Calindra POV's:
bigla ako'ng nainis dahil ang tao'ng nasa harapan ko ay ang mayabang kong BOSS!
" i-ikaw na naman.. Sir. Azriel? " tanong ko habany nasinok-sinok na. lasinh na talaga ako pero hindi ko dapat ipahalata.
" gabi na. it's already nine in the night. why are you still outside? don't you know it's dangerous here at night?" sunod-sunod niyang tanong. napa hagikgik naman ako at kumalas sa pag kahawak niya saakin.
" U-uwi na nga, eh... e-epal ka naman.. sige alis na ako.. " akmang aalis na sana ako nang hulihin niya ulit ang aking kamay.
" What the fuck?! are you drunk? who are you drinking with? " walang buhay niya'ng tanong. pake ba niya?
" s-sila... mmm.. ahh.. sila, kri-krino. kaming apat. bakit ba, huh? " taas kilay kong saad sa kanya. hindi ko na nga matuloy tuloy sinasabi ko dahil nahihilo na talaga ako.
" The heck? are you going home alone? don't you have anyone with you? " tanong niya.
" a-ako lang! bitiwan mo na ako... at uuwi na ako!"
sagot ko. binitiwan niya naman agad ang kamay ko." Eh' di, umuwi ka. makagat ka sana ng aso diyan dahil sa dilim. " sabi niya saakin at umalis na sa harap ko.
Ang yabang niya talaga kahit kailan! ang sama ng ugali! pasalamat siya ay boss ko siya.. ay.. kundi.. na pasa na labi nun dahil sa suntok ko.
sakto habang nag la-lakad ako ay may naka salubungan akong trycicle kaya tinawag ko ito. sumakay na ako agad.
ligtas naman ako naka uwi sa bahay. pag tapos ko mag bayad sa trycicle driver ay pumasok na ako sa loob ng apartment ko.
Hinubad ko lang ang sapatos ko at tumingin sa orasan. alas nuwede medya na ng gabi. naka uwi na kaya sila, baks?
dumiretso ako sa kwarto at humiga. inabot ko muna ang cellphone ko at nag tipa sa messenger para i-chat sila, baks.
nag chat lang ako kung umuwi na sila. si krino lang ang nag chat back sa sinabi ko. sinabi niya na, nalasing na daw yung dalawa. kaya pinauwi niya na ang mga ito.
binalik ko lang ang cellphone ko sa tabi ko at pumikit. ang sakit sakit talaga ng ulo ko. pumikit na ako hanggang sa maka tulog ako.
KINAUMAGAHAN NAGISING AKO DAHIL sa malakas na katok galing sa labas ng pintuan ko. nagulat ako ng si, kaye iyon. pinagalitan ko pa siya kanina dahil alas singko palang ng umaga. ang aga-aga pa, ginising ako. gabi na rin ako naka tulog kahapon.
Sinabi saakin ni, kaye na gusto niya lang daw ako yayain mag jogging. jogging? may hangover ako! kasalanan niya ito eh. pero wala ako nagawa ng nag dabog'to papasok sa loob ng apartment ko. b-bilhan niya nalang daw ako ng kape, pang pawala ng hangover.
tumango nalang ako sa kanya nun. nandito kami ngayon sa park. naka suot ako ng white sports bra at black fitted leggings.
" buti kagabi naka uwi ka ng safe? lasing ka nun, ah? " tanong saakin ni, baks habang tumatalon-talon.
" oo, may hwesyo naman ako nun. " sagot ko habang ginagaya ang gawi niya.
" lagi ninyo nalang ako niyayaya. ang la-layas ninyo talaga. dinadamay niyo pa ako! " reklamo ko at na una nang tumakbo.
" hoy! hintayin mo ako! " sigaw niya saakin. hindi ko na siya pinakinggan at binilisan pa ang pag tatakbo.
" bwiset ka! " bilis naman niya? nahabol ako agad.
nag patuloy nalang kami sa pag ta-takbo. habang nag jo-jogging kami ay napa tigil kami dahil may apat na aso'ng tumatahol saamin. napa atras naman kami ni, bakla. gi-atay man gud! hahabulin kami nito.
