KABANATA 28
Game-over.
Sa sumunod na araw, maaga akong umalis para maaga rin makapagbukas sa tiangge. Plano ko kasing umuwi ng hapon para may oras pa akong maglabada sa ilog.
Hinanda ko ang mga lalabhang damit sa labas ng bahay para pagkauwi ko, deretso na. Bitbit ko ang abaniko’t bag nang lumabas sa tarangkahan.
Makulimlim pa ang langit at hindi pa tuluyang sumisikat ang araw nang pumanhikan ako. Halos tulog pa rin ang iilang tao sa bahay. Ang tanging maririnig ay ang huni ng mga dahon at ingay mula sa mga panggabing hayop.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang makakita ng kotse sa mismong tapat ng gate. Agaw-pansin ito dahil umiilaw pa! Sino bang iniilawan nito, at kaninong kotse 'to?!
Imposible namang kay Mang Nicor 'yan—e wala naman silang kotse! Siya ang kapitbahay namin na kapamilya rin ni Lita. Wala ring balitang kumalat sa'kin na may kapamilyang dumating!
Nagbuntong hininga ako. Bahala na nga! Wala na naman sa'kin kung may mangahas na magpark sa di naman nila lupa.
Tinuon ko ang atensyon sa harap at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Putang!"
Ilang minuto pa lang ay bumusina na ang kotse! Ramdam ko kung paano bumukas ang tarangkahan ng langit nang lumipad ang kaluluwa ko sa gulat!
Mag-isa lang akong naglalakad sa madilim na kalsada, kaya syempre nakakaramdam ako ng takot. Paano na lang kung kidnapper pala ang isang 'to?! Delikado ang buhay ko!
Balak kong magbingi-bingihan kaya tumuloy ako sa paglalakad nang hindi tumitingin. Kaya nang muli itong bumusina, labag sa loob ko man, aksidente pa rin akong napalingon. Bwesit!
Suot ang puting T-shirt at simpleng pants, nakatayo sa labas ng kotse at nakahilig pa si Cole. Walang ekspresyon sa mukha niya habang ako’y tinitingnan, pero may bakas iyon ng pagseseryoso.
"Lumapit ka." He commanded.
Ako ang sadya niya. Hindi na iyon tanong. Sa panahong nakita ko si Daxton sa sala, matagal nang tapos ang laban. He already knew where I was. Wala akong takas.
Gano’n pa man, katotohanan talaga ang sinabi kong walang totoo sa mga sinasabi ni MJ. I don't know if he believed me.
Whatever it is, I really don't care.
Sa tagal kong pananatili dito, parang nagbago na ang perception ko na kailangan kong i-prove sa lahat na inosente ako. I don't want to be a fool in front of other people's eyes, giving them entertainment to bet on which side is best to take. Natanto ko na sa huli, ang kapayapaan pa rin ang mas mahalaga dahil madali lang baliin ang katotohanan.
At least, even when you're not true, you can still find peace—even if it's temporary. Para sa 'kin, sapat na 'yon kesa mamuhay ako sa gulo at walang kasiguraduhan kung may kapayapaan pa bang naghihintay sa'kin sa huli.
"Anong ginagawa mo rito?"
Hindi ako sumunod utos niyang lumapit ako. I stayed on my ground. I know what following him means, para ko na ring hinahayaan ang sariling gumaya sa dati, na maging sunod-sunuran sa kanila dahil sa pera sila.
"You really won't listen to me, do you?" He chuckled sarcastically.
Lumingo-lingo ako.
"Tss... Maybe they're right. You don't trust me."
Huh?
"Sinong nagsabi ni'yan?!" Lumakas ang boses ko! Hindi ako makapaniwalang yan ang sasabihin niya sa'kin! Hindi niya alam ang mga iniisip ko! Hindi niya alam kung ilang beses akong nagbabaka-sakaling ako ang paniwalaan niya!

YOU ARE READING
To Speak In Codes (Resilient Hearts #1)
RomanceAmariah Missy Herrera is a fresh graduate of Commerce majoring in banking and finance. She is dedicated to enter the life of adulthood and taking the first step of her journey. Reaching her dream to become a filthy rich tita. But in taking that fir...