Silver 36

6.1K 243 262
                                    

Under The Silver Light 36

                                   ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

Sa sumunod na mga araw, mas gumaan ang pakiramdam ko. Wala naman kaming napag-usapan ni Ishan kung ano nga bang mangyayari sa aming dalawa.

Ngayong nalaman ko ang lahat ng katotohanan, magaan na ang dibdib ko dahil wala nang tanong. Kung mayroon man, alam kong masasagot na iyon ng kusa.

Mula naman noon naiintindihan ko na siya. Pero iyong harap-harapan ko pa ring marinig ang rason, nananatili pa ring bago ang pakiramdam sa akin kahit ilang araw na ang lumipas.

He keeps on messaging me. Mas lumala pa kaysa sa mga nakaraang pangungulit niya. Para kaming nagpalit ng katauhan at siya na ngayon ang nang aabala.

Aaminin ko na hindi ko gusto ang ginagawa niya dahil hindi naman iyon nararapat sakaniya. Pero sa kabilang banda, sinanay na niya na naman ako sa mga pangungulit niya at napapa ngiti na lang ako sa mga simpleng ginagawa niya.

"Another mogu-mogu for Cedrix Yu. This time, grape flavor naman," sabi ni Paulo sabay tingin sa sticky note na naka dikit doon. Mabilis ko iyong hinatak. "Ang dalas ng manliligaw mo na 'yan, ah? Sagutin mo na kaya?"

Manliligaw? Si Ishan... manliligaw ko?

Wala naman siyang nabanggit na liligawan niya ako pero... konektado ito sa sinabi niya, 'di ba? He will win me back daw. Ito ba ang paraan niya para roon?

Ang corny naman pala.

"Tagal na niyang nagbibigay ng mogu-mogu, ah? Consistent!" dagdag asar ni Jacob.

Dalawang linggo mahigit na rin. Hindi na masama para sa baguhang manliligaw.

"Aba! Dapat lang. Ako na 'to, e," mayabang kong sagot sabay tago sa notebook ng hindi ko na mabilang na sticky notes na naipon ko mula kay Ishan.

"Sino ba kasi 'yan? Mamamatay na lang kami hindi pa namin nakikilala, e."

Nagkibit balikat ako. "Baka siya ang may ayaw ipakilala ang sarili. Sa'kin ayos lang naman, e. Siya baka ayaw niya pa."

Kung ako ang tatanungin, kahit naman noon ay handa akong harapin ang ibang tao kung malalaman nila ang katotohanan. Si Ishan lang naman ang palagi kong inaalala.

Pero ngayon, hahayaan kong siya naman ang gumawa ng paraan. Hahayaan kong patunayan niya ang sarili niya at kung kaya niya na bang harapin ang mga husga ng tao sa kabila ng "panliligaw" niya.

"Ako parang may idea na ako pero hindi ko sure kung nagbago na ba ikot ng tadhana, e," sabi ni Paulo sabay makahulugan ang tingin na ibinigay sa akin.

Ngumisi ako at nagkibit balikat na lang. Kinagabihan sa unit ko, kumatok si Ishan bitbit si Coco. Nagsabi kasi ako sakaniya na hihiramin ko muna si Coco dahil nami-miss ko na rin.

May dala rin siyang isang cornetto roon. "Para sa'yo."

Kinuha ko ang ice cream at ganoon din si Coco nang walang reaksyon. "Sige, salamat. Bukas ko ibabalik si Coco."

"Hindi mo ako i-invite sa loob?" tanong niya.

Napa tanga naman ako. "Huh?" Gusto niya bang i-invite ko siya? Bakit? Anong gagawin namin?

Hala.

"Joke lang, ang seryoso mo kasi, e."

Sa'yo?

"Palagi naman talaga akong seryoso," sabi ko. "Sige na, goodnight na."

"Sige. Goodnight din, Cedrix at Coco. Pa-kiss nga."

Under The Silver Light (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon