CHAPTER 6

5 8 0
                                        

Calindra POV's:

Nagising ako dahil sa rang ng cellphone ko kaya iminulat ko ang mga ko at tinignan ito kung sino. Sinagot ko ang tawag habang kumukusot-Kusot sa kanang mata ko.

" He-Hello?" sagot ko sa kabilang linya habang napahikab.

" BAKLA! " Sigaw saakin ni, kaye. nagulat ako ng sumigaw ito sa kabilang linya. " Ano problema? ano nang yari sayo? " napa balikwas pa ako ng bangon dahil sa sigaw niya.

" Wala. pranning masyado. yayain sana kita pumunta sa Mall. kasama natin sila, krino. sila lang din nag-aya saakin kaya inaya na din kita. Sakto yun para hindi ka ma baliw jan sa bahay mo! " sagot nito saakin.

" Wala ako'ng per-" naputol agad ang sasabihin ko nang mag salita ito. " Ako na bahala. libre na kita. alam ko naman nag bu-budget ka.. total kami rin naman nag-aya sayo. libre na kita. " matuwa niya'ng sagot saakin.

" n-nakakahiya naman.. ilang beses mo na ako ni-libre. " nakakahiya naman kasi eh. sa sobrang pag b-budget ko sa pera ko para maka pag-ipon sa pag-aaral ko ay hindi ko na nabibili o nagagawa ang gusto ko.

" ayos lang, ano ka ba?! alam ko naman nag-iipon ka para sa balik-aral mo. ako na bahala sa libre! sama ka ah! " sagot nito. The best talaga si, baks.

" Salamat, ah. ano oras ba aalis? " tanong ko habang tumayo na sa kama. " Ngayon na. alas dose na ng tanghali. mag-ayos ka ah! " sagot nito at pinatay na ang tawag.

Nagulat naman ako at tumingin sa orasan. hindi ko namalayan na tanghali na pala ako nagising. sa sobrang pagod siguro ito.

chinat ko lang si baks, kung saan mag kikita-kita.

Calindra:
saan ba mag kikita-kita, baks?

Bakla:
Sa moon, syempre sa mall. sa entrance ng mall. saan pa ba? hays.               


hindi na ako nah reply sa chat niya. kahit kailan ay napaka pilosopo ng baklang iyon. pero maasahan mo sa lahat at mapapag ka tiwalaan.

dumiretso na ako agad sa banyo at naligo na. Pag tapos ko maligo ay nag tapis na ako ng tuwalya sa katawan ko at lumabas. pumunta lang ako sa aparador at nag hanap ng masu-suot. kumuha lang ako ng denim skirt at white fitted shirt. nag suot lang din ako ng sapatos.

nag lagay lang ako ng lipstick at nag suklay. mag bu-buhaghag nalang ako dahil ang hirap talian ng buhok ko. mahaba na kasi, dahil hanggang baba na ng puwetan ko ang haba. nag suot na din ako ng pearl headband. kinuha ko na din ang shoulder bag ko at lumabas.

Nag tawag lang ako ng tricycle at sumakay na. Nang maka rating ako sa Mall na sinasabi nila ay agad kong nakita sila, baks. nauna na pala sila, at ako nalang ang hinihintay. lumakad lang ako sa kanila kung saan sila naka puwesto.

" Sorry, ako nalang pala hinihintay ninyo. " paumanhin ko.

" A-ang ganda mo sa.. ayos mo" ani ni, krino. kaya nginitian ko siya. " Salamat " pasalamat ko.

" Uy, ano'to? pag hanga na ba? ayie! kayo ah, hindi kayo nag sasabi saamin! " hala si, baks. grabe naman uy!

" sinabihan lang ng maganda ako mag-suot ganun na agad? " patama ko. " Ikaw, krino ah! humahanga ka na sa beshy ko! " pang-aasar ni baks, kay krino. " Ikaw, krino ah! " sabat din ni krina.

nakita ko naman na namula si, krino. napa iling nalang ako at niyaya na silang pumasok. " tara na nga! ingay ninyo! " sita ko.

nag lakad lang kami pa-pasok ng mall at nag ikot-ikot. Habang nag papalamig sa Mall ay naka ramdam kami ng gutom.

RAINING TEARS #1: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now