "Di mo na kailangang gawin yun. For a couple of months now, I'd been waiting for this to happen. The time when I can finally look straight into your eyes without pain... Without bitterness... Without anger... Just pure acceptance. I want to tell you while looking straight into your eyes that I am sorry for every wrong thing I did. And thank you for everything as well. Tanggap ko na Nick. "
He closed his eyes tightly and a lone tear escaped his eyes. Pinakatitigan ko s'ya. I want to memorize his face because I knew that this could be the last.
Puno ng kalungkutan ang mukha n'ya nang buksan n'ya ulit ang kanyang mga mata. Gusto kong pawiin ang lungkot n'ya pero alam kong hindi ko na magagawa yun.
"Can't I... Can't I do anything to make you change your mind?" tanong n'ya sa akin sa basag na boses.
I shook my head without breaking eye contact.
"I'm not closing my doors," sagot ko ng may ngiti sa kanya. "Ayokong magsalita ng tapos. Di ko alam kung ano ang mga mangyayari. Maybe, we'd realize that we really are not meant for each other. Or maybe, we are. Mali lang yung timing. Pero sa ngayon, ayoko na muna. Because one thing I realized when we broke up is that there are a lot of opportunities around us. Marami pang nagmamahal sa atin. Malaki pa ang mundong ginagalawan natin. Hindi lang natin ma-appreciate dahil masyado tayong focused sa isa't isa."
We were silent for a while. Madilim na ngunit maliwanag naman ang buwan. Full moon na naman. I looked back at the horizon. Ganun din ang ginawa n'ya.
"But... Can we still... You know, be friends... Again?" tanong n'ya. Hindi n'ya pa rin binibitawan ang kamay ko. Somehow, it was comforting.
"Nick," I took a deep breath. "Yung breakup, it was not as simple as that. Nasaktan ako. Alam kong nasaktan ka rin. We both need to heal. Siguro dadating yung panahon na pwede na ulit, pero ngayon, gusto kong mabuhay sa mundo na di nakadepende sayo."
And as if it was the cue that he was waiting to finally release my hand from his grasp. And it was as if a symbol that he was also, finally, letting me go.
Katahimikan ang muling namayani sa amin. Tanging ang buntong hininga n'ya lang ang maririnig sa pagitan namin. I looked back at him and I knew that this was goodbye.
"Uh," tikhim ko para maagaw ang atensyon n'ya. Nilingon n'ya ako kaya naman itinuloy ko na ang dapat ay sasabihin ko. "I think I have to go. Naghihintay kasi sina Ashley."
"Ganun ba? Sige," walang gana n'yang sagot. Na-guilty ako sa ginawa ko. Pero naalala ko ang sinabi nya sa akin three months ago. Siguro nga, this is for the best.
Tumayo na ako. Now, this was awkward. Di ko alam kung aalis na lang ba ako bigla o ano? In the end, niyakap ko s'ya ng mahigpit for the last time.
"Take care, alright? Til our paths cross again," I said. Nakita ko s'yang tumango bago ko s'ya tinalikuran.
I was overwhelmed with emotion since I saw him about three hours ago. Nang makita ko s'ya ulit, di ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Pero habang tumatagal, nalaman ko na lang kung ano na ba ang nararamdaman ko at lumabas na lang sa bibig ko ang mga dapat kong sabihin.
And now, I felt light. I felt free. I felt at peace. Yun na yung closure na hinahanap ko para makapag-move on na.
As I walked back to my friends who were waiting for me, I found myself smiling widely. For the first time in a long time, ngumiti ulit ako ng ganito. Gumaan na ulit ang pakiramdam ko.
Now, I'm ready to begin a new chapter in my life.

BINABASA MO ANG
One Stage At A Time [COMPLETED]
Teen FictionNang time na yun, akala ko end of the world ko na. Akala ko, huli na ang lahat. Akala ko ikamamatay ko ang sakit. Pero sabi nga nila, you don't die because of a broken heart. You only wish you could. Kaya heto, buhay pa rin ako hanggang ngayon. -Meg...