postlude pt. 01

3 0 0
                                    


postlude pt. 01


Chandra Allison Graciano is that person to me. 


I don't really know how everything started between us. It feels like I just woke up one day and found myself falling over her, fast and unsavable. 


Looking back, how did I even meet her? 


Right. It was that day. The day that I cannot seem to forget no matter how many years has passed. 


Back when I was in first year high school, I remembered having to deal with Kyle's presence and his problems that I'm not aware of and involved with. 


"Anong gagawin ko?"


Iritado ko siyang inangatan ng tingin ng malamang nandito nanaman siya sa harap ko. Nasa magka-ibang row na nga kami't lahat pero nandito pa rin siya para manggulo. 


Simula pa 'yan kaninang pagkatapos ng homeroom class nagpapabalik balik dito sa akin. Para namang may magagawa pa akong solusyon sa kalokohan niya. 


Our school announced the scheduled celebration date of our Foundation Week just today. Sa kada grade level ay may kompetisyon na nakalaan. Dahil nasa ikapitong baitang pa lang kami ay nasa amin ang singing competition. 


At syempre ang gago kong kaibigan naisipang magpabida at sabihing siya na lang ang bahala sa section namin. His reasons are: first, wala raw nagtataas ng kamay at ayaw niyang mawala sa disposisyon ang teacher namin, and second, gusto niya raw ng extra points dahil wala siyang balak mag-aral. 


Okay lang naman sana ang lahat, buhay naman niya 'yan. Ang kaso ay may problema siyang nakuha at nadadamay ako. 


"Hindi ako magaling kumanta... "


Right?! Ayun naman pala! Kaya bakit ka pa nagpresintang hinayupak ka?! 


Gusto ko na lang tuloy biglang kalimutan na kaibigan ko ang lalaking 'to at halos sabay na kaming lumaki kaya kailangan kong magtimpi. But at times like this, I really can't help but to ask how his mind works. I just don't understand. 


"H'wag mo akong idamay dyan kung ayaw mo pang matapos ang buhay mo ng maaga, Hernandez."


He sighed heavily once. Then twice. Until I lost count. Tangina, papansin. 


"Kapag hindi ka tumigil d'yan bibigyan kita ng plastik labo at ihaharang ko sa bibig mo," I said irritably. 


"You're so road, bff. Parang hindi naman tayo niyan sabay na tinulian."


That's when I lost it. Tumayo ako at umambang isusuntok ang kamao ko sa kaniya. 


"Gago ka ba?" Halos maisigaw ko na at nauubos na pasensya ko sa kaibigan na nasa harap. 

Watching the Spring Falls (Spring Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon