CHAPTER 1:

38 18 5
                                    

Chapter 1: case.

"Hello ma'am, are you Ms. Azandriella Maxine Fontemalco?" Biglang tanong sa akin ng babae. Oh, secretary pala ni Dr. Remuetez.

"Hi. Yes I am. Do you need anything?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Sumama po kayo sa akin. Tawag ka daw po ni Dr. Remuetez sa kanyang office." Sabi niya. Tumango lang ako sa kanya at sinundan siya papunta sa office ni Dr. Remuetez, ang may-ari ng hospital na pinagta-trabahuan ko ngayon.

"Good morning Dr. Remuetez, and to you Mr. How may I help you?" Magalang kong bati sa kanila.

"Iha, I heard that you studied about neurodevelopmental disorders..." Sabi nito at tiningnan ako sa mata.

"You heard it right, Dr. Remuetez. Anything that I may help you with?" Tanong ko.

"We have a patient who's suffering from a celebral palsy, and we need your cooperation. Do you know anything about celebral palsy?" Tanong sa akin ni Dr. Remuetez.

"Actually, yes Doc. Celebral Palsy is a condition marked by impaired muscle coordination in other words, spastic  paralysis. And or other disabilities, typically caused by damage to the brain before or at birth." Sagot ko.

Para akong estudyante na biglang tinawag sa recitation.

"Impressive. Kaya mo bang i-handle ang condition ng patient na ito?" Tanong niya sa akin.

"I will try my best, Doc." Pormal na sagot ko sa kanya.

"I will provide nurses and psychological counselors for that patient. And you'll be my psychological researcher. Agree with that?" Tanong sa akin ni Doc.

"I will gladly accept your offer, Doc." Nakangiting sagot ko.

Ano pa bang magagawa ko? Hindi ko naman maaaring tanggihan ang opportunity na ito. Yun tuloy hindi matutuloy yung flight ko papuntang Italy, sayang naman yung opportunity eh.

"Good. Thank you, Ms. Fontemalco." Pormal na ani nito sa akin at nakipagkamay.

"Welcome, Doc. Please excuse me." Sabi ko sabay labas.

Stress akong pumunta sa opisina ng mga kaibigan ko. Pagka pasok ko palang bumungad sa akin ang ingay nila. Marami sila dito. Hindi ko naman kilala kung sino ang tatlong lalaki sa loob ng opisina ng mga kaibigan ko. Hay.

"Anyare sa'yo Della, naka busangot ka na naman." Tanong ni Ashmina sa akin.

"Ano pa ba? Eh hindi na naman matutuloy ang flight ko papuntang Italy." Sabi ko.

"Ha? Bakit?" Tanong sa akin ni Veshmine.

"Pa'no ba naman kasi, kinuha ako ni Doc. Remuetez maging psychological researcher niya para sa gaganaping session daw sa isang patient namin na nag s-suffer sa celebral palsy." Reklamo ko.

"Ayan kasi ang talino mo. Ok lang yan sayang naman yung opportunity." Singit mi Ashmina.

Tumango lang ako at hindi pinansin ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap ko.

"Alis muna ako." Paalam ko sa kanila.

"Saan ka na naman pupunta?" Tanong sa akin ni Ashmina.

"Sa coffee shop. Inaantok pa'ko eh." Sabi ko.

"Della, pwede ka naman matulog muna, alam mo kaka kape mo tataas talaga yung caffeine sa katawan mo. Ewan ko nalang sa'yo Azandriella." Sermon sa akin ni Veshmine.

"Ewan ko sa inyo. Hindi naman ako mamatay niyan." Sabi ko.

"Bagay talaga kayo ni Azanthrielle ang tigas talaga ng ulo." Biglang sambit ni Ashmina.

"I heard my name." Biglang may nagsalita sa likuran namin, napatingin ako sa gawi kung nasaan may lalaking nagsasara ng pinto.

Siya yung anak ni Doc. Remuetez.

"H-hindi ano k-kasi si Azandriella pilit na uminom ng kape kahit inaantok, yung caffeine sa katawan niya nakakasama yun. Ang tigas ng ulo niya, pareho kayo." Sabi ni Ashmina. Sinulyapan ko siya na ngayo'y naka ngiti at naka peace sign sa harap ko.

