Silver 34

6.4K 290 241
                                    

Under The Silver Light 34

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


"Si Ishan?" tanong ni Jacob noong makabalik ako.

Nauna kasi akong bumalik sa loob. Iniwan ko na siya roon dahil hindi ko na talaga kayang tumagal sa isang lugar kasama siya.

Naguguluhan ako. Tangina naguguluhan na naman ako at pakiramdam ko, kaunting salita na lang ni Ishan ay para na akong bulkang sasabog kaya minabuti ko na lang na talikuran at iwan siya roon.

"Hindi ko alam," sabay salampak sa upuan katabi ni Jacob. Pinagkaabalahan ko ang cellphone ko kung saan ka-text ko na si Rowela.

Aaminin kong napilitan lang talaga ako sa lahat. Kahit ako sa sarili ko hindi ko alam kung bakit kaninang nasa harapan siya ay g na g akong landiin siya pabalik pero ngayong sa text lang, halos pilit lang ang mga reply ko.

Wrong move.

Ilang minuto na rin ang lumipas at walang Buenavista na bumalik. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko roon, pasimple ko na ring inilibot ang tingin ko sa paligid, nagbabakasakaling naroon siya ngunit wala.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, iba ang pakiramdam ko.

Tatayo na sana ako para balikan si Ishan noong makita ang tauhan ng Oasis palapit sa gawi namin.

Inabot niya ang itim na cellphone at mula sa lockscreen ay kilala ko na kung kanino iyon. Si Coco ang picture na naroon.

Tumayo agad ako. "Nasaan si Ishan?"

"Dinala po namin sa ospital, nakita po siyang nahimatay sa smoking area. Nalaglag itong cellphone niya, e."

Naalarma ang lahat at wala nang pasabing kumaripas ako ng takbo papunta sa parking lot. Parang nawala ang tama ko roon. Hindi ko na nga nahintay ang mga kaibigan ko.

Wala na rin akong pakialam kung ako pa ang mas nauna kaysa sa mga kaibigan niya. Bahala na. Hindi ko kaya 'to.

Tangina kasi, e. Bakit kailangan niya pa akong sundan doon? Anong rason? Bakit hindi pa siya bumalik noong bumalik na rin ako sa loob? Ba't nagtagal pa siya, e, alam na nga niyang may hika siya?

Sa malapit na ospital lang dinala si Ishan. Una ko pang nakira roon ang isa sa mga empleyado ng Oasis kaya naasikaso rin ako papunta sa kwarto niya.

"Doon po, sir. Room 317."

Lakad-takbo ang ginawa ko papunta roon at nakita siyang tulog na tulog sa kama habang may swero na sakaniyang kaliwang kamay. Ang suot ay ganoon pa rin naman.

Akala ko nahimatay lang? Bakit may swero?

"Doc?"

"Oh, kaibigan?"

Kinginang tanong 'yan. Oo na, kaibigan na. "Opo. Kumusta po siya?"

"According to the staff from the bar, nakita siyang unconscious sa labas particularly sa smoking area ng bar. And he has an asthma pero aside from that, probably dahil na rin sa low blood niya at hindi kumakain nang maayos. Pinalagyan ko ng swero dahil wala nang ka-energy-energy ang katawan niya. But he's okay, nothing to worry about. Mamaya gigising na rin siya. More on fruits and vegetables muna si patient. "

Tumango ako at maraming ibinilin ang doktor na mariin kong pinagtuunan ng atensyon. Noong lumabas na ito ng kwarto ni Ishan, kami na lang ang naiwan doon.

Hinila ko ang isang upuan palapit sakaniya at maingat na kinuha ang kamay niyang may swero bago iyon halikan. Kasabay ng pag halik na 'yon ang pagkawala ng luha sa aking mga mata.

Under The Silver Light (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon