Stage 5: Acceptance

167 34 21
                                    

Time to move on.

Tama nga si Ashley, hindi madali pero kaya naman.

It was three months after our breakup at ni minsan hindi ko naramdamang iniwan ako ng mga kaibigan ko. They became my safety net when I thought I would have a never ending fall after the breakup.

They were always there to make sure that I was busy enough to not be able to give me time to think about You-Know-Who. Palagi kaming may ginagawa na magbabarkada. It was either jamming session with our other friends in the campus or simple movie marathon and sleep over in my apartment. Parang mga walang pinoproblema sa school o sa family o sa love life. We were each other's support system.

And every time I look at the three of them, naiisip ko, bakit nga ba naramdaman kong mag-isa ako nung mga panahong yun? I am blessed with loyal and loving friends.

Kasi hindi naman kailangan ng boyfriend para maging masaya.

**

"Ano? Bar tayo mamaya?" tanong ni Adam. Sa aming apat, s'ya ang pinakamahilig sa night out. Wala nga atang weekend na hindi s'ya nalalasing.

"Alam mo Adam Justin, mukha ka nang bar. Hindi na ako magugulat kung magkasakit ka sa atay," natatawa kong sagot sa kanya. Nandito na naman silang tatlo sa apartment ko para tumambay.

"OA ka naman," sagot n'ya. "Nilulubos ko lang yung ganitong pagkakataon dahil sigurado, after graduation, patayan na sa trabaho. Alam n'yo naman kung gaano kaseryoso si Dad sa negosyo."

Mula sa mayaman na pamilya si Adam at kahit Psychology ang kinuha n'yang course, stressed sya sa family business nila. Gusto kasi ng Dad n'ya na s'ya ang mamahala sa business nila after graduation.

"Excuses," bara rin ni Ashley na natatawa.

Nandito kami sa kitchen at nagluluto kami ni Ashley para sa lunch namin. Samantalang ang dalawang lalaki naman ay nakaupo sa kitchen table at pinapanood kami.

"How about you Paul? Anong plano mo para mamayang gabi?" tanong ko sa tahimik na namang si Paul.

"Kahit ano," pasupladong sagot ni Paul. Tsk. Always the snob. Pero kahit ganyan yan, super sweet at loyal n'yang kaibigan.

"'Yan pa ba ang tinanong mo eh go with the flow yan palagi," side comment ni Ashley. "Gala na lang kaya tayo sa mall after lunch, Meg?"

"What?" violent reaction ni Adam. "Kayo lang namang dalawang babae ang mag-ienjoy sa mall eh."

"Duh? Kaya nga si Meg lang yung tinanong ko, di ba?" pagtataray ni Ash. "Kayong dalawang lalaki, bahala kayo kung anong plano n'yo."

"Ang harsh mo," sagot naman ni Adam bago bumaling kay Paul. "What do you think dude?"

"I don't mind the mall," kibit balikat naman ni Paul. "Buti pa nga sumama na lang ako. Kailangan kong pumunta sa bookstore."

"Seriously?" ani Adam na disappointed. "Bakit ko nga ba kayo naging kaibigan? Palagi kayong negative sa nga trip ko."

"Ok lang naman na wag kang sumama. Kaming tatlo na lang," pang-iinis pa ni Ashley. Sumimangot si Adam kaya natawa ako at nagkibit-balikat naman si Paul.

Nag-asaran pa kami hanggang sa matapos kaming mag-lunch. Matapos kaming kumain ay dumiretso na kami ni Ashley sa sala para magpahinga pansamantala. Ang dalawang lalaki naman ay naiwan sa kitchen para maghugas ng pinagkainan. Napag-usapan na rin namin na mamayang 3:00pm na kami pupunta ng mall para magliwaliw.

"Hay, kapagod," reklamo kaagad ni Adam nang matapos sila sa pag-aayos nila sa kusina. Pabagsak syang naupo sa sofa kung saan ako nakaupo. Kinuha n'ya ang isang unan, nilagay sa lap ko at nahiga duon.

Natigilan ako sa ginawa n'ya. Out of the blue kasi ay naalala ko si Nick sa gesture na yun. He would always take a nap with his head on my lap every time we were spending quality time in my apartment. All of a sudden, I missed his presence.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap samantalang nawala ako sa time warp sa loob ng isip ko. Three months na ang nakalipas pero may random moments pa rin na bigla ko s'yang naaalala at nami-miss.

Hindi na kami nagkakasalubong masyado sa school dahil sa pag-iwas n'ya sa akin at sa pag-iiwas na rin  sa akin ng mga kaibigan ko sa kanya. Kaya naman naisip ko, paano kaya kung bigla na lang kaming magkakatagpo ng kami lang? Ano kayang mangyayari?

"Hoy!" natawag ang atensyon ko nang biglang sumigaw si Ashley. Nilingon ko s'yang nakaupo sa kabilang sofa. Nasa lap ni Paul, na nakaupo sa tabi nya, ang dalawang paa nya. "Natutulala ka dyan."

"Sorry. Naaantok ako eh," pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin sa kanila na naaalala ko na naman si Nick. I knew they were doing everything to make me forget him and I didn't want them to be disappointed. "Ano na nga ang pinag-uusapan n'yo?"

"Ano magandang movie ngayon? Sine tayo," sagot niya.

Nagkibit balikat ako. Wala akong balita sa mga bagong labas na movie ngayon eh.

Nag-discuss ulit sila tungkol sa kung anong magandang gawin ngayon. Nakinig lang ako sa kanila nang biglang napatigil ang lahat dahil sa pag-ring ng phone ko.

Kinuha ko kaagad ang phone ko na nasa table sa harap namin.

"Sinong tumatawag?" curious na tanong ni Adam. Nasa lap ko pa rin ang ulo nya so he was looking up at me.

Curious ring nakatingin si Paul at Ashley sa akin. Ewan ko sa kanila kung bakit biglang big deal yung tumatawag sa akin.

"Ewan. Unregistered number," sagot ko sabay kibit-balikat. Sasagutin ko na sana nang biglang tumigil. "Missed it."

Ilalapag ko na sana pabalik sa table ang cellphone ko nang biglang may mag-text. It was from the same unregistered number. Curious pa rin ang tingin nila sa akin.

I ignored their reactions and absent-mindedly opened the message. Natigilan ako nang mabasa ang text. I couldn't believe it. After all these time...

Can we meet? Same time, same place. - Nick

One Stage At A Time [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon