Mansion.
Kinaumagahan, nagising ako sa ingay na nagmula sa labas. I groaned as I stretched my hands up. Dahan dahang bumuka ang pilukat ng aking mga mata. Amanda's neatly folded bed was what I see first. The sun was up and it's only me inside this room.
Nang magtungo ako sa deck, tumambad sa akin ang napakagandang isla kung saan dumaong ang yate. Sa tingin ko'y papalipasin lang ni lord ang araw na 'to bago niya ako kukunin. I can't believe I'm seeing an Island for the first time! Nakaka excite!
Mapipinong kulay puti na buhangin. May mga maliliit na pawikan ang mahinang gumagapang pabalik sa kalmadong alon ng dagat. Sea shells were also scattered all around the area. Sa gilid may kakaunting grupo ng mangroves.
Lalo akong na excite nang makaapak na ako sa buhangin. Parang lulutang na ako sa langit sa saya. I immediately removed my slipper and feel the sand barefoot.
The place screams serenity with its calm yet strong silhouette. Muli kong nilingon ang karagatan, the pristine sea colors of the massive ocean ay sumisilaw sa aking mata. Ang mataas na sikat ng araw na humahaplos ng init sa aking balat. Ang nalalanghap kong alat na panigurado'y nangaling pa sa dagat. Mangha akong napangiti habang pinagmamasdan ang lugar.
Nakababa na lahat ng tao. Katabi ko sa aking gilid si Manda. Unlike me, she isn't that stunned. Siguro ay ilang beses na siyang nakakakita ng gan'to. Nakita ko si Mave na nakakapit sa braso ng kanyang fiance. Sa likod naman nila ay ang ilang grupo ng kalalakihan na tahimik na pinagmamasdan ang lugar. At sa tabi ay naroon ang mga kababaihan. They were busy giggling while taking pictures of the picturesque view.
Kumunot ang noo ko nang makita tumatakbo si Mave papalapit sa aking gawi. Ang kanyang nobyo ay inis na sumunod naman sa kanya.
"Hoooy!" Malapad ang kanyang ngiti.
Lumingo ako sa akin likuran kung may tao ba. Wala naman.
"Hoy! Ikaw anong pangalan mo?" Takbo pa rin'g sigaw niya.
"Maria Verrena!" Dagundong na tawag sa kanya ng kanyang nobyo.
Pero tila bingi ang babae kaya tinuro ko ang sarili. Nagtatanong kung 'ako ba?' humina ang kanyang pagtakbo hanggang sa lakad na lang iginawad niya. Mabigat naman napabuntong hininga ang kanyang nobyo sa likod.
Naglakad na rin ako para salubungin siya. My eyes widened when she started running again and welcomed me with a warm hug.
Sa sitwasyong 'to para kaming mag best friend!
Banayad kong hinawakan ang kanyang balik habang nakapulupot ang braso niya sa akin.
"Umalis ka bigla! I tried to ask about you yesterday pero walang may alam sa pangalan mo. Well, Manda told to where you are at natulog ka na raw kaya..."
Nagtatampo ang kanyang mukha habang pinipisil laman ko sa likod. Nakikiliti ako pero tiniis ko iyon sa kapakanan ng buntis.
Bahagyang lumubog ang buhangin na inaapakan ko dahil sa nakadagang katawan niya sa akin. I felt her baby bump in between our pressed bodies.
"Mave," naangat ang tingin ko sa tawag ng kanyang soon-to-be-husband.
"Dito lang ako." She said with finality. At niyakap ako ng mas mahigpit.
Pinaglilihian ba niya ako? I grinned. Siguro lalaki itong anak niya at may tamang may taste siya sa babae.
Walang nagawa ang lalaki kung hindi bumuntonghininga na lamang. Tinangohan niya lang ako at hinayaan ang kanyang asawa na kumapit sa akin na parang koala.
"Tara na, Ariya." It was Mr. Mallen who's standing beside ni Mr. Soon-to-be-husband ni Mave.
May sumundo sa aming Private van. Marami iyon at na nakahilera lamang sa cementong bahagi ng isla. Hindi ko inakala na pati sa loob ng van ay dapat kasama ko ang babae. Parehong pinapagitnaan namin siya ni Manda. The woman was hanging unto me while eating snack bars.

YOU ARE READING
To Speak In Codes (Resilient Hearts #1)
RomanceAmariah Missy Herrera is a fresh graduate of Commerce majoring in banking and finance. She is dedicated to enter the life of adulthood and taking the first step of her journey. Reaching her dream to become a filthy rich tita. But in taking that fir...