Kabanata III

596 34 11
                                    

Mataas na ang sikat ng buwan sa labas.

Pero wala pa ring mapaglagyan ang kilig ko! Nakangiting tinapos ko ang pagsusulat sa papel. Binasa ko pa ulit ng isang beses.

Sana mapangiti ko rin si Cristobal. At kiligin? Ewan ko kung paano kinikilig ang lalaki. Gumugulong din ba sila sa kama at hindi makatulog agad sa gabi?

Kinuha ko ang pabango ko, nagwisik ng dalawang beses sa ere at saka mabilis na itinaas din ang papel para makuha ang bango. Nang inamoy ko ang sulat, amoy-pabango na!

Alam kong parang timang na yata ako. Pero gustong kong sa tuwing binabasa ni Cristobal ang mga sagot ko sa sulat niya, naaamoy niya rin ako.

Tinupi ko na ang sulat, isinilid sa makulay na sobre. I licked the flap and then closed it. Sealed!

Nagwisik ulit ako ng pabango sa ere at iwinagayway ang sobre para makuha ulit ang bango. Then I left the letter on the top of my study table.

Padapang humiga ako sa kama. Nakangiti pa rin. I'm excited for Cristobal to read my love letter and then he'll give me another love letter as a response.

Ganito ko gustong makipagligawan sa kanya. Ngayon.

Of course, I allowed him to court me! Sinong tanga ang tatanggi? Hindi ako.

Siya lang ang nagustuhan kong lalaki nang ganito katagal. My crushes before were just short-lived. Ngunit si Cristobal, dalawang taon ko nang gusto. Walang makaagaw sa trono niya sa mga pantasya ko.

Kaya't pinayagan ko siyang manligaw pero dapat naaayon sa kondisyon ko.

"Sulat...?"

"Oo, magsusulatan lang muna tayo. Let's exchange letters for now. I'll test your patience first," latag ko ng kondisyon. "Ayoko muna na may makakaalam na nanliligaw ka sa 'kin. Ayokong may mga taong pinagpupustahan kung hanggang kailan lang tayong dalawa."

Naisip ko lang iyon at nasabi dahil una sa lahat, gusto kong ako mismo ang magsasabi kay Bree na nililigawan na 'ko ni Cristobal. She's my best friend and it's a rule of the thumb (for me) that she'd be the one to know these things first.

Kaya't hindi ko rin puwedeng ipagsabi 'to sa iba naming mga kaibigan hanggang hindi si Bree ang unang nakakaalam.

Pero alam kong hindi ko pa masasabi agad 'to kay Bree. Kailangan kong itago habang halata kong bigo pa siya kay Kuya Sylvan. I have to be considerate naman, 'no?

Bigo ang matalik kong kaibigan, tapos sasabihan ko siya na nagwawagi naman ako dahil nililigawan na 'ko ng lalaking pinapantasya ko? Insensitive ako minsan, pero ayoko namang mainggit si Bree sa 'kin.

"Wala namang problema sa 'kin ang makipagpalitan ng love letters sa 'yo, Shy," nakangiting pagpayag ni Cristobal.

Inirapan ko siya kunwari, pero umaawit talaga ang puso ko. "S-Sige. Tayong dalawa muna ang makakaalam, ah? Magsulatan na lang muna tayo hanggang sa ahm..." Hanggang kailan ba?

Hindi lang din naman si Bree ang kinokonsidera ko.

Si Kuya Vio rin! Dapat masabi ko rin agad kay Kuya, ang kaso pagagalitan lang ako niyon. Ingungudngod lang niya sa 'kin ang pangako ko sa kanya noong grade one pa lang ako.

"Bawal ka pa bang ligawan, Shy?" maingat na tanong ni Cristobal. He stepped closer to me.

Tapos na ang isang buong araw na klase, pero ang bango pa rin niya? He smelled in between minty and powdery. Hindi masakit sa nostrils.

"I'm ready to ask permission from your parents. Now that you're at the proper age, Shy."

Napalabi ako. "Wala namang problema kay Mama at Papa ang magpaligaw ako." Marahan akong napatingala sa kanya. "Actually, they won't mind if you're going to court me. Ang gusto lang nila ay galing sa matinong pamilya ang kung sino mang manliligaw sa 'kin. And you're a Loalde!"

Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon