Chapter 18: Back to you

1.5K 44 10
                                    

Matthias' POV

Stunned. Suprised. Excited.

I can't stop myself from smiling after hearing lola say the name I expected.

Hindi ko gusto na mabigla siya kaya I did not react kaagad.

"Ang ganda ng pangalan niyo, ah. Bakit iba po ang unang sinabi niyo sakin?" tanong ko.

"Palayaw ko kasi ang Maiah. Yon talaga ang ginagamit kong pangalan. Sa totoo lang kasi, yung pangalan na yun ay si Mattheo lang talaga ang tumatawag sakin nun." mahinahon niyang sagot.

I saw a hint of sadness as she said lolo's name.

Was it that bad?

"Alam niyo po ba kung saan siya ngayon?" i asked again.

"Hindi pero alam kong masaya siya. Kahit hindi man sa piling ko. Masaya pa din ako na masaya siya."

"Hindi niyo po ba ipinaglaban?"

"Pinaglaban, syempre. Ikaw bakit hindi mo ipaglaban?" she asked back.

Nagulat naman ako sa tanong niya. I looked at her with a shocked look.

"Alam ko ang mga tinginan na yan, Matt." tumawa siya. "Ganyan ang tao pag may minamahal. Araw araw ka ng nandoon sa bahay noon pero biglang tumigil ng dumating yung lalaki sa bahay."

She looked at me seriously.

"Ipaglaban mo. Gaya ng paglaban ko, pero ipanalo mo rin." she looked down tapos sa mga batang naglalaro na nasa harap namin. "Huwag kang sumuko, kagaya ng pagsuko ko."

Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik.

Nakakatakot malaman kung ano ba talaga ang patutunguhan namin, pero tama si Lola. Ipaglaban hangga't kaya.

"Gusto niyo po ba siyang makita ulit?" I asked lola while still looking at the kids playing.

"Gusto ko ng kalimutan yon. Ayaw ko na. Alam ko namang masaya siya. Kaya baka ito talaga ang katapusan ng lahat. Kaya kung ano man ang tinadhana, yun nalang ang ating panghawakan. Huwag na natin ipilit." lola said.

She stood up.

"Aalis na ako. Ikaw? Ipaglalaban mo na ba? Tara at sumama at sakin." she smiled widely.

Tumayo ako at ngumiti.

"Ilalaban natin 'to."

Alaiah's POV

"Aya, please. Just this once." Jeremy said again, following me in his car while I was walking home.

"Nasa bahay nako, umalis kana, please. Stop bothering me." sabi ko.

Nakita kong inihinto niya ang kotse niya at lumabas dito.

He held my arm and tried to make me face him.

Itinaboy ko ulit siya pero he kept on insisting.

"Stop, okay? Ilang beses ko ng sinabi na ayaw ko na. Hindi na kita gusto. Hindi na, wala na yon lahat, Jeremy." I said and glared at him.

"Bakit? Dahil ba talaga kay Matt? Ano bang ginawa non sayo? Ginayuma ka ba?" galit niyang sigaw.

"No. This has nothing to do with her. This is between. This is because of what you did." I laughed sarcastically. "Ang galing mo rin, eh. You act like you did nothing wrong, pero you've mistreated me. Ilang taon kitang pinagtanggol sa lahat ng tao kasi I know mahal mo ko. Pero.." I sighed. "Minahal mo ba talaga ako, Jeremy?"

Hindi siya nakasagot. He stood there dumbfounded.

"Umalis ka na. Stop forcing things. Tama na magpakatanga ng ilang taon, Jer. Tama na yon." I said.

Echoes of the Past // MIKHAIAHWhere stories live. Discover now