Under The Silver Light 17
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
"Saan tayo?"
"Lounge na lang, ang boring, e."
Doon na nga namin napagkasunduan tumambay sa lounge. Nauna na kasi si Cadence dahil pumunta sya ng gymnasium dahil ibibigay raw ang jersey nila atsaka siya didiretso sa back subject niya kung saan kaklase niya si Ishan.
Speaking of, nagulat talaga ako kagabi noong nag-chat siya. Ilang minuto ko pa ngang tinitigan ang chat niyang iyon dahil baka nag i-imagine na naman ako pero sa huli ay napa ngiti rin ako ng dalawang salitang 'yon.
Bilang marupok, hindi ko na sinayang ang oportunidad na iyon at kinulit na naman siya at gaya ng dati, nagsusungit na naman ang mga replies niya pero dahil si Ishan sya, normal na lang iyon.
Mas gusto ko ang ganoong klase ng sungit niya kaysa sa sungit na pinalalayo ako. Hindi ko kasi talaga kaya. Kung sakali man lumayo ako, siguro kapag masakit na masakit na.
Kaya hangga't hindi pa masakit at kaya ko pa, laban lang. Tuloy ang pagpapapansin. Sabi nga nila, try and try until you die—succeed pala.
Noong nakarating kami sa lounge ay gulat pa akong makita roon sina Ishan. Sabagay, wala pa namang ala una para sa klase nila. Nasa gymnasium pa nga pala si Cadence.
May tatlo pa roong engineering students na masama na ang tingin noong pag pasok pa lang namin. Wala naman doong ibang tao kun'di kami-kami lang.
"Lakas ng tama no'ng tatlong engineering, ah? Sarap dukutan ng mata, e," natatawang sabi ni Jacob.
Dahil sa sinabi ay nilingon iyon ni Paulo at dahil patulero rin ang isang 'yon, sinamaan niya rin iyon ng tingin at tinaasan pa ng kilay.
Mabilis kong tinapik ang tiyan nito. Parang alam ko na kung saan patungo ang ganitong mga tinginan, e.
"Huwag na, pre, 'di worth it pag aksayahan ng oras," bulong ko rito para awatin.
Nakinig naman sya at iiling-iling na lang na lumingon.
"Wala pala, e. Makukuha rin pala sa tingin," sabay tawanan mula roon sa tatlong magkakaibigan.
Tumayo agad si Paulo at lumingon sakanila. Nakuha na rin namin ang atensyon nila Ishan na ngayon ay nasa akin ang tingin.
Hindi ito ang oras ng landi, Cedrix, awatin mo ang kaibigan mo dahil uuwi talaga kayong may pasa.
"Anong sinabi mo?"
Tumayo iyong engineering student na kanina pa nakikipag samaan ng tingin kay Paulo. Muntik pa nga akong matawa dahil hanggang mata lang siya nito, kung mag yabang naman. Kapag sinapak siya ni Paulo talagang tatakbo 'yan ng ospital.
"Ang sabi ko, marunong ka pa lang makuha sa tingin."
Inulit pa talaga.
"Hindi naman," sagot ni Paulo. "Sabi kasi ng tropa ko hindi naman worth it pag aksayahan ng oras ang katulad niyo. Totoo nga naman."
"Sinong tropa mo? Ayan?" sabay turo sa akin. "Ba't naman hindi kami worth it? Kasi hindi kami babae?" sabay tawanan muli. "Sabagay, mahilig nga pala kayong mag to-tropa sa puke, 'di ba? Kaya bakit nga naman kayo magkaka interes sa tite?"
Putangina?
"You're talking nonsense, shut up!" si Ishan ang sumuway no'n.
Tiningnan ko siya at umiling. Huwag ka nang maki sali dahil hindi na ako makakapag pigil kapag nadamay ka.
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light (COMPLETED)
RomansaBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix Sweet Serenade Series #2