CHAPTER 2

11 10 3
                                    

Calindra  POV's:

Habang nag-aayos ako ng mga shot glasses ng may kumalabit bandang likod ko, Pag lingon ko ay si Ma'am Tonia. "Ma'am? " tanong ko habang naglalagay ng alak sa shot glass. "Aalis na ako, mamaya. Ikaw muna bahala dito. " pag bilin saakin ni Ma'am Tonia. " Saan naman po kayo pupunta, Ma'am?" Takang tanong ko kaya nilingon ko siya.

" Sa HongKong, Remember? Nag-sabi ako sayo ni'yan! Kaya.. Ikaw na muna dito. Mga isang linggo ako doon or mahigit. Kaya ikaw na muna ah! Salamat. " Pag papaliwanag ni Ma'am Tonia. Tumango na lamang ako at bumalik sa ginagawa ko.

Lumabas na si Ma'am Tonia sa bar. Ako naman ay nagtataka dahil may gustong ipa-alala ang aking utak. Hala! Oo, nga pala! Itatanong ko pala kung ano ang sinabi niya kanina. Bakit nga ba nakalimutan ko iyon!argh.

Bumalik nalang ako aa trabaho at hayaan nalang ang sinabi ni Ma'am. Baka hindi naman importante yun..

Naglalagay lang ako ng alak sa shot glasses ng customer nang may tumawag saakin kaya nilingon ko ito. Akala ko kung sino na, si baks lang pala eh. "Uy! Bakit, baks? " tanong ko habang nag pupunas ng kamay. " wala naman. Bored lang. " irita niyang sagot saakin. Napaka arte aber!

"Eh'di mag trabaho ka jan! " pilosopo kong sagot sa kanya habang umupo sa upuan. " Time ko ngayon. Kaya bored" tugon niya saakin. " eh'di mag-eat ka jan" suggest ko sa kanya. " done. " tanging sagot niya.

" Baks, kilala mo ba ang may-ari ng bar na'to? " tanong ko sa kanya. Gusto ko na kasi malaman sino may-ari nito. Hindi ko na kasi pinasabi kay Ma'am, yan tuloy.

"Hindi.baguhan din ako dito 'noh! Wala ba nasabi sayo si Ma'am kung ano pangalan ng may-ari nito? " tanong niya saakin.

" Nung una sasabihin niya sana saakin.. Kaso, hindi ko na pinasabi. Wala kasi akong interest nun. " sagot ko nalang.

" tanga. " tanging sagot niya kaya tinignan ko siya ng masama. Bad!

" hindi ko kasi narinig yung sinabi ni Ma'am kanina eh. Masyadong maingay nun. Diba nandun ka din kanina? Baka ikaw narinig mo? " tanong ko.

" hindi din. Busy ako sa customer's ko. " sagot nito. "Ano kaya yun, baks? " tanong ko sa kanya ng makatayo ako at naglagay ng alak. "Tanga ka, kasi! Bakit kasi hindi mo pinakingan?! Huh!? " masungit nitong tanong na ikinanguso ko.

" busy din ako sa mga customer. Tapos naglalagay ako ng mga bagong alak! " sagot ko dito. " bumalik ka na nga sa trabaho mo at baka mapagalitan kita! " pagtataboy ko sa kanya. " bakit naman ikaw? Di'ba si Ma'am Tonia yun? " taka nitong tanong. "Aalis si Ma'am eh. Pupunta daw HongKong. Kasama ang boyfriend. Mahigit isang linggo daw sila doon. " mahabang paliwanag ko. Tumango nalang siya at bumalik sa trabaho.

Naglalagay lang ako ng alak sa shot glasses ng customer ng may tumikhim sa gilid ko. Hindi ko nalang pinansin at baka nasamid lang ito. Pero nag kamali ako ng nag salita ito sa harap ko. "New employee, huh? " walang buhay nitong ani saakin habang matalim na nakatingin. Pamilyar ang lalaking ito saakin, parang nakita ko na siya somewhere. Pero baka namamalikmata ako.

Sumagot naman ako sa sinabi nito. " O-opo, sir. Bakit 'ho? " tanong ko. Nakakakaba lalo na nakakatakot ito. " Ma-May o-orderin po ba kayo or may gusto? " tanong ko sa kausap ko. "Hmm.. Wala. You didn't know me? " taka nitong tanong saakin na ikinailing ko.

Paano ko siya makikilala kung ngayon ko lang siya nakita. Mukhang ewan lang eh'no?!

" Hindi po kita kilala sir. Kaya kung may kailangan ka, wala ang manager namin dito. Kung may o-orderin ka mag order ka na po. " suplada kong saad dito.

" wala akong kailangan. Tumingin lang ako dito. " sagot nito at tumalikod. "Sino ka po ba? " habol kong tanong ng aakmang aalis na siya. Lumingon naman ito agad saakin. Hindi naman siya sumagot kaya kahit walang customer ay nag lagay ako ng alak sa shot glass para hindi awkward.

Ano ba ito? Bakit ni-niyerbyos ako? Tanong ko sa aking sarili.

RAINING TEARS #1: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now