Kinabukasan ay maagang umalis si Dave. Iniwan niya mga bagahe niya at sinabing may pupuntahan lang siya saglit.
Nilagay ko na lang yung mga bagahe niya sa kwarto ko at Oo, magkatabi kaming natulog ni Dave kanina dahil iisa lang ang kwarto sa bahay. Sila Mama at Papa kasi sa salas lang natutulog kapag nandito sila sa bahay. May banig naman sila at sa sahig hinihigaan.
Hindi parin ako makapaniwalang nandito si Dave sa bahay.
Oo nga pala, Sabado ngayon kaya walang pasok. Si Dave rin wala pero alam ko na may practice sila sa basketball team at baka doon siya papunta.
Hindi pa yon nakakapag-almusal kasi maaga talaga siyang nagising kanina. Sinabihan ko ngang kumain muna pero sabi niya malalate daw siya sa pupuntahan niya parang timang.
Pinakain ko na rin si Lucas (the aso) at kakatapos ko lang kumain ng almusal kanina.
Alam ko naman na hindi maarte si Dave pero kasi kakaibang parte ng buhay ang buhay niya sa buhay ko.
IT's A FCKING HUGE DIFFERENCE!
Nagtext na rin ako nila Mama at Papa na nandito sa bahay si Dave. Nagtaka sila at first pero kalaunan ay sinabihan lang ako na 'sana ayos lang utak niya anak' at 'baka may problema yan sa kanila hayaan mo muna' 🥹 MAMA BAKET KAYO GANYAAAAAN 🙃
Bigla namang may tumawag sa celpon ko at sinagot ito kaagad.
"Hello?"
(Hestia?)Natigilan naman ako saglit. Parang si...
"Yuno?"
(Yes, Ako nga)Si Yuno. Kaibigan ni Dave at isa ring varsity player.
BAKIT SIYA MAY NUMBER KO?!
"Saan mo nalaman number ko?"
(Ah. Dave give me your number.)
"Huh? Si Dave? Baket?"
(I don't know. He's being weird today though and I'm asking if something happened to both of you?)Weird?
"Kasama mo ba siya?"
(Yes. Nandito siya sa basketball court at first time ko siyang nakitang seryoso sa pagpapaktis. Like... Really serious!)Hindi na ako nagtanong pa at nagmadaling naligo at nagbihis bago ako umalis sa bahay.
Pupuntahan ko si Dave at baka ano pang gawin niya.
BASKETBALL COURT
Nasa labas palang ako nung Basket ball court ay naririnig ko na ang parang komosyon sa loob ng gym.
Madali naman akong pumasok at doon nakitang nilalayo si Dave sa isa nitong kateammate.
Parang galing ata sila sa sapakan o baka nagkainitan lang siguroㅡ
"Ano bang problema niya? Hindi naman siya ganyan." rinig kong sabi nung ibang mga tao dito sa gym.
Nakita ko naman ulit na parang aakmang sasapakin ulit ni Dave yung kaaway niya kaya naman madali kung pinuntahan si Dave.
"Dave!" sigaw ko at agad naman niya akong tinignan.
"H-hestia..." sabi nito at nakita ko naman na kumalma at nagpumiglas na kumawala sa mga kumakapit sa kanya.
Kahit na pawis na pawis siya pero nakikita ko sa mga mata niya na naiiyak siya.
Agad ko naman siyang nilapitan at sinenyasan ang mga kumakapit sa kanya na okay na kaya naman humiwalay na sila at inalalayan ko naman siyang lumabas muna sa gym habang nakayuko ito at nahawak ng mahigpit sa mga kamay ko.
Pasimple ko namang tinignan yung iba niyang ka teammates at nakita ko naman silang parang hindi makapaniwala sa inaasta si Dave ngayon tapos nagsimula na ulit silang mag-ensayo.
Wala ata yung Captain nila kaya hindi nila na undercontrol ang lahat.
"Dave." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako tinignan at nanatiling nakayuko sa harap ko.
"Ano yun ha? Bakit ka nakikipag-away?" sita ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot.
Naramdaman ko naman na nanginginig ang mga balikat niya.
Umiiyak siya.
Pero Bakit?
"I'm sorry." rinig kung sabi niya sa akin. Sa lahat nang tanong ko sa kanya... Sorry lang ang narinig ko.
"This is not like you." sabi ko lang at naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.
Wala na akong pakialam kung pawisan siya. Ang gusto ko lang ay mawala kahit konti ang nararamdaman niya ngayon.
"Ano bang naisip mo at nakipagaway ka kanina?"
"He said something that pissed me off real bad." rinig ko sabi niya.
He's still hugging me habang nagsasalita siya. I gently tapped his back to make him feel at ease.
"He told me why I chose you from all the girls I met." sabi niya pero hindi ko siya sinagot.
Kung ang pamilya ni Dave ay ayaw sa akin. Yung ibang teammates niya ay ayaw din.
Naririnig lahat ni Dave ang mga rants nila towards me here in the university at naririnig ko rin yun while I got here a moment ago sa gym. Gladly yung guard nila ay kakilala ko kaya nakapasok ako kaagad sa university nila at emergency naman yung pinuntahan ko dito.
Hindi ko naman dinaramdam ang mga naririnig ko towards them dahil wala akong karapatan na magalit. Hindi ako kasing yaman nila kaya ayaw ko namang magmarunong.
At sino naman ako para magmarunong diba?
Hindi naman sa hindi ako proud to be Dave's girlfriend pero ayaw ko lang talaga ng away.
"He also told me to choose wisely and not choose trash. I know for sure he doesn't like you." sabi niya ulit na parang galit pa rin sa mga narinig niya.
"He told me it's not like I used to."
"He told me to not choose you right in front of my face." he said and I felt him clenched his fist. Kaya hinawakan ko yung kamay niya at kumuwala sa yakap niya.
"Kaya ka nakipag-away? Bakit Dave? Bakit ka nagagalit sa mga sinasabi nila? Totoo naman sila. Totoo na dapat you choose wiselyㅡ"
"Hestia!!" sigaw niya na ikinahinto ko sa pagsalita. "Bakit ikaw din? Bakit ka ganyan sa akin?" sabi niya at bigla din akong nalungkot sa sinasabi niya.
"Hindi mo na ba ako mahal? May iba ka na ba? Bakit hindi na lang ako? Bakit ayaw mo sa akin? Ha?" sunod sunod na tanong nito sa akin.
Mahal kita Dave. May iba na ba ako? Wala Dave. Bakit hindi na lang ikaw? Ikaw naman talaga hanggang sa huli pero ayaw ng lahat. Bakit ayaw ko sayo? Sinong nagsabing ayaw kita na perpek ka na sa buhay ko.
Gustong-gusto ko sabihin sa kanya yun lahat pero ginusto ko din na hindi.
Baka ito na yung oras para kahit papaano maintindihan niya yung sitwasyon.
"Nahihirapan ako, mahal."
Ako din, Dave. Pero alam ko na ang totoo. Alam ko na kung bakit ka nahihirapan.
October28,2024/MON/6:20PM
BINABASA MO ANG
Sorry for asking too much (COMPLETED)
LosoweStart: Sept292024/SUN/12:25AM Finish: October282024/MON/8:47PM PUBLISHED: November 16, 2024/SAT/3:52PM ‼️ Strong words ahead ‼️ ^There can be typo's 🙈 Pls do a comment ☺'~