CHAPTER 3:

24 16 3
                                    

Chapter 3: suspicious.

"O ano, Della. Hindi ka nanaman naka pag lunch no?" Bungad sa akin ni Veshmine.

"Ano sa tingin mo?" Balik tanong ko sa kanya.

"Sabi na nga ba, eto jollibee. Alam ko namang pupunta ka dito after ng klase mo eh. O’ eto na yung folder na may laman ng case mo, pupunta ka diba ngayon sa clinic?" Tanong ni Ashmina.

"Yup, kakain lang ako dito. Aalis din ako kaagad. After ko ‘tong ma pass babalik din ako kaagad, may meeting pa ako kasama si Doc. Remuetez and ibang psychologist and nurses. And uuwi ako after that, I will change my clothes for press conference later at evening." Sagot ko.

"Magpahinga ka naman Azandriella. Hindi ka robot." Biglang salita ng lalaki, si Canvaure lang naman pala.

"Alam mo naman na maraming gagawin, ba't ako magpapahinga?" Tanong ko.

"Alam mo, wala talaga kayong pinagkaiba ni Azanthrielle. Pareho kayong workaholic, pareho pa kayong addict sa kape, matigas ang ulo, masungit, mabuti nalang at pareho kayong matalino." Sabi ni Lemuel.

"Oo nga no? Eh asan na ngayon si Azanthrielle?" Tanong ni Zamarrah.

"Naroon sa firm niya, nag r-research sa case niya, ewan ko ba kung naka alis na siya ngayon. May investigation kasi sila mamayang gaganapin kasama yung mga pulis eh. Batak, kanina lang yan gaking sa court. And mamayang gabi tiyak magkakasama si Azandriella at Azanthrielle sa press con." Sagot ni Canvaure.

Busy ako kakain dito kaya hindi na ako nakapag focus sa pakikinig sa kanila.

Ilang oras na ang lumipas, narito ako sa table ngayon kasama yung ibang psychologist. Merong bakanteng upuan sa tabi ko, ngunit wala man kang may nag tangkang umupo.

I'm wearing a black dress na hanggang sa taas ng tuhod ko at may slit sa gilid. And sinuot ko yung silver ko na kwintas at silver bracelet paired with my black and silver watch.

"Vesh, para saan yung upuan na 'to?" Tanong ko kay Veshmine.

"Ah yan, naka reserve na ya kay Attorney Remuetez eh. Swerte mo magkatabi kayo." Sabi niya na may pilyang ngiti sa labi.

"My son is here." Biglang sabi ni Doc. Remuetez sa tabi ko.

Tumingin ako sa gawi kung saan nakatingin si Doc. Remuetez, doon ko nakita si Attorney Remuetez na naglalakad palapit sa upuan sa gilid ko.

Tumango lang ako sa kanya at ganon din siya sa akin.

"Good evening, Dad, ladies." Sabi nito.

"Good evening, attorney." Bati naming lahat.

"Ms. Fontemalco, I heard na pupunta ka sa Italy am I right?" Tanong ni Doc Remuetez.

"Yes, Doc. Is just that hindi natuloy ang pagpunta ko doon." Sagot ko.

"And why is that?" Tanong ni Doc. Remuetez.

"Marami akong project na gagawin dito, Doc." Tanging sagot ko.

"But is it ok with you na hindi ka matutuloy sa pag punta mo sa Italy?" Tanong ni Doc. Remuetez.

"Yup, as long as yung reason ko is related to my profession." Sagot ko.

Tumango-tango lang siya. Naputol ang pag u-usap namin ng marinig namin ang boses ng MC.

"Good evening, ladies and gentlemen. Thank you for coming tonight. Let us welcome tge CEO of Remuetez Mental Hospital. Dr. Leonardo Vil Remuetez together with his wife Dra. Cevirelle Andyan Remuetez." The MC. Announced.

TWISTED VERDICTSWhere stories live. Discover now