7.

2 0 0
                                    

Nakatingin lang ako kay Lucas habang nakapila siya at hawak hawak yung dalawang icecream na bibilhin niya.

Nakaupo ako ngayon sa labas ng sebenEleben store at parang wala sa wisyu at walang pakialam sa mga taong dumadaan sa harap ko at hindi ko rin naririnig ang mga tunog nung jeep o mga sasakyan na dumadaan.

Malalim pa ata sa Balon ang iniisip ko ngayon.

Parang gusto ko na mawala pansamantala.

Nasasaktan ako sa nangyayari pero mukhang ubos na ata ang mga luha ko kakaiyak gabi-gabi kung mangyayari man ang nangyayari ngayon.

Gabi-gabi akong umiiyak dahil alam ko na sa simula pa lamang ay hindi kami para sa isa't isa.

Nagsinunggaling ako sa sarili ko at nagpakabulag sa mga nangyayari noon dahil mahal na mahal ko si Dave.

Sinong hindi mahalin ang isang tulad niya? Matalino, mabait, may considerasyon at maalalahanin.

Ganyan ang masasabi ko about kay Dave pero nalaman ko na lang na ibang-iba siya kapag nasa loob na siya sa university niya.

Unbothered. Chill and don't give a damn. Hindi naman siya bully wala lang talaga siyabg pakialam sa lahat kundi ang sarili niya at ibang matalik na kaibigan niya... isa na doon si Yuno.

Si Yuno yung klase na kaibigan ni Dave na madaling malapitan. Hindi niya ako trinato na kung sino-sino lang. Sinabi nya rin sa akin na tinuturing na rin niya akong kaibigan at para na rin daw niya akong kapatid kaya minsan tinitreat niya rin ako nang icecream dahil sabi daw ni Dave favorite ko yun.

Hindi naman sila close ni Dave pero sa lahat ng group of friends niya, si Yuno daw yung madali niyang masabihan ng kanyang nararamdaman. Yan ang sabi ni Dave sa akin.

"Kung hindi mo ko matawagan o gusto mo nang masabihan ng lahat ng nararamdaman mo, pwede mo mapagkatiwalaan si Yuno." Iyan rin ang sabi ni Dave sa akin.

At si Yuno rin ang nakapagsabi sa akin at nakapamulat ng aking mga mata na si Dave ay may fiance na.

Nalungkot ako at nasaktan kaya simula nung nalaman ko yun mula kay Yuno ay umiiyak ako gabi-gabi kapag naiisip ko kung paano kung magkahiwalay kaming dalawa? Kakayanin ko ba? Kakayanin ba ni Dave ang lahat? kakayanin ba naming dalawa? Magsasakripisyo ba kaming dalawa?

"Oh!" namulat ako sa aking mga iniisip nang nilapit ni Lucas ang Cookies and Cream na ice cream sa ilong ko.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at saka niya nilagay sa harap ko ang ice cream.

"Alam mo bang ayaw ko na ang flavor na to dahil sayo?" masungit na sabi ko sa kanya.

Nakita ko naman siyang rumolyo ang mga mata bago siya nagsimulang kumain ng icecream.

Double dutch yung binili niya sa sarili niya.

"Ubusin mo yan." sabi niya lang at binigyan ako ng plastic na kutsara para magsimula na akobg kumain.

"Tss." iyan lang ang nasabi ko at kumain na.

Never had in my wildest dream na kaharap ko ang ex-bf ko. Pakialamero kasi tangina niya talaga sagad.

Ex ko siya dahil nakabuntis siya mga hangal. Bakit ba napakawalang silbi ko at malas kapag pag-ibig?

"Hindi ka ba hinahanap nung anak mo?"

Hindi siya sumagot at lumingo lang ng 'Hindi'.

Nairolyo ko lang ang mga mata ko saka ko naramdaman na may umaagos na luha sa mga mata ko.

Lumuluha ako?

Naiiyak ako?

Akala ko ba naubos ko na kayo?

Sorry for asking too much (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon