Hinatid niya ako sa bahay namin kahit sinabi ko na sa kanya na wag na niya kako ihatid sa bahay but he insist kaya wala na akong nagawa pa.
"Saan parents mo?" tanong niya sa akin habang ginagamot ang sugat ko sa tuhod.
"Si Mama umuwi sa probinsiya dahil kako yung mga alaga niyang hayop doon ay misteryosong nawawala baka daw ninanakaw na daw. Si Papa naman sumama don sa Amo niya sa Cebu kasi magbabakasyon daw yung mga amo niya nang isang linggo." sagot ko naman.
"Ikaw lang pala mag-isa dito sa bahay? Hindi ka ba natatakot?"
"Eh? Bakit naman ako matatakot eh nandyan naman si Lucas." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Napansin ko naman na tumigil siya ng onti pero kalaunan ay tinapos ang paggamot sa akin.
"Done." Sabi niya tsaka niya nilipit ang kalat bago niya ako tinignan ulit. "Lucas. You know I hated that name." seryosong sabi niya sa akin.
Hate? Nagseselos na naman ba to?
"Selos ka parin?"
"Ofcourse. It's your ex's name!" sagot niya habang fraustrated na nakatingin sa akin. "Change his name."
"Huh? Isang taon nang siyang Lucas ang pangalan??? And hello? Past is past, Dave. Wag mo namang isali ang aso." sabi ko sa kanya habang nakatingin kay Lucas na natutulog sa sahig.
Hindi siya kumibo at tumahimik lang.
Pumunta naman ako ng kusina at tsaka uminom ng tubig. Narinig ko na lang na bumukas-sarado ang pinto ng bahay.
Umalis siya ng hindi nagpapaalam?
Nice move. Atleast, masasanay na ako kapag nakahanap na siya na mas worth it na babae na hindi ako.
Hindi ako worth it for him.
And to tell you the truth? His parents don't like me to be their son's girlfriend. Like, I understand them dahil sino naman ako for him? He's rich and I'm not. If ever na magiging kami... makakaya ko ba? Makakaya ba niya ang hirap?
Masakit isipin pero dapat dahan-dahan ko na itong tatanggapin ang pait na pagdadaanan.
Parang nafifeel ko na rin na nafafall-out of love na siya sa akin. Which is good but at the same time hindi rin kasi minsan naiinvalidate yung feelings ko sa sitwasyon.
Kaya minsan iniirita ko siya para kahit papaano ay marerealize niya na i'm not the right one for him.
Ang unfair nang buhay. Pinapahirapan pa tayo para makamit ang saya.
*Cellphone rings*
Bigla naman akong natauhan at bumalik sa salas tska ko hinanap ang celpon sa bag ko.
"Hello?" sagot ko.
(Bestie!)Bestie? Tinignan ko naman yung caller ID pero unregistered number. Wala akong Bestie and I never heard such name.
"Sorry but wrong number kaㅡ"
(NO! wag mong ibaba!)
"Sorry. Too late." sabi ko at binaba kaagad ang tawag PLUS BLACKLISTED sa contacts dahil baka tawagan pa ako ulit. Maiirita lang ako.Hays. Makagawa na nga lang ng assignments. 😒
KINABUKASAN
Maaga akong gumising dahil maglilinis pa ako nang Theater room. At isa pa, para maiwasan ko si Dave dahil alam ko na ihahatid na naman niya ako sa school ko kahit anlayo pa nung school niya.
Pagkatapos kong pakainin si Lucas ay lumabas na ako ng bahay sabay sarado nung pinto.
Naglalakad na ako sa eskinita papuntang main road ay biglang may tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
Sorry for asking too much (COMPLETED)
RandomStart: Sept292024/SUN/12:25AM Finish: October282024/MON/8:47PM PUBLISHED: November 16, 2024/SAT/3:52PM ‼️ Strong words ahead ‼️ ^There can be typo's 🙈 Pls do a comment ☺'~