Kabanata II

806 35 9
                                    

Unang araw ng pasukan.

Ayoko pang bumangon. Hindi dahil sa tinatamad ako o masama ang pakiramdam ko. May kung ano lang akong nararamdaman sa may tiyan—nerbiyos o kasabikan—iniisip ko pa!

Pagkatapos ng kaarawan ko at kailangan ko nang pauwiin si Cristobal, hindi ko na ulit siya nakita. Hindi na rin kami nakapag-usap ulit dahil nasa Maynila nga ito para sa On-The-Job o OJT training na kasama sa kanyang kurso na Accountancy.

Nasa huling taon na siya ngayon. Ako naman ay nasa pangalawang taon pa lang sa kursong biro ng lahat ay para lang sa mayayaman—Business Management.

Well, we—the Lemuels—do own hectares of rice and vegetable farm, a big-time animal ranch, and a small sugarcane plantation. Kauumpisa pa lang din magdagdag ng koprahan nina Kuya Sylvan at Kuya Alvaro sa farm.

I'm taking up Business Management and at the same time, I enrolled in extra subjects for animal farming. Ganoon ang ginawa ni Kuya Vio noon. Ngayon, sila ni Papa ang nagtutulungan sa rancho. Once I graduate, I'll be working in the animal ranch, too. Siyempre't si Kuya Vio ang gusto kong kasama sa trabaho.

"Shy?" pagkatok ni Kuya Vio sa pinto ng silid ko. "Shy, handa ka na raw ba? Malapit nang ihain ang agahan."

Hindi ako kumibo. Iniisip ko ulit si Cristobal. Siguradong magkikita kami mamaya sa campus.

Magbabatian kaya kami? Lalapitan niya 'ko? Itutuloy ang naputol naming pag-uusap dahil—

"Shy! Tulog ka pa ba?" Katok pa rin nang katok si Kuya. Palakas nang palakas, pati boses. "Papasok ako kung hindi ka pa lalabas."

Tumalikod ako mula sa pinto, niyakap ko ang unan ko. Nagsalubong ang mga kilay ko habang napapatulis ng nguso.

Ano kayang ibig sabihin ni Cristobal na... ako ang hinihintay niya?

Sasabihin niya kaya ulit iyon? Kausapin niya kaya ako mamaya kung magkasalubong kami sa campus grounds o sa pasilyo?

Pero baka magtanong ang mga kaibigan ko, lalo na si Bree kapag nakita kaming magka-usap ni Cristobal?

Wala pa naman akong sinasabihan sa kanila na nakahabol ang lalaki noong debut ko at isinayaw pa 'ko. Ang rosas na bigay ni Cristobal sa 'kin, inipit ko na sa libro para mas matagal kong maitago.

Hindi naman sa inililihim ko sa mga kaibigan ko ang nangyari. Lalo na kay Bree, eh, best friend ko iyon kahit gaga kay Kuya Sylvan.

Pero gusto ko munang solo ko ang alaala. It's a very precious moment for me. Kaming dalawa lang ni Cristobal na nagsasayaw sa ilalim ng buwan...

O ayoko ring ikuwento pa muna sa iba dahil tutuksuhin nila ako? At oras na tinukso-tukso ako, aasa at kikiligin ako...

Tapos, paano kung hanggang doon lang pala iyon? Hindi na madudugtungan? Paano kung sinabi ko na kina Bree na baka may gusto rin sa 'kin si Cristobal tapos ay wala pala talaga?

Paano kung pinagbigyan lang talaga ako dahil kaarawan ko?

"Shy! Hindi ka pa bumabangon? Anong oras na, o!" sabi ni Kuya Vio na nakapasok na ng kuwarto.

Hindi na 'ko nagulat kahit nakakandado ang pinto. May susi si Kuya Vio ng aking silid, in case of emergency sana. Pero ginagamit niya ang susi kung kailan niya magustuhan. Ewan ko ba kay Kuya!

"Kapag hindi ka bumangon, mahuhuli ka sa agahan. O kailangan mo nang pumasok at hindi ka makakain ng agahan."

"Ang ingay mo naman, Kuya. Nag-iisip ako."

Naramdaman ko ang paglundo ng kabilang bahagi ng kama. Sumampa pala si Kuya Vio at ngayon ay sinisilip ang mukha ko.

"Anong iniisip mo? Malalim ba? May kuwenta?" Hinawakan ni Kuya Vio ang braso ko at malakas akong hinila pabangon ng kama.

Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon