SIMULA
Freedom.A simple word yet, weights a lot. Marami ang naghahangad, naghahanap at nangangarap ngunit ilan lang ang nakaranas ng tunay na kalayaan. Including me. The longingness to be free again is far beyond unreachable that even the deepest sea, or the tallest mountains cannot be compared. Being envious is wrong, but seeing people say that they're free made me feel so incompetent.
Paanong ganon ang nararamdaman ng ilan ngunit iba sa akin? I guess that's life. Uncertainties, insecurities are always there. And it is up to us if we're going to entertain them and allow it to destroy the esteem that we've been building up for years.
Hindi ko na maalala kung kailan ako nagsimulang makaramdam ng ganito. Kailan nga ba? Was it when I met him? Or was it because of the pain that it cost me after?
"Uh, good morning."
Tiningala ako ng babae."Yes ma'am Good morning, what can I do for you?"
Nilapag ko sa desk ang mga credentials at resume ko. Her eyes followed my hands.
"May vacant pa ba sa position ng finance? May nagrefer kasi sa akin dito," medyo naiilang kong sinabi. "Under Ms. Samantha's offer..." Dugtong ko.
"I see. Sandali lang ha, e che-check ko lang."
Pahapyaw siyang ngumiti at may kung anong tinipa sa kanyang komputer. She even called someone from the telephone.
I tapped my long nails on the desk while waiting for her. Nilibot din ng aking paningin ang buong building. Napansin ko kung gaano ka simple ngunit may class ang kanilang interior design. Malaki ang tanggapan galing sa glass door hanggang sa front desk. The floors were made of porcelain tiles. Ang mesa at cubicle chairs naman ay gawa sa marble. Tanaw ko rin ang dami ng taong nakaupo sa kanilang side bench. Siguro ay mga kliyente.
"Herrera daw po ba?" Tanong sa 'kin ng kanilang HR."
Bahagya lamang siyang tumango at may isang papel na pina fill-up sa akin. I silently obliged and answered.
"Stay lang po muna tayo sa ating side benches, while waiting for Ms. Consolacion." turo niya sa mga upuan sa gilid pagkatapos kong mag fill up.
"Okay. Thank you."
Umalis ako sa harap niya dala ang aking mga folders at nagtungo sa mga side benches na tinutukoy niya.
Umupo ako sa bakanteng malapit sa glass walls. Mula sa loob ay tanaw ko ang tanawin sa labas. It had the air of freshly green surroundings added by the calm weather. The skies were clear and the atmosphere was just enough. Tanaw dito ang paikot na disenyo ng hardin. It was just pure bermuda and some boxwood shrubs, na kasalukuyang pa nilang ginugupitan for maintenance. Their large garden doesn't have any intricate designs, but still looked so classy despite the only color.
"Ariya?"
Mabilis ako tumayo at lumingon sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.
"Ms. Samantha." puno ng mangha kong sinabi.
Napansin ko agad ang pagbabago sa kanya. Hindi na siya yung estudyanteng pitchi-pitchi. Naalala ko dati kung paano siya ibully at ipahiya ng mga ka-batch namin. I have known her for quite some time dahil nagfu-fuse ang klase namin nang magresign ang isa sa mga professor.
"How are you?"
"Ayos lang naman. Ikaw?"
"Ayos din lang. Still striving to do things." Mapait siyang ngumiti.

YOU ARE READING
To Speak In Codes (Resilient Hearts #1)
RomanceAmariah Missy Herrera is a fresh graduate of Commerce majoring in banking and finance. She is dedicated to enter the life of adulthood and taking the first step of her journey. Reaching her dream to become a filthy rich tita. But in taking that fir...