"Hestia!" natauhan naman ako nung marinig ko ang boses na yun. Nasa Gate na pala ako gago.
Nilapitan ko naman ito saka niya ako niyakap kaagad na parang mawawala ako sa buhay niya.
which is papunta na tayo sa exciting part na yan. 😁😌
"I'm sorry. I love you." paulit ulit na sabi niya sa akin habang humihikbi. Tangina yung uniform ko mababasaㅡ
"Bitaw ka nga!" sabi ko sabay tulak sa kanya palayo pero mas hinigpitan niya lang yung yakap niya sa akin. Tangina ang korni.
"No. Ayaw ko na bitawan ka, Hestia. Mahal na mahal kita. Alam mo yun. Nafefeel mo yun." sabi niya habang yakap parin ako.
Tinatapik ko naman yung likod niya to ease his pain and sadness habang napapalingon naman ako kay Henry na chismoso. Duklon gyud taka unya ka lang!
"Ok. I know. I know." sabi ko sa kaniya at dahan dahan na inalis ang pagkakayakap niya sa akin.
Tinignan ko ulit ang mukha niya at para siyang taong grasa tignan. Putang ina.. sumabak ba to sa giyera? Bakit ang dumi-dumi niya?
"Gago. Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang ewan?"
"I was chased by dogs nung susundan na sana kita but to my dismay bigla ka na lang nawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung saan ka pumunta. Tinawagan kita pero out of coverage ka. Kaya tumakbo ako mula sa bahay mo hanggang dito just to make sure if you're fine." sabi niya sa akin. "Then, that bastard won't let me in!" sabi rin niya habang tinuturo si Henry na ngayon ay busy sa pagchecheck sa mga bag ng mga pumapasok na students.
Ofcourse! Hindi siya papapasukin kasi ang dungis-dungis niya! Tangina.
"Does he know about us?" tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot bagkus ay hinila ko siya palayo ng palayo sa gate hanggang na sa dulo na kami nung pedestrian.
"Nasan ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya.
"Near your house. Why?"
"Peste. Bakit mo naman iniwan dun? Alam mo bang may Towing Zone dun?! Ha!?"
"Right! Pinakuha ko pala kay manong yung kotse kanina." sabi niya ulit sa akin kaya naman huminahon naman ako ng onti.
"Okay. Umuwi muna tayo sa bahay ko." sabi ko sa kanya.
"WhyㅡOW!" sigaw niya nung hinigpitan ko nang hawak yung braso niyang may sugat. Peste.
"May sugat kang buanga ka! Anong akala mo sa sarili mo? Iron man? Magkaka Iron defiency ka talaga dahil diyan sa kabobohan mo! Dali na!" sabi ko sabay hila sa kanya papasok nang traysikel.
Hindi siya komportable sa sinasakyan namin pero wala na kaming ibang masakyan pa. Ayaw ko na rin pumasok sa iskul dahil kakantyawan lang nila ako. Andani kasing alam nitong Dave na to! Aguyyy.
Nang makarating na kami sa bahay ay agad naman akong sinalubong ni Lucas kahit na nagtataka kung bakit ang aga ko umuwi.
"Upo ka muna diyan. Kukunin ko lang yung first aid kit."
"I need to washㅡ"
"Shut up Dave! Ang dami mong alam!" sigaw ko sa kanya at tumahimik naman ito at nilaro na lang si Lucas kahit na ayaw niya sa pangalan nung aso.
BINABASA MO ANG
Sorry for asking too much (COMPLETED)
RandomStart: Sept292024/SUN/12:25AM Finish: October282024/MON/8:47PM PUBLISHED: November 16, 2024/SAT/3:52PM ‼️ Strong words ahead ‼️ ^There can be typo's 🙈 Pls do a comment ☺'~