CHAPTER 12:

10 5 0
                                    

Chapter 12:

 
         Ilang oras nang nakalipas, nanatili akong naka-kandong sa kanya. Mabuti na lang at tapos na 'yong duty ko para mag Counseling. Ewan ko ba kung hindi siya nangangalay, ang bigat ko pa naman.

Nakayakap siya sa bewang ko habang nakasiksik ang kanyang ulo sa leeg ko, nakatulog na nga.

Ang himbing ng tulog niya, parang walang bigay na dinadala, napaka-komportable. Tila nasa isang malambot na kama at malamig na kwarto siya kung makatulog, sobrang himbing ba naman.

Malambing kong pinasadahan ng kamay ko ang kanyang buhok, baka sakaling magising siya.

"Zanthrie, wake up na." Pag gising ko sa kanya. Pero mas lalo niya lang isiniksik ang kanyang ulo sa leeg ko at humigpit ang pagkayakap niya sa bewang ko.

Patuloy ko siyang ginising hanggang sa tuluyan ko na siyang nagising. Inosente siyang tumingin sa'kin nang magising ko na siya.

Inabot ko ang kanya buhok at inayos ito. Namumula pa ang kanyang mata, tenga, at ilong. Halatang bagong gising lang.

"It's already 5:30 in the afternoon, let's go home na." Sabi ko sa kanya.

"Alright." Sabi nito.

Dahan-dahan akong umalis sa pagka-kandong sa kanya at iniligpit ang mga folders.

"Hindi nangangalay yung paa mo?" Tanong ko sa kanya nang makarating kami sa sasakyan.

"Hindi. Bakit naman mangangalay yung paa ko?" Balik tanong niya sa'kin.

"Eh apat na oras akong naka-kandong sa'yo." Sabi ko at bahagyang umiwas ng tingin.

"Ang gaan mo kaya, para ka ngang papel for me. Damihan mo kasi kumain, ako na magluluto sa'yo." Sabi niya sa'kin.

"Parang nagc-crave ako today." Sabi ko.

"Let's go to the mall then. Mang grocery nalang tayo, hindi ako makapag grocery last week eh." Sabi niya sa'kin.

"Really? Tapos uuwi tayo gabi na?" Masayang sabi ko.

"Mm. Ang saya mo naman hmm?" Tanong niya sa'kin.

"I wanna see city lights!" Sabi ko sa kanya.

He chuckle.

"Edi every day tayong uuwi nang gabi na. It's that's what you want." Sabi niya sa'kin.

"Of course, I'd be glad to!" Sabi ko.

Binuksan niya and side rear window ng sasakyan, at hinayaan malanghap ko ang preskong hangin.

Ipinikit ko ang mata ko ninamnam ang preskong hangin. Ramdam ko ang kanyang tingin sa akin kahit nakapikit ako.

Bahagya kong iminulat ang mata ko at pinagmasdan ang mga ilaw sa daan hangang sa makarating kami sa mall.

Agad akong humawak sa kanay niya at hinila siya sa grocery store sabay kumuha ng trolley.

Kaagad akong pumunta sa area na kung saan nakalagay ang mga snacks katulad ng fudge bar, biscuits, donuts, chocolates.

Imbis na tulak lang 'yong gagawin ko sa trolley sumasakay pa ako tas itutulak ko na naman.

Nang akmang itulak ko ulit ang trolley naramdaman ko ang dalawang kamay ng humawak sa trolley.

"Sakay." Sabi ni Azanthrielle.

Naguguluhang tumingin ako sa kanya. Ipinatong ko nalang ang dalawang paa ko sa likuran ng trolley at hinayaan siyang itulak ang trolley habang nakasakay ako sa harap niya at kumukuha ng mga pagkain.

Pinagtitinginan kami ng mga staffs pero wala naman akong pake, ang saya kasi sumakay sa trolley.

Ilang oras bago natapos yung pang g-grocery namin pago naisipan umuwi.

"Here nalang ba tayo mag dinner or gusto mo mag luto tayo sa bahay?" Tanong sakin ni Azanthrielle.

"Sa bahay na tayo mag dinner, aki magluluto. Let me cook my favorite food." Sabi ko.

"You mean the chicken nuggets with fried rice and tocino?" Taas kilay niyang tanong sa'kin.

"How did you know?" Tanong ko.

"I still remember your favourite food way back then." Sabi niya.

"Matagal na 'yon, naalala mo pa? Grabeng utak yan." Sabi ko.

"Oo naman, why not hindi ko maalala? Hindi nga kita kinalimutan eh, it means every details that I know about you way back then, I still remember it until now." Sabi niya sa'kin.

Natameme ako sa kanyang sinabi at nanahimik na lang. Bumalik na kami sa sasakyan at nagbyahe pauwi.

For me, this is the best night. Nasaksihan ko na sa wakas ang city lights. Gusto ko man umuwi ng gabi, naalala ko naman mga trahedyang maaaring mangyari sa'kin sa gabi.

Pero ngayon, may kasama na ako. May kasama na akong manood ng street lights or city lights.

Nakarating na kami sa bahay at kasalukuyang nagkukuto ng ulam namin, habang si Azanthrielle ay nagluluto ng fried rice.

"Ang bango ng niluluto ko." Sabi ko.

"Syempre paborito mo yan eh. Tikman mo 'tong fried rice." Sabi niya.

Kaagad akong pumunta sa kanya bitbit pa ang sandok para sa pangfried.

Bahagya pa siyang tumawa nang makita ako. Kaagad akong sumandok sa frying pan ng fried rice at isinubo ito.

"Infairness ang sarap. Teka kumain na tayo." Excited kong sabi.

"Hindi pa nga ako tapos sa pagluluto eh." Nakangusong sabi ni Azanthrielle.

"Ok na yan, gutom na'ko." Sabat ko.

xx.

Nasa loob na kami ng kwarto dalawa, manonood daw muna kami ng movie bago matulog.

"Zanthrie. Tumigil kana kaya sa panliligaw mo? Bumalik nalang tayo sa dati?" Tanong ko.

"What do you mean?" Tanong niya sa'kin.

"Eh diba, bumalik nalang tayo bilang mag asawa, hindi mo naman pinirmahan ang divorce paper eh. Besides, we're getting old. We should not waste our time na." Sabi ko.

"I agree with you. We're getting old, the clock is tickling, the time is running. We're going back to what we're used to be before, but this time, more mature. Promise me that we will fight together." Malambing na sabi nito sa'kin.

"You know that I hate promises right? But this time, for another time again, I'll promise you, that I'll fight for us, but what if I'll get tired from fighting?" Tanong ko sa kanya.

"Rest in me. I'll be your pahinga, and you'll be my pahinga too." Sabi nito sa sa'kin.

Yumakap siya sa akin hanggang sa nakatulugan niya na ito. Ang plano ko pa naman ay matulog sa kabilang kwarto, tapos ngayon matutulog na ako sa tabi niya, pa'no ba naman kasi hindi na ako maka alis sa yakap niya.

He will be my pahinga.

I promise.

I hate promises, but if it's you, then I will. I promise.

TWISTED VERDICTSWhere stories live. Discover now