1.

5 0 0
                                    

Hanggang kailan ko ba dadalhin at itago ang lahat? Hanggang kailan ko ba dapat ikimkim ang nakakatakot na karanasan ko noon bata pa? Hanggang kailan ba ako magdurusa? Iiyak? Mawawalan ng gana?

Makakaya ko bang sabihin ang totoo? Ang maduming karanasan ko?

Magiging kasalanan ko ba kung ayaw nila akong pakinggan? Na mali ang pagkimkim ko sa aking maduming karanasan?

Magiging masaya ba ako kung sasabihin ko sa kanila ang lahat kung bakit ako ganito sa buhay? Kung bakit kinikimkim ko ang lahat?

Magiging masaya ba ako?... o mamamatay na lang sa kahihiyan?

Ika nga nung nabasa ko sa efbi na...

'Your trauma is valid' 

Nakakatakot.
Oo, natatakot ako.

Palagi...

"Gustong gusto ko nang sabihin lahat pero nagiging duwag lang ako lalo na at maiimagine ko ang magiging reaksyon ng lahat. Parang hindi ko ata kakayanin... Natatakot talaga ako." Sabi ko habang kaharap ko ang isang taong hindi ko rin alam kung naiintindihan ba niya ang mga sinasabi ko.

"I-I'm sorry for what happened to you, Hestia." sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko mawari ang kanyang emosyon dahil... para siyang malungkot at galit na ewan... para siyang baliw sa harapan ko tapos nag-eenglish pa talaga ang gago. tangina.

"Gago? Bakit ka nag-eenglis sa harapan ko? Nasa Pilipinas ka Enrile! Gumising ka! Magtagalog ka!" medyo inis na sabi ko sa kanya pero ang gago sinungitan lang ako ng tingin.

Tangina na naman.

"You know what? Cut that crap, Hestia!... You're not you now! The show has ended already! Umayos ka din dahil ako ay hindi na natutuwa." seryosong sabi niya sa akin at nakapamewang pa habang dala ang knapsack ko sa balikat niya. "And for goodness sake! Please stop calling me Enrile! That's not my name... My name's Dave, idiot!"

Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya...

Anong show? Hindi niya ba alam na ako ang gumawa nung scripts sa palabas kanina sa theater room?

Bakit nalungkot ako bigla sa sinabi niya? And he's telling me 'idiot' ? THE SHADEEEE?? THE AUDACITY??????

Tangina ulit.

"Akin na nga yang bag ko!" sabi ko sa kanya at akmang kukunin ko na sana sa balikat niya pero ayaw niyang ibigay sa akin.

"It's too heavy for you to carry your bag now... so don't you ever." sabi ni Dave sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Langyang buhay!

Bakit ba kasi sa lahat ng lalaking pwede kung maging kasintahan ay siya pa??? Eh unang tingin pa lang sa kanya parang hindi papatol sa isang hampaslupang tulad ko? KAYA BAKETTT?????

WHYYYYYY

it's gonna be meh? 🥴

Yes po, boyfriend ko po siya at girlfriend niya po ako! Yes rin! We exist!... Isang gwapo at mayaman with Isang panget at medyo hindi mayaman-pobre po si oka 🙈

He's Dave Villafuerte. Varsity player ng Basketball Team sa university niya. Yes, 'niya' kasi in the first place... hindi po kami schoolmate ☺ At bakit hindi? Kasi po magkaiba yung university na pinasukan naming dalawa😌 Gusto niya dun mag-aral pero ako hindi kasi kulang sa budget.

Ako naman si Hestia Manansala. Isang ordinaryong babae na nag-aaral sa magandang university. Isa pala ako sa miyembro ng Theater Club kasi need namin sumali sa mga Clubs sa school. Anong bang position ko sa Club? Hmmm? Let's just make it short as a Yaya! 😚 Yes po, isa po akong alipin sa club. I don't have the courage to act in front of many people kaya tagalinis and everything ang role ko sa buhay nila.

Hindi naman nila ako inaalipin kasi masunurin naman akong tao hehehe.

"At saan ka naman pupunta?" narinig kong sabi ni Dave sa akin.

"Wala kang pake!" sagot ko naman habang naglalakad palayo sa kanya. Bahala siya! Tawagin ba naman akong idiot? Mukha niya! che!

"Hestia naman! Sandali!" habol naman niya sa akin. HAHAHAHAHA BUTI NGA SAYOㅡ Aray!

Tangina! Napakaclumsy ko talaga! Nadapa pa tuloy peste 😭

"Okay ka lang ba?" bigla naman akong napatingin sa nagtanong habang inalalayan niya akong tumayo sa pagkakadapa.

"S-Salamat." sabi ko sa kanya. Pero napansin ko na napatingin siya sa tuhod ko kaya napatingin naman ako doon at TANGINA! DUGO! "Ahhh!!!" biglang sigaw ko nung makita ko ang dugo sa tuhod ko 😭😭

"T-Teka... kumalma ka lang. Dadalhin kita sa hospital!." rinig kung sabi niya pero naputol ito nang may magsalita sa likod ko.

"There's no need and back-off dude!" sabi ni Dave dun sa lalake.

"Sorry dave... akala ko kasi mag-isa lang siya." sabi nung lalaki. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at napatingin kay Dave.

"You know him?" tanong ko dito and he just simply nodded and wrapped his hands around my waist and pulled me closer to him... THE HECK?

"Alright Franco, we gotta go." sabi ni Dave dun sa lalako which is Franco pala ang pangalan. Magpapasalamat pa sana ako dun kay Franco pero hinila na ako palayo ni Dave dun sa pwesto pero hawak niya parin ako sa bewang.

"Ano ba? Masakit yung tuhod ko!" reklamo ko sa kanya kaya huminto ito sa paglalakad at tinignan ako. Bigla namang napataas ang kilay ko nung mapansin ang mukha niya... parang ewan.

"I'm s-sorry..." sabi niya sa akin.

"Anong sorry? Okay lang ako. I'm not dying! Bakit ka naman naiiyak diyan?" sabi ko sa kanya at oo mga bes... naluluha kasi yung mga mata niya pero bago pa ako magsalita ulit to comfort him ay niyakap lang niya ako agad.

LIKE... EHHH??

"Hoy! Anong problema mo?"

"N-nothing... I thought you were leaving me." sagot niya sa akin. Gago ba to? Bakit ko naman siya iiwan eh nasa kanya yung bag ko? At isa pa, nagjojoke lang naman ako kanina no...

"Anong leaving? You? Eh mahal kita at tsaka nasayo ang bag ko." seryosong sabi ko sa kanya kaya tinignan naman niya ako agad sabay punas sa mga luha niya.

"I love you, too kaya wag na wag mo akong iwan sa ere."

"Same goes to you, Dave. Pero kung kagustuhan mo ang iwan ako.. Who am I to stop youㅡ"

"No! That's not fair! Mahal kita. Mahal na mahal ok? kaya umuwi na tayo para magamot ko yang sugat mo." sabi niya sa akin at inakbayan ako habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

There's no need to heal the wound. It will only leave a scar, Dave.

Sorry for asking too much (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon