Malamig na tanghali iyon sa Senado, habang tinatalakay ang isang mahalagang batas ukol sa pangangalaga ng kalikasan. Sa harap ng mainit na diskusyon, naroon ang mga senador na pormal na nagtatalo, ngunit sa likod ng mga seryosong mukha ay may kakaibang dinamika na hindi alam ng publiko.
Sa isang sulok ng session hall, nakaupo si Senator Risa Hontiveros, tahimik ngunit alerto. Napansin niyang dumaan si Senator Imee Marcos na may dala-dalang mga dokumento, nakaayos ang buhok, at mukhang hindi natitinag sa bigat ng araw.
"Pssst, Risa!" mahinang tawag ni Imee kay Risa, habang palihim na inilalapit ang sarili sa kanya.
"Bakit?" tanong ni Risa na nakakunot ang noo ngunit may bahid ng pilyang ngiti sa mga mata.
"May dala akong kape. You want?" inabot ni Imee ang tasa ng kape kay Risa, na agad namang inangat ang kilay.
"Wow ha, Imee, anong kailangan mo? Hindi ka naman ganyan sa akin," biro ni Risa habang kinukuha ang kape. Isang Marcos at Isang riyalista sa senado, walang magaakala.
"Alam mo, Risa, ang daming tsismis tungkol sa akin dito, hindi ko na alam kung sino ang totoo kong kakampi. Pero ikaw, hindi kita pinagdududahan," sagot ni Imee habang umupo sa tabi ni Risa, medyo malayo sa iba.
"Psssh, tsismis lang yan. Huwag ka nang magpaapekto. Alam mo naman tayo dito, minsan may sariling mundo, 'di ba?" Sagot ni Risa habang sinisimsim ang kape. "Tsaka, magtapat ka na lang sa akin—anong tsismis ang pinakamatindi?"
Huminto si Imee at tumawa ng mahina, isang bihirang bagay na maririnig mula sa kanya. "Nako, kung anu-ano na lang! Na kesyo matigas ako, na walang pakialam, pero ang pinakamatindi? Na 'yung assistant ko daw, baka maging girlfriend ko."
Napatawa ng malakas si Risa, ngunit agad niyang tinakpan ang bibig dahil napatingin sa kanila ang ibang mga senador. "Ay, Imee! Hindi ko kaya! Sino bang gumagawa ng mga ganyang imbento?" Kung pwede namang ako.
Ngunit bago pa makasagot si Imee, biglang lumapit si Senator Loren Legarda kasama si Senator Pia Cayetano, parehong tila may masayang usapan sa pagitan nila.
"Hello, mga mahal kong bading!" malakas na bati ni Loren, na tila walang pakialam sa mga nakikinig. Si Pia naman ay tahimik ngunit nakangiti lang sa tabi ni Loren.
"Pia, ‘wag ka nga jan, kunwari ka pang tahimik!" sabat ni Loren sabay tapik kay Pia sa balikat. "Kung alam niyo lang, mga bes, si Pia at ako, madalas pag kami na lang ang natitira sa office, alam niyo na! Pak, pak!"
"Huy, Loren!" Hinampas ni Pia si Loren sa balikat, kunwari'y nahihiya. "Baka marinig ka ng mga tao, tsaka baka isipin nila seryoso ka! Alam mo naman dito, konting biruan, iba na agad ang isip ng mga tao."
"Slay baks", sabat ni Imee
"Eh ano naman! Wala naman akong sinasabing mali!" tugon ni Loren, na tila lalo pang nagpapatawa. "Tsaka, admit it Pia, mas gusto mong nagkakape tayo nang walang ibang tao!"
"Asaran nyo mhie, halata kayo",
Napangiti si Risa habang nakikinig sa kanila. "Ay nako, kayong dalawa, parang laging showtime kapag magkasama. Hindi na ako magugulat kung mayroong programa para sa inyo sa TV!"
"Why not? Pwede kaming mag-collab ni Loren!" biro ni Pia habang nagtatawanan silang dalawa.
"Puwede 'yan! 'Loren and Pia: Ang Bading Sa Senado,'" dagdag pa ni Loren habang umarte ng parang nasa harap ng kamera.
YOU ARE READING
Random Shots
FanfictionA roller coaster of emotions, just kicks of random in thoughts. Feel free to drop any requests and don't forget to leave interactions!💗