Kabanata I

727 51 24
                                    

Hatinggabi na.

It's my birthday! Sa wakas, disi-otso anyos na 'ko. Pinakahihintay ko 'to dahil maliban sa may enggrandeng selebrasyon para sa 'kin at buo na ulit ang aming pamilya, makikita ko na yata ulit si Cristobal Loalde!

I've been attracted to him since I moved here in Constantia. I was sixteen that time. Pero hindi ako pinapansin ni Cristobal dahil bata pa raw ako. He was already nineteen, two years ago.

However, he told me to look after him again once I turned eighteen. So, I even sent him an invitation for my birthday. Kung pupunta siya o hindi, hindi ko pa sigurado. But I'm being optimistic.

Dahil kay Cristobal, nagpapaka-positibo ako at umaasa sa hindi sigurado kahit sa totoong buhay ay segurista ako.

Ayon pa nga kay Bree, I'm pessimistic! Bakit hindi ko raw subukang tumingin on the brighter side?

Ang sa 'kin lang, bakit pa 'ko titingin kung saan man 'yang "brighter side" na 'yan, when reality is right in front of me? I'm being practical.

Ako lang din naman ang malulungkot at magagalit sa bandang huli kapag umasa ako at hindi nangyari. So, less disappointment if I'm already all eyes for the worse.

At kung hindi naman masama ang mangyayari? Eh, 'di masaya!

Until Cristobal came. I want to expect the best. I want to hope he'll come later and be my 18th rose!

Pero paano kung hindi pa rin? Sinong 18th rose mo, Shyloe?

Siyempre, si Kuya Vio! Tinatanong pa ba iyon? Hindi ako hahayaang mapahiya mamaya ng kapatid ko kung hindi talaga makakarating si Cristobal...

Napadilat ako ng mga mata. It's pitch dark in my room. Dapat mahimbing na 'kong natutulog ngayon. Ayokong mukhang puyat mamaya sa debut party ko.

But my mind wouldn't let me sleep. Paano nga kung hindi dumating si Cristobal? Pero kung aasa ako at magdadasal, baka naman dumating?

Ngunit sandali, kapag hindi nga, anong gagawin ko? Ayoko na ulit gawin iyong ginawa ko dati. Ayoko na ulit na ako pa ang lalapit sa lalaki para lang mapansin at umaming may gusto ako rito.

Oh, my god! Hindi nga alam ng matalik kong kaibigan na si Bree na ginawa ko iyon. Baka sabihin niyon, sinabihan kong "cheap" ang plano niyang magtapat kay Kuya Sylvan sa darating niyang debut. Tapos, una ko na palang ginawa iyon kay Cristobal noon pa!

Napangiwi ako. Si Kuya Vio lang ang sinabihan ko ng nangyari, napagalitan pa tuloy ako.

Pumikit na lang ulit ako at sinubukang makabalik sa pagtulog. Ngunit pabaling-baling lang ako. Kung nasasabik o kinakabahan ako, parehas na. Hindi ako makakatulog nito hanggang mamayang may araw na...

No! Hindi puwede iyon. Kahit gabi pa idadaos ang selebrasyon, ayokong magkulang sa tulog.

I tried again to fall asleep. Ngunit posible pala talaga 'yong napapagod ang mata sa pagpikit. Lalo na kung pinipilit.

This is helpless.

Inalis ko ang kumot sa katawan ko, bumangon, at mabilis na tumayo paalis ng kama. Kahit madilim, hindi ako tumama sa kahit ano hanggang sa makalabas ako ng aking silid.

Bare-footed, I quietly walked down the hall until I reached Kuya Vio's room.

Sa lahat ng kapatid kong lalaki, siya lang ang hindi nagkakandado ng pinto. Kaya't pagpihit ko ng seradura, bumukas agad iyon.

Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon