Calindra POV's:Alas sais na ng gabi at nandito ako sa Kwarto nag-aayos ng aking sarili para maka pag handa na pumasok ngayong gabi. Nag-ayos lang ako ng mukha at nag suot ng white t-shirt at blue na pantalon. Mas better kasi kung balot ang aking katawan mas komportable ako pa ako.
Nang matapos na ako mag-ayos ay lumabas na ako ng bahay. Ni-lock ko lang ng mabuti ang pinto ko at naglakad papuntang sakayan. Sumakay lang ako ng tricycle at sinabi kung saan ako bababa. Habang nag mamaneho si manong ay palinga-linga ako sa daan kung tama ba ang aming dinaraanan, salamat nalang at tama ito. Takot kasi ako sa gabi dahil sa traumang naabot ko noong bata pa ako. Naalala ko kasi noong bata pa ako ay habang nag lalakad ako pauwi sa isang madilim na sulok. Doon kasi mas madaling umuwi. Habang nag lalakad ako noon ay may nakita akong mga matatandang lalaki na nag-iinuman, sa sobrang takot ko ay binilisan ko ang pag lalakad 'nun, habang binibilisan ko ang pag lakad ay tinatawag ako ng mga lasing na lalaki kaya tumakbo na ako.
Kaya takot ako sa dilim,noon hanggang ngayon. Hindi ko na malayan na nandito na pala ako sa tapat ng bar na trina-trabahuhan ko. Kung hindi pa ako tinawag ni manong at tinapik ay hindi ako titigil kakaisip. Nag bayad lang ako kay'manong. " salamat ho, manong" magalang kong pasasalamat sa kanya.
Pumasok lang ako sa entrance ng bar at pag pasok ko ay agad akong naka kita ng mga maraming tao. Akala ko kasi ay konti palang ang tao dito dahil alas sais palang, nag kamali pala ako. Nag lakad lang ako papuntang girls room para maka pag bihis ng uniporme namin. Naka suot ako ng white t-shirt at black pants. Pina pasuot din kami ng apron na plain black para malinis ang suot namin kung matapon ma'n ang alak.
Pag tapos ko mag bihis ay agad akong lumabas. Naka salubungan ko pa si Ma'am Tonia, kaya binati ko ito. " Good Evening po, Ma'am Tonia" bati ko sa kanya habang may ngiti sa labi. " Good Evening din, Calindra" masiglang bati niya saakin na ipinagtataka ko naman. " masigla ka ngayon, ma'am. ah?" Tanong ko sa kanya habang naka ngisi.
"Paanong di' magiging masigla kung yung boyfriend ko igagala ako sa HongKong! " naka ngiting saad ni Maam habang naka upo sa pang-isahang upuan at paikot-ikot na parang baliw.
"Ano ikaw, Calindra? Wala ka pa 'bang BOYFRIEND? Your already 20 years old!" pang-aasar saakin ni Ma'am. Napa ngiwi nalang ako sa kanya at hindi na sumagot.Bumalik nalang ako sa pag tra-trabaho.
Habang nag tra-trabaho ako ay agad na may lumapit saakin kaya nilingon ko siya. Ka trabahador ko pala akala ko kung sino. " May kailangan ka? " tanong ko, dahil hindi ko alam ang pangalan niya dahil baguhan palang ako.
" Wala naman. Makiki pag kaibigan lang " maarte niyang sagot. Bakla siya? Tanong ko sa aking sarili.
" Bakla, ka?" Hindi ko mapigilang pag tanong ko sa kanya. " yep, yep, yep" maarte niyang sagot na ikinatawa ko. " I'm kevin also known as Kaye" pag papakilala niya sa'akin habang naka lahad ang kanyang kamay.
Agad ko naman itong tinangap at nag pakilala. " Calindra. Calindra Madrigal" sagot ko kaagad habang nakiki pag shake hand. "Bakit ka di'to nag hire, bakla? " tanong niya saakin habang nag ba-bartender. " no'choice, baks eh" sagot ko habang inaayos ang mga alak.
Nag kuwentuhan lang kami ng kung ano-ano at napatagal pa ang aming kuwentuhan. Masaya naman kausap ang beki kong friend. Mabilis niya akong mapatawa kahit sa maliit na bagay.
Habang nag hahatid ako ng mga alak sa bawat table ay tinawag ako ni Ma'am Tonia. " Calindra! " tawag saakin ni Ma'am. Kaya agad akong lumapit sa kanya. " May kailangan po kayo, Ma'am? " tanong ko kay maam habang nag lalapag ng mga walang laman na shot glasses. " Pupunta dito si, Sir. Aziel. Ang may-ari nitong bar na ito. Siya yung sinasabi ko sayo na masungit! Lagi kasi siya nasa Canada kaya wala dito. Ngayon lang din yung mag o-observed dito. Nag-aayos kasi siya ng mga business niya, marami kasi siyang pag mamay-ari." Mahabang paliwanag ni ma'am, na hindi ko masyadong narinig at naintindihan dahil sa sobrang dami ng tao at sobrang ingay 'din.
" Ma'am Tonia!!! " malakas kong sigaw sa kanya ng maka alis ito. Kailangan ko siya tawagin dahil hindi ko narinig ang mga sinabi niya ang ingay kasi!! Baka importante pala ang sinasabi niya sa'akin pero hindi ko naman narinig.
Hindi ko na nahabol si maam dahil sa sobrang daming customer's. Kaya agad ko'ng binaling ang attensyon sa kanila.
Ano ba yung sinabi ni Ma'am Tonia, na mahabang paliwanag niya? Importante ba yun? Tanong ko sa aking sarili.bakit kasi hindi ako nag focus sa sinasabi ni Ma'am. Paninisi ko sa aking sarili. Siguro ay tanungin ko nalang siya mamaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/377368249-288-k651363.jpg)
YOU ARE READING
RAINING TEARS #1: UNTIL WE MEET AGAIN
RomanceAzriel Vergara, 24 years old, is a businessman with a cold heart and a grumpy demeanor. He also owns the bar where the woman works. When he found out there was a new worker in his bar, he started coming there often just to pick fights with her. Cali...