Calindra POV’S:
Naghahanap ako ng trabaho ngayon para sa pag-aaral ko. Nawalan ako ng magulang, dahil sa aksidenteng nangyari sa kanila, kaya maaga akong namulat sa buhay.Natuto ako mag trabaho kahit bata pa ako. Nag-iisang anak ako at hindi ko kilala kung sino ang aking mga kamag-anak, kaya wala ako malapitan. Ako lang 'din nag papa-aral sa aking sarili. Tumigil muna ako sa pag-aaral ng isang taon para maka pag umpisa mag-ipon.
Nandito ako ngayon sa isang resto bar para mag pa hire. Kahit labag sa aking kalooban na mag hire dito no'choice naman ako. Takot kasi ako sa mga grupo-grupo na lalaki at mga lasing. Kaya labag sa kalooban ko mag hire dito. Mag hi-hire lang ako di'to bilang waitress.
Pumasok lang ako sa resto bar at hinanap ang manager dito. Pag pasok ko palang ay nakita ko ang mga lasing na lalaki. Nakakatakot talaga lalo na hindi ma-iiwasan ang mga bastusan dito. Hindi ko nalang sila pinansin at baka mapahamak pa ako 'wala sa oras. Nang mahanap ko ang manager dito ay agad akong nag pakilala at ibinigay ang mga kailangang mga papeles na hinahanap dito.
Nang ma-approved ito ay kinausap lang ako ng manager, kung ano 'ang mga kailangang gawin dito at mga hindi dapat gawin dito. Inilibot din ako sa loob hanggang pag labas ni, Maam. Tonia. Ang manager namin dito sa resto bar. Mabait naman si Ma'am Tonia, Na ikuwento niya din sa'akin na masungit at gangster ang may-ari ng bar na ito, kaya hangga't maaari daw ay mag-ingat ako.
Hindi naman ako na natakot sa sinabi ni Ma'am Tonia... Maiihi lang sa takot! Kung mag kuwento kasi si Maam. Tonia, ay akala mo nakapatay na ng tao ang may-ari ng bar na ito. Hindi ko na pinasabi kung ano ang pangalan ng may-ari na bar na ito, dahil wala naman akong interest. Nag-paalam na din ako kay Maam. Tonia, na uuwi na ako, dahil ang dami ko pang gagawin sa bahay. Pag labas ko ng bar ay, may nakita akong isang Matangkad na lalaki 'habang nag si-sigarilyo ito. Napansin ko din na may tattoo ito sa kaliwang braso. Napansin ya'ta ng estranghero na kanina pa ako nakatitig sa kanya, kaya nag-iwas ako ng tingin. Kung maka titig kasi ito ay nakakatakot.
Sakto ay may dumating sa tricycle at agad ko itong tinawag para makasakay na. Sinabi ko lang kay manong kung saan ako ibaba.
Nang maka-uwi na ako ay agad akong nag bayad kay manong. " Salamat po, Manong" pasasalamat ko sa kaniya ng maibigay ko ang bayad.
Pumasok na ako sa apartment ko at agad ni-lock ang pinto. Sakto lang din ang laki ng apartment ko, hindi masyadong malaki at hindi din masyadong maliit.
Hinubad ko lang ang suot kong sapatos at agad na dumiretso sa banyo para maka pag linis ng katawan. Pag tapos ko mag linis ng katawan ay agad akong nag bihis ng oversized na damit at short. Mas komportable ako kung ito ang aking susuotin, hindi mainit.
Umupo lang ako sa pang-isahang upuan at agad na umupo. Binuksan ko lang Tv at nanood.Habang nanonood ako ay naka-rinig ako ng notif galing sa cellphone ko, kaya agad ko itong kinuha.
" Sino'na naman ba itong tao na'to. " bulong ko sa aking sarili. Binuksan ko ang cellphone ko at agad na nakita ang pangalan ni Ma'am Tonia. Nag chat lang siya saakin kung ano oras ang pasok ko at ano oras ako pwede umuwi. Nag reply naman ako kaagad dito at agad bumalik sa panonood.
Habang nanonood ako ay unti-unti akong na antok kaya pinatay ko na agad ang tv.
Naglakad lang ako papuntang kwarto ko at agad na humiga. Habang tumatagal ay pumipikit na ang aking mga mata hangang sa makatulog ako.
Author: eto na muna mga moonies ko nag-iisip pa kasi ako ng mga susunod na ikwe kwento. Thank yow very much! 💙hahabaan ko na to sa next chapter promiseeee!!!
YOU ARE READING
RAINING TEARS #1: UNTIL WE MEET AGAIN
RomanceAzriel Vergara, 24 years old, is a businessman with a cold heart and a grumpy demeanor. He also owns the bar where the woman works. When he found out there was a new worker in his bar, he started coming there often just to pick fights with her. Cali...
