Silver 25

6.9K 278 196
                                    

Under The Silver Light 25

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

"Halata kayo masyado, pre," bulong ko sa bagong dating na si Cadence.

Paano ba naman, sabay pa talaga sila ni Rave
na dumating. Kami rin naman ni Ishan ay sabay ngunit alam naman na ng lahat na iisa lang kami ng condo kaya walang kaso kung isasabay ko.

Si Paulo at Tristan naman ay narito na noong dumating kami. Mukhang sabay lang dumating pero siguradong hindi sila sabay na pumunta talaga dahil may dalang sasakyan si Paulo.

"Ayaw magpatinag, e. Gusto sabay kaming pumunta. Wala akong nagawa," bulong pabalik ni Cadence.

Umiling-iling na lang ako. Hindi talaga mapigilan ang kalandian, e. Sabagay, kung kami na nito ni Ishan sisiguraduhin ko ring magkasama kami sa halos lahat ng oras kung pwede.

Kung ako lang nga ang masusunod mas gusto kong kasama siya ng 24/7, e. Anong space-space? Hindi iyon uso sa'kin kapag naging kami.

Ang tanong, kailan?

Kahit matagal pa 'yan kakayanin ko naman. Si Ishan na 'yan, e. Worth the wait iyan.

Hindi rin naman nagtagal noong dumating si Jacob na umupo sa tabi ni Paulo. Tapatan ang couch na kinuha namin sa baba malapit sa dance floor kaya tanaw na tanaw ang nagsasayawan.

Dahil tapatan ang pwesto, nanatili sa harapan namin ang magkakaibigang sina Ishan habang kami nila Jacob ay magkakasama rin sa couch.

Hanggang sulyap lang tuloy ako kay Ishan.

"Bago pala ako tuluyang malasing, congrats sa quiz bee kanina, Ishan. Sobrang galing mo!"

Nahihiyang ngumiti si Ishan kay Jacob. "Ah, salamat!"

"Pahingi naman ng tips para tumalino nang ganoon lalo sa science. Grabe! Ang halimaw!"

Masaya akong pinagmamasdan si Ishan na namumula ang tenga sa mga papuri na naririnig mula sa mga kaibigan ko. Kahit nga si Paulo na hindi naman mahilig mag compliment ay namangha sakaniya.

Isa pa, nakatutuwa rin talaga na maging mga kaibigan ko, na-a-appreciate ang galing niya. Deserve naman kasi talaga niya lahat ng papuring iyon dahil gusto ko man sya o hindi, talagang hindi maipagkakailang magaling sya.

Sapat na sana sa akin iyong makita siyang nangingiti sa natatanggap na papuri noong sumagot siya roon na labis nagpa tibok sa puso ko.

"Mas magaling sa math iyong nagtuturo sa akin, gwapo pa."

Tangina.

Tangina niyo.

Gwapo raw ako.

Totoo ba talaga? Totoo bang kay Ishan iyon nanggaling? Ako lang naman ang nagtuturo sakaniya ng math, 'di ba? So ako talaga ang tinutukoy niya?

"Math tutor reveal!" kantyaw ni Tristan.

Sige, Tristan, tama 'yan nang maisigaw ni Ishan ang pangalan ko.

Umiling na lang si Ishan bilang sagot ngunit nanatili ang ngiti sakaniyang labi. Hinintay kong tingnan niya ako at noong tumingin siya, nag salita ako.

"Kinilig ako," sabi ko nang walang nililikhang tunog.

Umirap naman sya sabay kuha ng kaniyang cellphone. Alam kong magcha-chat siya kaya inilabas ko na rin ang cellphone ko.

Hindi nga ako nagkamali noong makita ang message niya.

Ishan Buenavista:

Patay na patay ka talaga sa'kin.

Under The Silver Light (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon