Stage 2: Anger

203 35 31
                                    

Damn hang over!

Agad kong nasapo ang ulo ko at muling napahiga. Ang sakit na naman ng ulo ko.

Despite the headache, I pushed myself to stand and get ready. Langya naman kasi at nasobrahan na naman ang inom ko kagabi.

Halos three weeks na nang magsimula ang klase at halos isang buwan simula nang mag-break kami ni Nick. At heto ako ngayon, a total mess. Hindi pa rin maka-move on. Hindi pa rin makapaniwalang nagawa n'ya yun sa akin. Kung dati ay feeling hopeful ako na maaayos pa namin ang relasyon namin, ngayon naman ay sobra akong namumuhi sa kanya.

After that scene in the bar, hindi ko na napigilang magalit sa kanya. Kasi niloko n'ya ako at pinagmukhang tanga.

"Wala na kami. He already broke up with me."

Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaibigan ko na para bang malaking revelation yung sinabi ko na sa sobrang laki, hindi na kapanipaniwala.

I ignored their reactions. Hinawakan ko na lang si Adam sa braso at hinila palayo sa grupo ni Nick. Galit na galit pa rin s'ya kaya nagpatulong na ako kay Paul sa paghila.

After some time ay nakabalik na kami sa mga table namin at ang mga tao naman sa paligid ay balik sa pagsasayaw na parang walang nangyari.

"Kailan pa?" rinig kong tanong ni Ash nang muli kaming makaupo. Adam was beside me para masiguro kong di na ulit s'ya biglang susugod sa table ng ex ko.

I heaved a sigh. "About a week ago," sagot ko naman.

"A week ago? Ha!" galit pa rin na sabi ni Adam. "Isang linggo pa lang tapos may bago na s'ya."

Marami pang sinabi si Adam. Ilang mura rin yung pinakawalan n'ya habang sinasaway s'ya ni Ash. Hindi ko na magawang mag-react sa pinagsasabi n'ya dahil nakatutok lang ang atensyon ko sa magaling kong ex at sa bago niya.

Hindi pa rin sila umaalis at patuloy na nag-ienjoy na parang walang nangyari. At habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko mapigilang masaktan. Pero di na ako umiyak dahil kasabay ng sakit na yun ay ang galit na nararamdaman ko.

One Stage At A Time [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon