4: Jealous

10 0 0
                                        



North Hayes Yuan Kogarashi



Ibinigay ko kay Ibbara ang basong may lamang alak. We sat on the stools in the kitchen habang hinihintay na matapos ang ginagawa nila sa taas.



Si Yuri lang ang tinawagan ko pero nagsama pa siya ng alipin niya para manggulo dito sa bahay.



"Bakit sumama ka pa?" Tanong ko nang walang gana.



"Ang walang kwenta mong mag tanong..." sagot niya nang tingnan ko siya. Mukhang wala siya sa katinuan nang sabihin niya iyon dahil nakatulala lang siya sa baso.



"Lasing ka pa ba? Para kang gago eh," sabi ko sabay lagok ng alak sa baso ko.



"Natatakot ako, gago," sabi niya sabay huminga ng malalim. "Tangina, akala ko kay Yuri lang ako natatakot ng ganto eh kay Zahara rin pala." Iling ng ulo niya sabay lagok sa alak.



Natakot na siya doon?



Nakakunot lang ang noo ko habang nakikinig sa kanya. "Kung ako sa'yo, matatakot na rin ako kay Zahara. Kaya pala under ka." Agad ko siyang sinikuhan nang sabihin na naman niya 'yun.



Nagkaroon muli ng katahimikan sa pagitan namin. Parang malalim ang mga iniisip namin dahil sa nangyari kagabi.



"All I know is... she's different," I said, unsure whether to be amazed or scared by her actions.



"Because she is, bro," Ibbara said, emphasizing his point by pressing his hand against my chest. "Nakita mo ba yung mukha niya nung sinagot niya yung babae kagabi? Parang papatayin na niya yung babae." Parang hindi siya makapaniwala.



"You're crazy, Ibbara. You're just imagining things," I replied, laughing.



"Ang bobo naman ng hapon na 'to. Nakikita mo ba kung paano siya makipag-usap sa ibang tao? Iba siya kapag ikaw ang kausap niya. Ikaw ang nagpapakakalma sa kanya, sa'yo lang siya kumakalma, Bro," he explained, making me think.



Ilang oras lang ang nakalipas nang marinig namin ang mga yapak mula sa hagdan. Agad kaming lumabas ng kusina at sinalubong sila sa sala.



Si Yuri ang unang bumaba, at nang sumunod si Zahara, agad niya akong nakita, na nagpasaya sa mukha niya. She rushed towards me and took my hands, placing them on her waist so I could hug her.



"I missed you," she said, hugging me again. I just let her. I didn't want to make her upset.



Nakikita kong hindi makapaniwala sina Ibbara at Yuri. Parang ayaw talagang kumawala sa akin ni Zahara sa sobrang higpit ng yakap niya.



"Well.. your baby is fine. She's calm now. And nothing bad happened to the baby or to her." She explained while Zahara was still clinging to me. "But Yuan, you really need to keep Zahara away from things that can stress her. And of course, she really needs to rest."



Pagkatapos noon, tumango na lang ako. Kailangan ko na sigurong maging mas mahigpit sa kanya ngayon para sumunod siya at maging maayos ang lagay nila ng bata.



Ilang minuto pa bago sila umalis dahil may binigay muna si Yuri na gamot para kay Zahara kung sakaling kailangan niya ng pampakalma na hindi makakaapekto sa baby kapag ininom niya ito.



Finally, Zahara let go of me. Nangangalay na rin ako dahil mabigat siya at kanina pa siya nakadikit sa akin. Pero kahit hindi na siya nakayakap, patuloy pa rin siya sa kakasunod sa akin kung saan man ako pumunta sa loob ng bahay.



A Love Beyond Walls Where stories live. Discover now