KABANATA 21
Reconcile."Ilang taon ba yang kapatid mo at bakit ngayon lang namin naririnig na may kapatid ka pala?" Mataray na si Maya.
Tumingin ako kay MJ. Kuryoso din.
"Kinse anyos. Nasa probinsya kasi kaya mahirap."
Nagkatinginan kami ni Maya.
Anong meron? Ba't biglang nag-iba ang tungo ni Maya kay MJ? May dapat ba 'kong malaman na di ko alam?
"Kahit picture wala?" Kinailangan ko pang tapikin ang balikat niya para kumalma.
Ever since MJ came into the picture, Maya has been hysterical. Nakakapagtaka... Ang init-init ng dugo niya. Di naman siya ganito kanina. She was cool and very excited. Ngayon, nagbabaga at puno ng kasamaan.
"Wala rin," MJ said apologetically.
Humalakhak na parang baliw ang babae. Namumula ang mukha nito at tila naluluha. Wala akong naiintindihan sa nangyayari dahil di ko rin naman alam kung may alitan ba sila o wala.
"Deny it until we prove na nagsisinungaling ka lang!" Maya snapped.
MJ's calm and relaxed demeanor changed into havoc. Ngumiwi ito at umirap sa kawalan. I found it odd.
Sa panahong wala ako rito, ano ba talagang nangyayari sa kanila?
"Ano? Pakita mo ang totoong kulay mo! H'wag kang umakto na parang tupa, inosente at birhen!" Tumayo na si Maya at mukhang susugod ito kay MJ kung walang aawat.
I couldn't decipher why such thing had to happen during working hours! At sa mismong workplace ko pa! Ano na lang ang iisipin ni Cole kung sakaling maabutan niya kaming nagkakasagutan ng ganito sa mismong opisina niya!
From my table, I hurriedly went between them. Nasa bandang side benches sila-MJ on her seat while Maya was standing, agitated.
"Girls? Ba't kayo nag-aaway? Maya, ba't ang init ng ulo mo?"
Masama akong tiningnan ni Maya. She's lip-talking! At taktengina wala akong maintindihan!
"Ano?" bulong ko.
"We're friends, aren't we?"
Nabaling ang atensyon ko kay MJ. Tumayo na rin siya at hinarap kami.
"Is it wrong to ask help from you?" she asked weakly.
I swallowed hard. Somehow, something within me hurt hearing things like that. I felt uncomfortable.
"Wrong?! Did I ever say wrong?!-" Sumagot si Maya pero pinutol lang siya ni MJ.
"Pero Maya, 'yon ang pinaparamdam mo!"
Now I'm torn between the two of them. Ayokong may labanan. Gusto ko nasa gitna. I want this fixed as soon as possible!
Lumapit ako kay MJ nang mapansing nagsimulang tumulo ang kanyang luha. I glared at Maya to stop. Dahil kumpara sa kanilang dalawa, alam niyang may problemang kinakaharap itong si MJ. Dapat hayaan at intindihin na muna.
People who are currently dealing with a problem are a bit sensitive. She should understand it. Kung ano man 'yong kinaiinisan niya kay MJ, kahit ngayon lang, kailangan niyang magpakumbaba. We're friends, we should be able to understand one another.
"Ano 'to, Ariya? Kinakampihan mo siya?!"
Naguiguilty ako. Ayoko nang ganito. I'm trying to understand the situation pero bakit ang hirap? Gusto kong maintindihan ang side nila pareho pero bakit ang labo?

YOU ARE READING
To Speak In Codes (Resilient Hearts #1)
RomanceAmariah Missy Herrera is a fresh graduate of Commerce majoring in banking and finance. She is dedicated to enter the life of adulthood and taking the first step of her journey. Reaching her dream to become a filthy rich tita. But in taking that fir...