Pagkatapos ko ubusin yung binili namin sa sibinilibin ay umuwi na ako sa bahay. Nadatnan ko naman si Lucas the aso na nasa pinto at hinihintay ako.
"Hello Lucas! Umuwi na si ate. Gutom ka na ba?" sabi ko sa kanya habang nilalaro ito. "Kuha lang si ate ng makakain ah? Halika dito." sabi ko sa kanya at pumunta sa kusina habang nakasunod naman siya sa akin.
Naglagay ako ng dogfood sa bowl niya at binigay sa kanya. Kumain naman kaagad si Lucas na nagpangiti naman sa akin pero hindi ko alam na may tumulong luha na pala sa pisngi ko.
"Tangina talaga." sabi ko sa sarili at saka pinunsan ang luha pero hindi ko alam bakit basta bumuhos na lang lahat ng luha ko at umiyak.
Eto naman ang kagustuhan ko diba? Ang lumayo siya sa akin. Ganito pala kasakit at hindi ko inexpect.
Hindi pa naman kami break diba? Galit kaya siya sa akin? Mabuti narin ang ganun para kahit papaano masasanay rin ako kalaunan.
Pumasok na lang ako sa kwarto't nagbihis at natulog. Nawalan na ako ng ganang kumain. Potaingna.
KINABUKASAN.
Nagising naman ako dahil sa pagtahol ni Lucas sa labas ng kwarto.
Tinignan ko naman ang relo at alaskwatro pa ng umaga.
Tangina.
"Lucas! Shh!" saway ko kay Lucas habang palabas bg kwarto pero bigla na lang akong napasigaw ng may maaninag akong tao sa labas ng bahay.
"Sino yan?!" sabi ko habang inaalo ko si Lucas para tumahimik sa pagtahol.
"Hestia?" narinig kung sagot sa labas. Boses lalaki. Pamilyarㅡ
"Lucas?.." patanong nasabi ko naman at tumahol naman si Lucas na aso ko. Tangina si Lucas nga mga pipol. "Umalis ka! Utang na loob madaling araw pa." sabi ko ulit sa kanya.
"Pasensiya ka na pero kasi... pinalayas mo ba tong nobyo mo?"
HUH?
ANONG PINALAYAS?
HINDI NAMAN KAMI MAGKA-LIVE-_INㅡ
"Pinagloloko mo ba ako?!"
"Hindi." seryosong sabi niya.
Kaya naman kumuha muna ako ng walis bago ko buksan yung pinto. In case of emergency lang naman.
"WTF?!" Tanging sambit ko lang nung makita si Dave na natutulog sa isang bakanteng upuan sa labas ng bahay habang may dalang tatlong maletaㅡ WATDAPAK DAVE!!!!
"HAHAHAHA LT naman" rinig kung sabi ni Lucas kaya sinamaan ko siya ng tingin at tumahimik naman siya.
"Eh ikaw? Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kanya.
"Napadaan lang ako tapos nakita ko siya diyan. Gigisingin ko sana pero biglang may tumahol sa loob ng bahay mo kaya hindi ko na lang siya ginising."
"Talaga lang ah?" sabi ko at tinignan itong mahimbing ang tulog na si Dave. Tangina naman Dave ano na naman pinaggagagwa mo sa buhay 😭
"Lucas ba talaga pangalan ng aso mo?" rinig ko naman tanong ni Lucas sa likod ko.
"Oo. May problema ka ba?" sabi ko sa kanya.
"Meron. Kasi ang weird lang pakinggan." rinig ko na sabi niya.
"Watever." sabi ko lang at saka ko tinapik si Dave para magising.
"Hmm?" tanging sabi lang ni Dave sabay bukas ng mga mata niya. "Hestia!" sabi niya ulit sabay yakap sa akin.
"Tangina Dave. Akong kalokohan tong ginagawa mo?" sabi ko sa kanya at naramdaman ko naman na bumitaw siya sa pagyakap sa akin.
"What's he doing here? Are you twoㅡ"
"Nope. Mali ka nang iniisip." pagtatanggi agad ni Lucas sa iniisip nito sa aming dalawa.
"Then what?!" medyo inis na sabi niya pero hinampas ko lang siya sa braso dahil sa mga putanginang isip niya.
"Ikaw ang dapat kung tanungin Dave! Bakt ka nandito?! At may mga bagahe ka pa?! AT TATLO PA YAN!" sabi ko sa kanya.
"Lumayas ako sa bahay." madaling sabi niya sa akin bago tignan ulit si Lucas.
LUMAYAS?!
MAY GANA PA SIYANG LUMAYAS?!
AT SAAN NAMAN NIYA ILALAGAY MGA GAMIT NIYA?! SA BUBONG?!
PESTE
"Bobo ka ba?!" galit na sabi ko sa kanya at tinignan ni Lucas "At ikaw! Umalis ka nga dito! Umuwi ka na!" sabi ko dito at napapakamot na lang siya sa kanya ulo at umalis na talaga.
Naiwan naman kaming dalawa ni Dave dito sa labas ng bahay.
"Nagiisip ka ba Dave? Sigurado akong pupuntahan ako ng mga magulang mo dito dahil diyan sa pinaggagawa mo!"
"No they won't" sabi niya at isa isang dinala sa loob ang bagahe niya.
ABAㅡ
SINONG NAGSABENG IPASOK MGA BAGAHE NIYA?!!!
"HOY! Ano yang ginagawa mo?!"
"I'm carrying my things inside our house." simpleng sabi lang niya sa akin.
ANONG 'OUR'?!!!! Banggag ba to?!
Pero naipasok na niya lahat bagahe niya saka niya ako hinila paloob ng bahay. Pinaupo niya muna ako saka siya tumabing umupo sa gilid ko.
"I already told them that this is my choice." panimulang sabi niya sa akin. "I love you more that anyone else at I know you love me too."
Bakit ba siya ganito? Anong mga pinagsasabi niya?
"Dave. Ang buhay ko ay ang pesteng realidad! Hindi mo ba naiintindihan yun? Ha?" sabi ko sa kanya but he just stared at me.
"Wala akong halos makain dito sa bahay! Mas inuuna ko pa ang pagkain sa aso ko paano ka pa kaya? Makakaya mo ba ha?" sabi ko ulit sa kanya na may naluluhang mga mata.
Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan. Kaya nga minsan kahit masakit man sa kalooban ko ay pinagtatabuyan ko siya minsan para kahit papaano marerealize niya na my life is hard.
"Is that what you've been thinking all about? Kung ano ang kakainin ko?" sagot niya sa akin na may lungkot sa mga mata niya. "Hestia, Hindi ako natatakot. I can go to work while studying. I'm a varsity player and it's enough to handle my tuition. I can eat whatever we have."
"Hindi mo kasi naiintindihan." sabi ko sa kanya but he just hugged me while ako naiiyak.
Bakit ba siya ganito?
Talaga bang gusto niya maging parte sa buhay ko?
Tama ba?
o akala ko lang na tama ang lahat...
October28,2024/Mon/4:30PM
BINABASA MO ANG
Sorry for asking too much (COMPLETED)
RandomStart: Sept292024/SUN/12:25AM Finish: October282024/MON/8:47PM PUBLISHED: November 16, 2024/SAT/3:52PM ‼️ Strong words ahead ‼️ ^There can be typo's 🙈 Pls do a comment ☺'~