Kabanata IV

278 20 4
                                    


Pababa na ang sikat ng araw.

Ngunit pataas yata ang alta-presyon ko.

"Shy..." Napakamot si Kuya Vio sa batok, ngumisi na katulad sa batang pilyo na nahuli.

"Oh, she's the sister you're talking about?" sabi ng babaeng... Alright, maganda naman. Maayos ang blending ng make-up. Hindi rin maarte magsalita.

Napataas ang kilay ko. Ito ba ang nililigawan ni Kuya Vio ngayon?

"Hello! I'm Tara Mariano." Ang babae ang lumapit sa 'kin at nag-alok pa ng kamay. "I'm sorry you caught me and your brother in an inappropriate scene..." She even sounded sincere!

"Shy, siya si Tara." Kuya Vio's hand landed on Tara's waist.

"Kasasabi niya lang," I sarcastically remarked.

Tinikom na lang ni Kuya Vio ang bibig niya.

Hinarap ko si Tara. Medyo tumingala ako dahil ang tangkad din ng babae. Nang matitigan ko ang mukha, lalong gumanda sa paningin ko.

Pantay ang kilay! Mahahaba ang pilik-mata!

Bago ko pa amining naka-tsamba si Kuya Vio ng mukhang dyosa, umirap na 'ko. Walang salitang tumalikod ako at nagmartsa pabalik sa loob ng opisina ni Kuya Vio.

Huminga ako nang malalim at napaupo sa couch. Hindi pa sumunod agad si Kuya Vio. Siyempre at nasa labas pa si Tara. Baka ipinagpatuloy kung saan ko sila naabala.

Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga. Nililigawan pa lang, ngunit base sa paghahalikan nila sa labas, parang pa-honeymoon na sila!

"Eew ka talaga minsan, Kuya Vio!" gigil kong bulong.

But the girl is not cheap-looking! Tara has class.

Patag na ang paghinga ko nang bumukas ang pinto. Napatingin ako roon at lumitaw ang ulo ni Kuya Vio.

"Akala ko ba may tatapusin kang paperwork?" nakalabing tanong ko.

Pumasok na siya at sinara ang pinto. Pero hindi nakapinid at hawak niya pa ang seradura.

"Mayroon talaga, Shy. Kaya nga uuwi na rin si Tara. Ihahatid ko lang doon sa may bukana. Nandoon na ang sundo niya."

Napatayo ako. "Baka hindi ka na bumalik?"

Tumawa lang si Kuya. "Babalik agad ako. Ihahatid ko lang talaga si Tara. Hindi rin ako magtatagal dahil ang sumusundo sa kanya ay ang tiyahin niya."

"Her aunt? So, ipapakilala ka na? Girlfriend mo na si Tara?" Sunod-sunod kong tanong. "Kanina lang nililigawan mo pa lang, ah? Pagkagising ko, kahalikan mo na?!"

Napabuga siya ng hangin. "Shy, nanliligaw pa lang talaga ako. It's just that, Tara grew up abroad. Ang ligawan sa kanila, puwede na 'yong ginagawa namin kanina. Hindi ka na bata, naiintindihan mo na siguro."

Umabante ako. "Sasama ako sa paghatid mo sa kanya sa bukana. Baka tumagal ang goodbye kiss niyo."

Namilog ang mga mata ni Kuya. "Nandoon nga ang tiyahin niya, Shy."

Umirap lang ako at nauna pang lumabas ng pinto. Tara saw me and greeted me, again.

At saka ko lang napansin na may American accent nga siya kapag nagsasalita!

"Hello, again, Shy. I'm going ahead," she said.

"Are you having a vacation here?" I directly asked.

Tara shook her head. "I'm actually living with my aunt in Lucianna. I'm helping her with her farm business."

Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon