Kabanata V

223 21 2
                                    

Walang klase para sa araw na iyon.

The professors in our major subjects are attending a symposium somewhere in Manila. Kaya't walang pasok ang lahat ng estudyante sa kurso namin.

"See you later, Kuya Vio!"

Nakangiti pa 'ko kahit hindi ko gustong itago sa kapatid kong wala talagang klase ngayon. Nagpahatid pa rin kasi ako. "Bandang alas-dos mo 'ko sunduin mamaya kasi wala na kaming last subject ngayon." At least, I could tell him a little truth.

"Bakit kayo walang huling subject?" usisa niya pa bago ako makababa ng Volks.

"May dinaluhan daw na symposium si Prof. Magcasi." I kept my smile that he wouldn't suspect.

"Ah." Tumango-tango si Kuya Vio. "Sige. Magpapaalam ako kay Papa para palabasin ako sa rancho."

"Sasamahan na lang kita pabalik sa rancho pagkasundo mo sa 'kin. Tatambay ako sa opisina niyo ni Papa." Para naman makabawi ako sa hindi ko pagsasabi sa kanya ng totoo ngayong araw.

Ito lang ang pagkatataon na maaari kaming magkasama ni Cristobal pagkatapos ng ilang buwan naming papapalitan ng mga sulat.

"Ingat sila sa 'yo, Kuya Vio!" mapaglaro kong biro pagkatapos kong mag-iwan ng halik sa kanyang pisngi.

Halata pa ring walang sigla ang ngising itinugon niya. I sighed when I turned my back and went inside the campus gate.

Lumingon ulit ako pagkatapos ng ilang minuto. I bit my lip when I saw his car driving away. I feel more guilty hiding something from my closest brother, considering he's still not in his best shape.

Talagang tinamaan si Kuya Vio kay Tara Mariano. Ito yata ang unang pagkakataon na hindi pa nagiging nobya ni Kuya, pero nasawi talaga siya kahit pa siya ang umatras sa panliligaw.

Napailing-iling na lang ako habang naglalakad na papunta sa library. Wala masyadong estudyante roon tuwing ganitong oras. Lalo na ngayong wala halos lahat ng mga estudyante sa kurso namin. We take up 35% of the campus' population. Kaya't ngayong wala kaming klase mula sa freshmen hanggang seniors, uuga-uga ang campus.

Hinanap ko ang dulong puwesto na nasa likod ng "Archives" section ng library. Napangiti ako nang makitang tama si Cristobal. Napakatago niyon, pero maliwanag dahil may katabing malaking bintana. Hindi rin mabilis mapapansin kung sinong mga nandoon dahil natatakpan ng mga bookshelves.

Pumuwesto na 'ko at umupo sa pinaka-dulong upuan ng lamesa. Kinuha ko ang suklay, salamin, at pulbo sa bag ko. May binigay si Bree na bagong lipstick sa 'kin kaya't nagpahid ako niyon nang bahagya sa mga labi. Naglagay din ako ng tuldok na lipstick sa magkabilang hintuturo ko. Marahan ko iyong ikinalat sa cheekbones ko. I pinched my cheeks after.

I'm very satisfied when I checked my compact mirror. I looked naturally fresh with rosy cheeks and lips. Tugma iyon sa kulay ng balat ko.

Hindi ko masasabing maputing-maputi ako, katulad ni Bree. Pero ang pagiging morena ko, papunta na sa pagiging maputi. Iyon bang kulay ng kape kapag nasobrahan sa gatas. Imbes na kapeng hinaluan ng gatas, mas gatas na nilagyan ng kape.

Sa aming magkakapatid, halos magkakalapit kami ng mga kulay. Nasusunog nga lang sa ilalim ng araw sina Kuya Sylvan at Kuya Vio kaya't mas nagiging malalim na moreno ang kulay ng balat nila. Maliban sa kasama sa trabaho nilang magbabad sa initan, gusto talaga nila iyong nasisikatan ng araw. Kami naman ni Kuya Alvaro ang parehas na umiiwas sa init.

Still, I got the lightest complexion among the four of us. Sabi ni Mama, mas naging lamang sa 'kin ang lahi nilang mestiza. Napatakan nga lang ako ng pagiging moreno sa lahi nina Papa.

Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon