Stage 3: Bargaining

166 36 28
                                    

It's not yet too late.

May magagawa pa ako.

Tanga na kung tanga pero naniniwala akong may magagawa pa ako para sa relasyon namin ni Nick. After all, our two-year relationship was not something you can easily forget. Siguro masyado lang nati-thrill si Nick sa bago n'ya ngayon pero naniniwala akong at the end of the day, ako pa rin ang mahal n'ya at babalik s'ya sa akin.

It was already seven weeks since we broke up. Tanggap ko nang nag-break nga talaga kami pero alam kong may magagawa pa para bumalik ang dati. Hindi na rin naman ako galit sa kanya. I already understood his point of view. Siguro kailangan lang din talaga namin ng break sa isa't isa. Medyo nakakasawa rin kasi kung palaging kami lang. Hindi dapat namin sanayin na sa isa't isa lang umiikot ang mundo namin. 

**

It was the Foundation Day of the university. Walang klase dahil sa mga activities ng iba't ibang organizations. Hindi ako mahilig sumali sa mga org kaya wala akong pagkakaabalahan sa linggong ito.

It was Monday at kahit walang pasok ay excited ako. Today would be the debut of my new look.

Kahapon kasi, naisip kong dumalaw sa salon para mag-new look. Since wala naman akong alam sa pag-aayos masyado, I let the stylist decide for my look. Kaya naman, pagkatapos ng halos anim na oras na pagtambay ko kahapon sa loob ng salon, halos hindi ko na makilala ang sarili ko.

Nagpa-full body massage ako para ma-relax. I had my hair treated to have a healthy look. Nilagyan din ng flirty locks ang dulo ng buhok ko. Kinulayan n'ya ito ng dark brown at highlight na lighter brown para daw magkaroon ng volume. Nagpa-manicure at pedicure na rin ako while I was at it. Kaya naman blood red ang mga kuko ko ngayon.

After that, nag-shopping na rin ako ng mga bagong damit para makumpleto ang make-over ko. Buti na lang natipid ko ang allowance ko dahil hindi na rin ako masyado nagba-bar kaya may panggastos ako.

It was my first step. My first step to win him back.

Naisip ko kasi, baka nga nagkakasawaan na kami kaya kailangan ng konting changes para maiba naman. I was quite sure that if he would see me now, magbabago na ang isip nya tungkol sa breakup namin.

So, clad with my new dress and pumps, I walked confidently to the university. Excited na talaga ako makita ang magiging reaction n'ya.

"Meg, wow. Ganda natin ah."

"I love your new look."

"Bagay na bagay sayo, girl."

Iba't ibang reaction ang nakuha ko sa mga kaibigan ko nang makita ko silang nakatambay sa bench sa harap ng hall kung saan nagaganap ang opening program ng Foundation Day. Nagpasalamat lang ako at ngumiti sa bawat positive remark na sinasabi nila.

But despite all those praises, ramdam kong may kulang pa rin. At alam kong ang appreciation ni Nick ang makakakompleto nito.

"Hoy, sino bang hinahanap mo?" rinig kong sabi ni Ashley na nakaupo sa tabi ko nang mapansing palinga-linga ako.

"Ah, wala naman," sagot ko kahit hindi ko pa rin mapigilan ang paglinga sa paligid.

She shrugged her shoulders and went back to the conversation she was having with our other friends. Samantalang ako naman, patuloy pa rin ang paghahanap ko sa kanya sa gitna ng napakaraming estudyante na tumatambay din katulad namin.

Asan kaya sya?

Naisip ko na baka hindi s'ya pumunta ng school ngayon dahil tulad ko ay hindi rin s'ya mahilig sa mga org. But I was quite sure na pupunta pa rin s'ya dahil required ang attendance namin dito.

So, the whole day, I stayed in the university, waiting for the time that he would lay his eyes on me. Pero, di nga siguro para sa akin ang araw na to dahil hanggang sa oras na nagdesisyon kaming umuwi ng mga kaibigan ko ay wala pa ring Nick na nagpakita sa university.

But I never lose hope. May bukas pa naman.

And so, ganun pa rin ang scenario the next day. Bakit kaya wala pa rin sya?

Katulad ng nakaraang araw ay tambay ulit kami sa mga benches. At dumating na ulit ng hapon ay wala pa rin ng kahit na anino ni Nick.

It was almost six and I was still in the campus. Nauna na ngang umuwi ang mga kaibigan ko.

I heaved a sigh and decided to just go home. May bukas pa naman.

Naglalakad na ako papuntang gate nang bigla akong napahinto nang makita ko ang lalaking nakatayo sa harap ko na parang may hinihintay. My heart beat fast instantly.

He slowly looked up and our eyes met. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o casual lang. Hindi ko rin alam kung tatayo lang ako dun o lalapitan s'ya.

Damn! I'm nervous!  Lumipad na yata sa kawalan ang puso ko sa sobrang kaba.

Nagsimula s'yang maglakad papunta sa akin ng walang kakurapkurap samantalang parang napako naman ako sa kinatatayuan ko.

Is this it? Magkakabalikan na ba kami?

"Hey!" bati ko sa kanya pero naiwan akong nakanganga nang lumampas s'ya sa akin.

No second look. Not even a single glance. Nilampasan n'ya lang ako na para bang hindi n'ya ako kilala. Na para bang hangin lang ako na dinaanan n'ya. As if I was invisible.

"Nick!" someone called from behind me.

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ang tumawag sa kanya. Hindi kami close pero kilala ko ang boses nya. Yung malamig ngunit malambing n'yang boses. Hannah.

And that was when I heard the voices of his other friends. Naglalakad pala sila sa likod ko. Damn!

I felt the hot tears well up in my eyes pero pinatatag ko ang sarili ko para hindi iyon pumatak. Mabilis akong naglakad palayo dun. Palayo sa kanya.

Ang dating 10 mintues na lakad ko papuntang apartment ay naging five minutes na lang sa sobrang pagmamadali ko. And the moment I entered my apartment, I lost my control. Nagsimulang tumulo ang luha na pilit kong ikinubli. And this time, I didn't have any strength to stop it.

Ang sakit. Ang hirap huminga. Ang hirap mabuhay ng nandyan s'ya pero di n'ya naman ako pinapansin. Di n'ya man lang ako makita.

Ganun na lang ba talaga yun? Wala na ba talaga akong halaga? Kaya ko namang gawin ang mga gusto n'ya eh. Kaya kong baguhin ang sarili ko para sa kanya. Pero bakit ganun? Bakit wala pa rin?

As I was in the middle of my emotional break down, I was able to send him yet another pathetic message that he wouldn't bother reading.

What can I do to make you come back to me?

One Stage At A Time [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon