Stage 4: Depression

169 36 23
                                    

Sometimes, even crying would be too much.

Nine weeks after the breakup and I felt like a walking dead. Hindi natapos ang effort ko sa make over na yun. Pinilit kong baguhin ang sarili ko para maging ang ideal girl n'ya. Yung matalino, maganda, mature ang dating at marunong maggitara.

Halos magkakalyo ang lahat ng daliri ko nang magpaturo akong mag-gitara kay Adam nang mga nakaraang araw. Pero ganun pa man, wala pa ring naging epekto yun kay Nick.

Sa bawat pagkakasalubong namin sa corridors ng school, dinadaanan n'ya lang ako na parang hangin at hindi nakikita. I was always hopeful but I also got tired.

I continued trying to learn to play guitar but I felt that it was useless. Yung optimistic view ko sa relasyon namin ay unti-unting naglalahong parang bula. Hanggang sa maramdaman ko na lang na nawawalan na ako ng gana sa mga bagay-bagay.

**

Nagising ako dahil sa lakas ng ring ng cellphone ko. Sinagot ko ito ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Finally! Sinagot mo rin!" sigaw ni Ashley sa kabilang linya.

"Hi. 'Sup?" walang gana kong sagot bago humikab. Tiningnan ko ang wall clock at nakitang 11:30 na. Late na naman ako nagising. Buti na lang Sabado ngayon.

"Anong 'sup'? Meghan, anong oras na!? Asan ka na ba? Kanina ka pa namin hinihintay!" sigaw n'ya pa rin kaya nailayo ko sa tenga ko ang cellphone.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko bago bumangon.

"Darn it, Meghan. Nakalimutan mo na ba? May project tayo. Gagawin natin ngayon," sagot n'ya sa mas mahinang boses pero nandun pa rin yung inis. At dun ko lang naalala na may lakad nga pala ako.

"I-I'm sorry. Masama ang pakiramdam ko—"

"Whatever!" putol n'ya sa sasabihin ko pa sana. "Wag ka nang mag-abala na pumunta dito. Patapos na rin naman kami. Sa next meeting ka na lang bumawi."

And with that, she ended the call.

Napabuntong hininga ako. I couldn't blame her. Ilang araw na rin kasi akong wala sa sarili ko. Palagi akong walang gana. Ni hindi na nga ako tumatambay kasama yung barkada ko.

Simula nung breakup, ngayon ko lang naramdaman to. Mas gusto kong umasa. O kaya magalit. O kaya masaktan. Kahit ano basta wag lang ganito. Kasi ngayon hindi ako makahanap ng lakas para malampasan to. I just felt so empty and alone.

Kahit pag-iyak ay hindi ko na nagagawa. Minsan, bigla-bigla na lang akong natutulala. Alam kong nag-aalala na rin ang mga kaibigan ko. This was not the Meghan that they knew. I was strong and determined. Pero ngayon, I felt so weak and helpless.

Feeling ko may mali sa akin kaya n'ya ako iniwan. Siguro hindi ako sapat. Maybe, I didn't deserve to be with him. Kasalanan ko kung bakit ito nangyari lahat.

I didn't know how long I stay seated on my bed having those thoughts pero 2:00pm na nang maisipan kong pumunta ng kitchen para maghanap ng makakain. Hindi naman ako nagugutom pero alam kong kailangan kong kumain. Lately kasi, kahit sa pagkain, parang wala pa rin akong gana. Ang gusto ko lang gawin ay matulog.

Gumawa lang ako ng sandwich at nang maubos yun ay tulala na naman ako sa kawalan. Hanggang kailan kaya ako ganito? 

Padilim na nang may biglang kumatok sa pinto ng apartment ko. I slowly walked to the door and when I opened it, I was welcomed by the smiling faces of Adam, Paul and Ashley.

"Since ayaw mong sumama sa party, dinala na namin ang party sayo," masayang sabi ni Adam sa akin habang itinaas ang dalawang bote ng brandy. May dala ring anim na bote ng beer si Paul na nakatayo sa likod n'ya. Samantalang may pizza, roasted chicken at ilang chips naman na dala si Ashley na nauna nang pumasok.

Di na ako nakaimik dahil diretso nang pumasok ang tatlo sa apartment ko. At home na at home kaagad sila.

Inayos na ni Adam ang mga inumin sa mesa sa sala. Kumuha naman si Paul ng yelo at ilang baso mula sa kusina. At inayos na rin ni Ash ang mga pagkain sa pinggan at dinala na rin sa sala.

Bago pa ako makapag-react ay nakaupo na silang tatlo at ready nang simulan ang party na sinasabi nila.

"What are you waiting for? C'mon," yaya ni Ashley kaya umupo na ako sa sahig katabi s'ya at si Paul.

I let them have fun. Panay kwentuhan sila habang wala akong imik. They kept on laughing about some jokes but I couldn't smile. Ayoko ring pilitin ang sarili kong ngumiti dahil pakiramdam ko, kapag pinilit ko, bigla na lang akong maiiyak. Really pathetic.

"Damn it!" nagulat ako sa biglang sigaw ni Ashley. Natahimik na kasi sila dahil nahawa na yata sila sa pagiging gloomy ko.

"Ashley, wag na," pigil sa kanya ni Paul. Unlike Ashley and Adam who were already drunk, Paul was still sober.

"Hindi Paul eh, nakakairita na kasi," sabi pa ni Ashley na para bang pikon na pikon na siya. Hindi ko alam kung bakit.

"You're just drunk Ash," saway pa rin ni Paul. Dahil nga nasa gitna nila ako ay pabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Nakakahilo pero ayaw kong mangialam sa problema nila.

Ramdam ko na ang tensyon na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan. I was tired of drama kaya sana naman kung may problema sila, wag na nilang dalhin dito sa bahay. Kaya imbes na intindihin sila, itinungo ko na lang ang tingin ko kay Adam na nakatulog na sa mesa sa harap ko sa sobrang kalasingan.

"Damn it Meghan!" nagulat ako sa outburst ni Ashley kaya naman napatingin na ako sa kanya na nakakunot ang noo. Nasa tabi na n'ya si Paul na pilit s'yang kinakalma.

"Ba-bakit?" kinakabahan kong tanong. I knew Ashley. She could be a bitch pero never ko pang na-experience ang bitchiness n'ya. Ngayon lang at di ko alam kung bakit.

"Alam kong broken hearted ka pero wag ka namang ganyan," sagot n'ya na sobrang frustrated. "Iniwan ka na ni Nick pero di ibig sabihin nun titigil na ang mundo mo. Don't be fuckin' stupid."

Hindi ako makaimik. Di ko alam kung anong sasabihin ko o kung may kailangan ba akong sabihin. Di naman n'ya kasi maiintindihan.

"Inintindi ka namin in the past weeks dahil nga alam naming masakit sayo yung nangyari pero langya naman Meg," litanya n'ya pa. "Lampas dalawang buwan na yung nakalipas nang mag-break kayo and you're still hiding like a loser."

"Ashley, di mo kasi naiintindihan," sagot ko ng nakatungo dahil ayokong makita nila akong umiiyak. They had seen me crying way too many times to last them a lifetime in the past two months. "Hindi naman kasi madali."

"Bullshit!" mura pa n'ya. "Alam kong hindi madali. Damn! I'd been to three breakups and I didn't die. I'm still here. So stop acting like you're so hurt na parang ikamamatay mo yung nangyari."

Di ako nagsalita. Hindi rin ako makatingin sa kanila. Ngunit ramdam ko ang titig ni Ashley. Kita ko rin sa peripheral vision ko na nagising na si Adam at malungkot na tumingin sa akin. Si Paul ay nasa tabi ni Ashley para kalmahin ito.

"Ginagawa naman namin lahat para tulungan kang maging OK pero nilalayo mo ang sarili mo sa amin," muling nagsalita si Ashley. "Paano ka makaka-move on kung ayaw mo naman mag-move on? Kasi kung ikaw di napapagod sa ginagawa mo, kami napapagod kaming nakikita kang ganyan. Where's the jolly and optimistic Meghan? Di na kita kilala. Feeling ko failure ako as a best friend kasi di kita matulungan."

Ashley broke down in front of me after her outburst. At dumagdag pa ito sa bigat na nararamdaman ko. I'd been so selfish. Sa sobrang pag-iisip ko sa failed relationship ko at sa sakit na dinanas ko, nakalimutan kong may mga taong nakapaligid sa akin na pwede kong masaktan.

"Kung di ka na n'ya mahal, nandito naman kaming mga kaibigan mo. Kami, mahal ka namin," ani Ashley bago ako niyakap.

Naramdaman ko na rin ang kamay ni Paul na hinahaplos ang likod ko para i-comfort ako. Lumapit din si Adam para yakapin kaming dalawa ni Ashley. All of a sudden, nagkaroon kami ng group hug at nasa gitna ako. Mas lalo pa akong naiyak nang marinig ko ang mga salita ni Paul.

"We're just here, you know? And we're not leaving."

One Stage At A Time [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon