Under The Silver Light 10
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
"Bakit ka tumawag?"
Halos kagatin ko na ang pang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti. Narito ako sa mini garden namin, naka higa sa may duyan.
"Sabi mo masarap magkwento sa taong itinuturing mong stranger," sagot niya naman.
"So you're treating me as a stranger, huh?"
Okay lang. It's better than nothing. A stranger who will call you at night? Damn. That sounds even better.
Hindi siya sumagot at narinig ko lang ang pag buntong hininga niya.
"Ang lalim no'n, ah? May problema?"
"Wala naman. Ikaw? Baka may problema ka?"
May problema nga ba ako? Bukod sa hindi ko alam kung gusto ko ba siya. O kung baliko na ba ako... wala naman na akong ibang problema.
Hindi ko naman pwedeng i-open 'yon sakanya dahil siguradong makakahalata siya. Tumawa na lang ako para maibsan ang tensyon na nararamdaman ko.
Pakiramdam ko kasi may mangyayaring hindi maganda kung malalaman niyang ngayon pa lang, naguguluhan na ako sa kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sakanya.
We're starting to know each other. Hindi ko pa nga sigurado kung komportable na ba siya sa akin. Hindi rin naman ako sigurado pa kaya ayokong madaliin.
"Masyado akong masaya para magkaroon ng problema."
Lalo na kausap ka pa.
"Nahihirapan ako kung itutuloy ko ba ang course ko o kung lilipat ako," biglang sinabi niya.
Natigil ang ngiti ko nang marinig iyon.
"Ayaw mo na ng Engineering?"
"I like my course, but, I don't love it. Nag e-enjoy rin naman ako pero kapag naiisip kong kinuha ko ang kursong iyon para sa isang tao...nahihirapan ako kung gusto ko nga ba talaga ang ginagawa ko o baka kasi gusto ko lang ituloy ang pangarap ng taong 'yon sa katauhan ko. "
May isang taong pumasok sa isip ko ngunit hindi ko magawang maamin sa sarili ko na siya ang dahilan kung bakit Engineering ang course na kinuha ni Ishan.
Sa totoo lang, noong nalaman ko ring Engineering student sya, nagtaka talaga ako. Alam ko namang matalino siya sa lahat, iba lang talaga ang dating niya sa science subject.
Noong junior high din sa speech niya naaalala kong medical field ang gusto niyang pasukan sa kolehiyo kaya noong nalaman ang course niya, nagtaka talaga ako.
Akala ko naman nagbago lang talaga ang gusto niya, iyon pala, para iyon sa ibang tao.
"What do you really want to pursue, then?"
"Dentistry," sagot niya.
"Then why did you take Engineering?"
"Because he likes to be an Engineer," sagot niya mula sa kanilang linya. "Gusto kong ituloy ang pangarap na mayroon siya kaya iyon ang kinuha ko."
"Nino?"
"My babe."
My babe.
His babe.
His ex-boyfriend.
Si Vincent.
Bigla akong natameme. Biglang hindi ko mahanap ang mga salitang kanina lang ay handa na akong ipayo sakaniya. May mga naisip pa nga akong jokes para ibsan ang sakit sa boses niya ngunit lahat ng iyon biglang naglaho.
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light (COMPLETED)
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix Sweet Serenade Series #2