Under The Silver Light
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
"Sinong partner mo sa prom, tol?"
Nagkibit balikat ako. "Si Trisha o si Jenny, hindi ko pa sigurado."
"Gago? Kahit sino sa dalawa na 'yon jackpot ka na, e," namamanghang sinabi ng kaklase kong si Renz.
Ako ang ngumisi, hinihintay kung sinong unang sasagot sa chat ko kina Jenny at Trisha.
"Baka sila ang swerte sa'kin dahil sa rami ng babaeng gusto akong maka partner, sila ang napili kong tanungin."
"Wala talaga akong masabi, pre. Iba ka talaga, idol!"
Tumawa lang ako at naiinip na bumaba ng bleachers, lalabas na ng covered court dahil nagugutom na rin.
Marami ang nangingiting mga babae maging ilang lalaki na sa tingin ko ay mga binabae dahil sa presensya ko.
Hindi ko alam kung bakit sikat ako, siguro dahil sa itsura? Ikaw ba naman bigyan ng ganitong itsura ewan ko na lang.
"Uh, pipila ka ba, Cedrix?"
The cute girl in front of me asked. Halatang kinakabahan dahil sa nanginginig na boses.
Tipo ko talaga iyong mga cute at mapuputi tapos mataba ang pisngi. Hindi sya ganoon kaputi pero pwede na, cute sya sa bangs nya.
"Yup. Why? Magpapa libre ka?" biro ko.
Mabilis niyang ikinumpas ang kamay na tila sinasabing hindi iyon ang tinutukoy nya.
"May pera ako, Ced. Uh, ano lang, ano.... baka gusto mong mauna na?"
Eh?
"No, ladies first as always," sagot ko.
Mas lalo syang namula roon at nag tagal muna ang titig sa akin bago ako tinalikuran at um-order na ng pagkain nya.
Naka pamulsa akong umiiling-iling. As a tenth grader in junior high, I can say that it's not hard for me to caught girls' attention.
Kahit naglalakad lang ako ay sila na mismo ang lumalapit. Kaya hindi rin ako nagiging single, e. Madalas akong hindi nawawalan ng karelasyon.
I thought the conversation I had with the cute girl ended but I think not when she stopped in front of me again.
"Uh, Cedrix?"
"Yes?"
"May date ka na ba para sa prom?"
Based on what she asked, she's probably asking me if I can take her as my date.
Sa totoo lang ay tipo ko rin naman talaga sya dahil cute kaya lang masyadong inosente. She'll be hurt after I play with her kaya huwag na lang.
Isa pa, naiisip ko pa lang ang mukha ni Jenny at Trisha mas lamang talaga ang dalawa kaya tumango ako.
"Yup. Next time, then?"
"Uh, mag ta-transfer na kasi ako sa senior high kaya baka hindi na," sagot nya.
Poor baby.
"Oh! Then, I'm sorry?"
Tipid lang ang iginawad niyang ngiti bago nag paalam at mabilis kumapit sa lalaking halos mas matangkad lang sakanya ng kaunti.
Hindi ko nakita ang mukha no'ng lalaki dahil naka talikod na nang lingunin ko sila. Maybe the boy best friend?
Nag kibit balikat ako at um-order na ng pagkain doon habang mahaba pa ang bakanteng oras namin dahil may meeting ang mga teachers kaya walang klase.
Napili kong tumambay sa kubo na malapit sa canteen kung nasaan ang mga kaibigan at kaklase ko. Naroon sila, nag gigitara.
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light (COMPLETED)
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix Sweet Serenade Series #2