chap. 06

3 0 0
                                    

chap. 06


Actually, it wasn't the first time where Gavin involved himself on the problems that should've been mine alone.


I keep clicking my pen to see the tip then click it again to turn it off. It is currently our vacant time after our teacher has announced about their faculty's meeting. Wala na akong magawa kaya ang ballpen ko na lang ang nilalaro ko. 


I am contemplating on whether I should watch Gavin's practice later or not. Wala naman akong gagawin sa bahay at wala rin naman akong assignment ngayong araw. Manonood ba ako?


"Allison, pwede makahiram ng extra pen mo?"


Nakuha ni Ivan ang atensyon ko nang humarap ito sa akin at inalahad ang palad niya. Agad akong yumuko at hinalungkat ang back pack na nakalagay sa sahig. I took out one of my pens from the case then handed it to him.


"Thank you! Ikaw ba tapos ka na sa journal?" He asked as he accepted the pen.


"Yes, nagawa ko na siya kahapon sa bahay. Ngayon mo tatapusin iyo?" 


Tumango ito sa akin at tinuro na ang notebook niya, sinasabing babalik na siya sa ginagawa niya. 


Dahil wala na talaga akong magawa sa classroom at mukha namang matatagalan ang meeting ay binalak ko na lang na pumunta sa canteen. It's still eleven in the morning, I don't think it will be crowded there by now. I guess this is the right time to buy some snacks.


Tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas sandali ng classroom. Doon pa rin ako sa bagong dinadaanan ko pupunta dahil iniiwasan ko na talagang madaan doon sa dati.


As I was nearing the end of our floor's hallway, a person suddenly grabbed me and dragged me to the side. Walang nadaan dito ngayon kaya talagang nagulat ako nang may nanghila sa akin.


"Hoy, ikaw yung Allison, 'di ba?" Maangas na tanong ng babaeng nanghila sa akin.


She's standing together with two girls, one on each of her side. Hindi ko sila kilala kaya nagtatakha ako kung anong meron at bakit parang kilala nila ako. 


"Excuse me, may sadya ba kayo sa akin?" I asked politely so I won't trigger them to do anything to me.


Tinulak ako sa kaliwang balikat ng babaeng nasa harap kaya medyo napaatras ako.


Ano bang problema nila? Hindi ako makakilos ng dapat na gawin sa mga ganitong sitwasyon dahil sa kalituhan sa nangyayari. All I know is that I can really sense danger just by meeting their intense glares toward me. 


Nagsisimula na akong kabahan nung humakbang palapit sa akin 'yong babae. Habang yung dalawa niya namang kasamahan ay kumilos na rin para may magsilbing bantay sa hagdan.


"Nagtatanga-tangahan ka pa?" Saad nito at hinawi ang sentido ko gamit ang kanyang mga daliri.


Watching the Spring Falls (Spring Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon