KABANATA 7

31 0 0
                                    

Disappointed.


Tumunog ang chaim ng cafeteria ng buksan ko ito. Pumunta ako rito para bumili ng snacks. Gutom na kasi ako. Gabi na rin kasi at plano kong sa bahay na kakain ng hapunan para maluto ko ang pinamiling gulay.

Dumiretso ako sa counter dahil wala namang ibang taong bumibili. Siguro dahil pagabi na kaya medyo malimit na ang bumababa dito. Lumuwa ang mata ko sa presyo ng mga pastries. Marami namang pagpipilian pero mukhang mabubutasan ako ng bulsa nito.

"Isang empanada po, Miss. Yung spicy tuna." Thirty-five 'yon. Medyo may kamahalan pero kaya na.

Tumango ang cashier sa akin at umalis para kunin yung order ko. Habang nag hihintay, hinanda ko ang aking bayad para pagbalik niya ay ibibigay ko agad 'yon.

"Thank you po, come again." Ani ng cashier matapos kong magbayad.

Lumabas ako ng cafeteria at sumakay sa elevator. Aakyat pabalik sa office ko. Tiningnan ko ang aking relo, then my shoulders sagged. May isang oras pa bago ang out ko.

Nang bumaba ako sa elevator, tumambad sa akin ang medyo dim na na floor. The lights were almost out, dahil pagabi na sa labas.

The outside view reflects on the glass walls. Many skyscrapers are filled with different radiant colors. Ang langit naman ay nababahiran na rin ng kulay rosas at lila, making it seem like a live painting.

And while waiting for the time, I allowed myself to take many pictures of the outside view. May aesthetic vibes kasi ang itsura ng labas sa tuwing sasapit na ang gabi kaya ideal talagang kumuha ng larawan dito. Of course for Ig purposes. Natigil lamang ako sa ginagawa ng mag vibrate ang cellphone ko.

Mj:

Tara bar?

Rumaya:

Hala te, w8 hindi ko pa out. Mauna kayo ni Aria.

I typed in to also type my reply. Ang kaso, naunahan ako ni Mj.

Mj:

Te, same kayo ng out nu'n. Sabay na lang kayo. Antayin ko kayo rito.

Nagheart react lang si Maya sa reply ni Mj. Ayaw ko sanang sumama dahil may plano na akong mag movie marathon sa bahay. Kaso minsan lang namang magyaya itong si Mj kaya hinayaan ko na.

Ako:

Ngayon lang, ah. Mga pala desisyon kayo.

Rumaya:

HAHAHAHAHA wag ka nang maarte.

Wala akong ibang maisip na reply kaya 'haha' react lang din ang ginawa ko. Rumaya or Maya and Maria Josephine or Mj ay mga kaibigang nakilala ko rito. We became close because of our jobs. It usually links us together. Laging pumupunta si Mj sa floor ko para maghatid ng reports galing sa management department, ganon rin si Maya sa finance dept. Mabilis lang nagclick ang dalawa dahil pareho silang chismosa habang ako naman, bilang mabuting kaibigan ang tagakinig.

My phone beeped. Alarm ko na ibig sabihin ay out ko na. Na excite ako dahil sa wakas tapos na ang working hours. Mabilis kong inoff ang lights ng buong floor pati na ang sa office ni Mr. Mallen. And speaking off, I wonder kung kailan ang balik niya? Well, he's been out for almost two months na. Huling kita namin ay 'yong unang kilala ko rin kay Mj. Ang akala ko nga, isang araw ko lang kailangan i-cancel ang schedule niya. He didn't inform me that it would be for the whole month.

To Speak In Codes (Resilient Hearts #1)Where stories live. Discover now