"Magkakape ka ng walang tulog?" Tanong ni Azanthrielle sa akin.

"Eh ano naman kung kakape ako ng walang tulog? Hindi naman ako mamatay niyan." Sagot ko sabay irap.

"Chill sama ako, bibili din ako ng kape eh." Biglang sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ha!?" Biglang sigaw ng kaibigan niyang lalaki.

"O bakit Lemuel?" Tanong ni Azanthrielle sa lalaking sumigaw. Lemuel pala pangalan nun.

"Bagay talaga kayo eh no? Nag kampihan pa talaga." Hirit ni Veshmine.

"Ayy bala kayo diyan marami pa akong gagawin alis na ako." Sabi ko sa kanila.

Lumabas ako ng pinto opisina ng kaibigan ko, naka sunod naman sa likuran ko si Azanthrielle. Hindi man lang ako kumibo sapagkat busy naman siya kakatipa sa kanyang celphone.

Pagkarating namin sa coffee shop, agad akong nag order ng kape.

"What's your order ma'am?" Tanong ng cashier sa akin.

"Caffé cappuccino, please." Sabi ko.

"Order for two." Biglang singit ni Azanthrielle sa likuran ko.

Magkatabi kami kaya parang na-insecure tuloy ako sa height ko. Hanggang chest lang ako. Habang siya naman ay sobrang tangkad.

"502 po lahat." Sabi ng cashier. Akmang kukuha ako ng pera ng bigla na lang nag swipe ng card si Azanthrielle.

"My treat." Sabi nito.

Alanganin akong tumango at nag pasalamat sa kanya. Magkaharap kaming naka upo ngayon malapit sa glass wall at busy din sa trabaho namin.

Siya ay nagbabasa ng criminal law books na siyang naka kuha ng interes ko habang ako naman ay nagbabasa ng case ko sa isang patient ko na may Post Traumatic Stress Disorder (PTSD).

"You're reading PTSD case pala. You know what, I have a client wherein yung inaalagaan niya is suffering from PTSD." Umayos siya ng upo at sumandal sa sandalan ng upuan.

Ibinaba ko muna ang folder na binabasa ko at diretsong tumingin sa kanyang mata.

"Dinala niya yung bata para magpa therapy but when the doctor took out a ruler infront of her, nagulat na lang na biglang sumigaw yung bata. That's when they discover na yung bata has a past traumatic experience." Dagdag niya.

"Then bakit umabot sa korte?" Tanong ko.

"The poor kid got bullied sa school nila, and she experience raped as well. Then inaabuso din siya ng kanyang parents, but then again we found out that, hindi niya tunay na magulang ang mga 'yon." Dagdag niya.

"Nahuli niyo ba sila?" Tanong ko.

"For now, wala. May lawyer din sila and yung masakit pa doon hindi maaaring ikulong ang mga magulang ng bata." Sabi niya.

"We can't provide enough evidences to defend the kid. There's no witness na sinasaktan yung bata. Because according sa Yaya ng bata, palagi naman daw siyang nilalambing ng parents niya, so hindi namin alam kung sino yung paniniwalaan." Sabi niya.

"How about sa nag rape sa bata? Nahuli niyo ba?" Tanong ko.

"No. We don't have enough evidences to prove kung sino talaga yung taong nag rape sa bata. Plus, the kid is suffering from PTSD, pinagpilitan nila na hindi nagsasabi ng totoo yung bata." Sabi niya.

"Hanggang ngayon, hawak mo pa rin ba yung case na yan?" Tanong ko

"Yes, I'm currently studying sa case na yan. Kailangan ng bata ng justice." Sabi niya.

"I agree with you. Pwede favor?" Tanong ko.

"What is it?" Tanong niya.

"Can I read the case about PTSD you're talking about? Maybe I can help because it's under my profession as well to study about mental illness or disorders." Sabi ko.

"Of course. I'll meet you tomorrow, dadalhin ko yung case na 'yon sa'yo. And maybe you can help us investigate." Sabi niya.

"Deal." Sabi ko.

TWISTED VERDICTSWhere stories live. Discover now