" wag ka'ng tatakbo" bulong ko kay kaye.
humawak naman sa likod ko si kaye. habang ako ay nag la-lakad ng dahan-dahan ng diretso. ngunit ang mga aso ay walang tigil kaka tahol. napansin ko na ngi-nginig si kaye sa tabi ko. napa tili siya ng lumapit sa kanya ang aso na tumatahol.
" bitch! tangina!! " hiyaw niya habang naka kapit saakin. madadamay ako dito pag tumakbo itong baklang ito.
nagulat ako ng bumitaw si kaye sa saakin at lalo ako nagulantang ng tumakbo ito ng mabilis. ito na pinaka ayaw ko eh. hinahabol kami ng aso!
tumakbo na rin ako ng mabilis at lumingon sa likuran namin na apat na asong humahabol saamin.
nag ka parandapa kami kakatakbo. bwiset tong si kaye.
" HINTAYIN MO AKO'NG BAKLA KA! " sigaw ko at kumapit sa damit niya at hila-hila siya.
" BITAW! AYOKO MA BITE NG DOG! AYOKO PA MABALIW! " hiyaw ni bakla ay kumakalas sa pag ka hawak ko sa damit niya.
" KUNG HINDI KA TUMAKBO! SANA HINDI TAYO HINAHABOL NGAYON! " singhal ko sa kanya at lumingon ulit sa likuran namin na nandun pa rin ang mga asong humahabol saamin.
" MAMA!!!! " sigaw ni, baks. lalo kasi kaminh hinabol ng mga aso. imbes na matakot ako ay natatawa ako'ng tumatakbo.
tumatakbo lang kami hanggang sa maka layo na kami sa mga aso. hingal hingal kami'ng napa hinto sa tabi. hinampas ko naman siya sa balikat.
" nakakainis ka! b-bwiset.. h-h-hini.. h-hingal tuloy t-tayo.. " hinihingal kong singhal sa kanya.
" ouch n-naman.. atleast m-memories y-yung pag h-habol saatin.. "sabi niya habang tumatawa. pati ako ay tumawa na rin ng malakas.
" 'mama' ah.. " asar ko sa kanya at nag lakad na ulit.
" eh, walang pumasok sa isip ko, eh " tatawa-tawa niya'ng ani.
" libre na kita ng kape" ani nito ulit at huminto sa coffee shop.
umupo lang ako at hinihintay siya. bumalik siya ng may dalang dalawang kape at tinapay. inilapag niya lang ang mga ito at umupo sa harap ko.
" nakaka pagod.. natangal hangover ko ah " sagot ko at humigop ng kape.
" goods pala yung pag habol sa aso.. kahit nakakakaba.. " tatawa-tawa niyang saad saakin habang kumagat ng tinapay.
ilang oras din kami nag pa hinga sa coffee shop. nag-aya na rin ako umuwi dahil alas otso na. mag lalaba pa ako ng damit at mag-luluto.
nang maka-uwi ako ay nag palit ako ng damit na oversized at short. dumiretso ako sa banyo at kinuha doon ang basket na lagayan ng mga labahan ko.
inilagay ko lang ang mga labahan ko sa planggana at nilagyan ng powder. pag tapos ko mag laba ay isinampay ko na ito sa labas ng kwarto ko. may sampayan kasi doon banda sa labas ng kwarto ko.
mahilig din ako mag tanim kaya may mga halaman doon sa labas ng kwarto ko. pag tapos ko mag sampay ng damit ay nag luto agad ako ng makakain. Nang matapos na ako mag luto ay kumain na ako at nag nag hugas ng plato.
dumiretso ako sa sala at binuksan ang TV. mag papahinga muna ako dahil mamaya-maya ay papasok na ako ng alas singko. sahod na rin pala namin mamaya. salamat naman at makaka pag-ipon ulit ako sa pag-aaral ko.
AUTHOR: support please🙏
YOU ARE READING
RAINING TEARS #1: UNTIL WE MEET AGAIN
RomanceAzriel Vergara, 24 years old, is a businessman with a cold heart and a grumpy demeanor. He also owns the bar where the woman works. When he found out there was a new worker in his bar, he started coming there often just to pick fights with her. Cali...