Silver 29

4.8K 231 278
                                    

Under The Silver Light 29

                                   ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

"Tangina mo! May balak ka bang ubusin ang tatlong Black Label?" natatawang tanong ni Paulo sa akin.

Umakto akong walang narinig at tuloy pa rin sa pag tungga ng Black Label doon. Madali lang naman akong malasing pero ngayong gabi tila gising na gising ako.

Parang hindi ako tinatamaan sa iniinom ko kahit hard na ang pinili. Iyong sakit, ramdam na ramdam ko pa rin, e. Kaya nga ako nag-aya ng inuman dahil gusto kong makalimot pero mauubos ko na ang pangatlong bote ng Black Label pero iyong eksenang nakita ko kanina, malinaw na malinaw pa rin sa akin.

Napansin ko ang pagtuturuan nila Cadence kung sino ba ang kakausap sa akin na sa huli ay si Jacob ang tumabi sa akin.

Nanatili pa rin ang tingin ko sa lamesa habang hawak na ang bote ng iniinom. Bakit ko pa ilalapag kung maya't-maya ko rin naman kung tunggain, hindi ba?

"Pre, ayos ka lang ba?"

"Hindi."

Kasi iyong taong mahal na mahal ko, may emergency pala. At kaya naman pala hindi ako inabalang gisingin ay dahil ibang emergency ang kikitain.

Ang tanga ko rin, e. Sobrang tanga.

Pinakilig lang, umasa rin.

Bobo mo, Cedrix!

"Babae, pre?" biro ni Paulo.

"Ikaw kahit obvious na may problema na 'tong baliw na 'to, puro ka pa rin babae!" sermon naman ni Cadence kay Paulo.

Nagkibit balikat lang si Paulo. "Nag aalok lang naman ako ng pwedeng pantanggal ng sama ng loob ng kaibigan natin."

"Pass ako."

Oo, galit ako. At nasasaktan ako pero hindi ko magagawang maghanap ng iba kung naiwan ang puso ko sa Engineering student.

Kahit pa may maghubad sa harapan ko hindi ko pa rin papatusin kahit lasing at wasak ako. Alam ko pa rin sa sarili ko kung para kanino lang ang puso ko na kahit siya, nandoon sa ex niya... siya pa rin ang gusto ko.

At hindi lang simpleng yakap ang ginawa nila, talagang pumasok pa sa unit niya. Wala ring text o chat man lang sa akin. Kahit tanungin na lang sana niya kung buhay ba akong naka uwi ng condo, e.

Wala lahat.

Kung sabagay, nasa emergency pala siya. Baka sobrang lubha ng ex boyfriend niya kaya kailangang alagaan.

Putangina, paalaga amputa. Edi dalhin sa bantay bata, aalagaan siya ro'n. Kupal.

"Seryoso, pre. Anong nangyari?"

Umiling ako. "Olats. Binalikan 'yung ex."

"Ex? ex nino?"

"Ni Baobei.."

Gulong-gulo ang mukha nila roon. "Baobei? Who the fuck is Baobei?"

"His baby.."

Lumingon si Cadence at Jacob kay Paulo. "Ano? Sino?"

"Baobei means baby. Intsik 'yang tanga na 'yan, 'di ba? Ayon ang call sign nila," paliwanag ni Pao sabay tawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. Anong masama sa Baobei? "Kaysa naman sa babe ang tawagan. Walang originality. Napaka baduy."

"Ulol!" sabay pakita ng gitnang daliri ni Paulo.

Galit na galit porket gamit na gamit niya iyang tawagan na 'yan. Baduy talaga. Walang originality.

Under The Silver Light (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon