8.

2 0 0
                                    

"Sa bahay ka na lang kaya matulog?" narinig ko na sabi ni Henry sa likod ko.

Tinignan ko naman siya. Umuwi na pala si Lucas dahil hinahanap na siya ng anak niya. Kaya si Henry na lang ang natirang nagpaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.

"Alam mo bang magiging masaya si Mama kapag nandun ka. Matagal-tagal na rin yung panahon na pumunta ka sa bahay." sabi niya ulit sa akin.

Gusto ko ang suggestion niya pero...

"Yung aso ko..." malungkot na sabi ko sa kanya pero nakita ko lang siyang ngumiti at tumango-tango.

"You can have your dog with you. It's nothing new to me. Sa akin naman talaga galing ang aso mo, diba?" sabi niya sa akin at totoo naman.

Binigay ito ni Henry sa akin 1 yr ago. Yun yung time na kakabreak lang namin ni Lucas kaya siguro Lucas ang naipangalan ko sa aso ko.

Hindi na rin naman bago yung makikitulog ako sa bahay nila Henry dahil unang una sa lahat... magpinsan kami ni Henry sa part ni Mama.

Yung mama niya at mama ko ay magpinsan kaya magpinsan rin yung turingan naming dalawa. Mayaman nga sila pero hindi naman sila tumatapak ng ibang tao dahil lang sa yaman... hindi katulad nung iba diyan.  

"Pasok ka muna." sabi ko kay Henry at pumasok naman siya sa bahay. "Feel at home. Gusto mo ba ng tubig?" sabi ko sa kanya at tumango naman siya. "Kuha ka." masamang sabi ko sa kanya at nairolyo naman niya yung mga mata niya dahil sa sinabi ko.

Iniwan ko kaagad siya at pumunta sa kwarto para mag-impake ng ilang gamit at gamit ko sa school.

Siguro hindi muna ako uuwi dito sa bahay. I-tetext ko na lang si Mama at Papa na nandun ako kila Tita makikitulog.

Nagdala na rin ako nang mga laruan ni Lucas at nilagay ito sa ibang bag hanggang sa isang bagahe at dalawang backpack ang dala ko.

Nakita ko naman si Henry na may kausap sa phone niya. Tinignan naman niya ako at sinensyasan akong umalis na kami.

Chineck ko muna lahat ng mga nakaplug sa kuryente kasi baka ilang araw ako dun kila Henry.

Hawak naman ni Henry ang tali ni Lucas na ngayon ay masayang masaya na nakalabas sa bahay.

Sinarado ko naman ng maigi ang bahay at tsaka ako sumabay sa lakad ni Henry habang may kausap parin ito sa phone niya.

"Eh?? Are you nutz? I said im not coming tonight." rinig ko na sabi niya at binaba kaagad ang tawag.

"Sino yon?"

"Friends. They want me go clubbing tonight dahil birthday nung isang kabarkada ko. I didn't said I was going... sinabi ko lang nun na susubukan ko."

"At galit ka dun? Because?" sabi ko sa kanya at tinignan naman niya ako ng maigi na parang may nasabi ako na hindi siya makapaniwalang nasabi ko sa harap niya.

Umiling lang siya at hindi ako sinagot kaya nung nasa kalsada na kami ay agad naman niyang kinuha ang mga dala kung bag.

"I'll carry it. You go inside the car." seryosong sabi niya at binigay sa akin si Lucas kaya pumunta na kami ni Lucas sa loob ng kotse.

I just saw him getting the bags sa likod ng sasakyan at pagkatapos ay pumasok na rin siya katabi namin ni Lucas.

"Don't look behind or you'll hurt more." narinig na sabi niya sa akin. "Let's go, Kuya Bert." sabi ni Henry kay Kuya Bert na driver namin ngayon.

"Ok, sir!" sabi ni Kuya Bert at lumarga na papunta sa bahay nito.

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. 

Alam ko na kanina pa siya nakasunod sa akinㅡ sa amin.

Alam ko na simula nung dumating si Yuno... alam ko na kasama niya si Dave. Kaya nailabas ko kay Yuno yung nararamdaman ko dahil alam ko na nakikinig siya sa usapan namin.

Alam ko na nakasunod parin siya sa amin.

Alam ko ang itsura ng kotse niya.

Nasasaktan ka ba talaga Dave?
o isa rin ako sa mga babaeng pinaramdam mo na wala akong kwenta gaya nung ibang exes mo noon?

"I'm sorry to ask this. Alam ko na wala sa timing but it bothers me in my mind. This question..."

"Go on." cold na sabi ko lang sa kanya habang nakahawak kay Lucas.

"Alam mo ba na naglalaro lang ng feelings si Dave?"

Hindi ko siya sinagot kaagd.

Naglalaro?

"He lied to me the first time we met and I lied to him that I didn't notice everything he did." i said while looking outside the window of this car.

"And get blinded by the get-go?"

"Yes. Maybe that's what they call love?" sagot ko lang sa kanya at tumahimik na siya habang nasa byahe.

I recall the moments we shared together with Dave and crashed it with a big smack and instantly had the cold stare.

I must feel that everything happening today has a purpose.

Or maybe I deserve this because All this time I wasn't paying too much attention to what the real deal was.

You played your role right and I fell for that role real hard.

OCTOBER28,24/MON/7:21PM

Sorry for asking too much (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon