Kabanata 2

54 4 3
                                    

Confrontation

“Ang tawag d’yan hokage moves!" 

Humalakhak si Kuya Osias, hawak ang magkabilang gilid ng ulo ko. Sapilitan niya lang naman iyon na iniangat para ipakita ang pinaka-hindi kawili-wiling eksena ngayong umaga. 

He decided to have breakfast on the veranda and wanted me to join him in admiring the green field in the front yard. It's true that having breakfast while gazing at the lush grass is soothing for the eyes. You can really enjoy the hot chocolate and pancakes, not until that scene came into the picture. 

Pinapanood niya lang naman ang eksena kung saan inabutan ni Sylvier ng payong si Macey. Hindi naman sila sabay na dumating, nauna si Macey na pumasok sa bukas na tarangkahan at kitang kita kung paano naglakad-takbo si Sylvier upang maabutan at pantayan ang lakad ng babae.

Halos maibuga ko ang iniinom na hot choco ng makita kung paano nahihiyang magkamot ng batok si Sylvier. Mamula mula naman ang pisngi ni Macey. Hindi ko nga lang alam kung dahil kinilig o sa init ng araw. 

I clicked my tongue and shoved Kuya’s face as his laugh became louder. Napabitaw siya sa aking ulo at umayos ng upo. Bumalik ako sa pagkakayuko at pinagpatuloy ang panonood ng Tom and Jerry sa aking Ipad. 

“Anong hokage moves?” walang lingon-lingon kong tanong. 

“Iyon! Gano’n! Ako nagturo no’n!”

"Have you proven that it's effective?"

“Oo. Kaya nga may asawa’t anak na ‘ko.” mayabang niyang sagot. Umirap ako, nakatingin pa rin sa Ipad. 

"Bakit wala ba ‘yang sariling diskarte at kailangan pa ng lesson mo para umakto?”

“First time niyang manligaw, ano ka ba?"

“Why? Was he a fuckboy like you back then too? Kaya sa’yo kumukuha ng ideya kung paano pumasok sa matinong relasyon, dahil medyo tumitino ka na?"

“What? No." Kuya Osias said defensively. 

Taas kilay ko siyang nilingon. Natatawa naman siya at halatang hindi mapaniwala sa mga tinatanong ko. Kilala niya akong hindi mausisa pagdating sa ganitong usapin. Kapag may sinabi sa akin na impormasyon tungkol sa mga ganitong bagay kahit hindi detalyado, hindi ako nag aabalang ipadetalye iyon o i-elaborate pa. Kung ano lang ang sinabi o sagot sa tanong ko, iyon lang ang panghahawakan ko. Kaya siguro nagtataka siya kung bakit puro ako tanong ngayon. It's rare for me to ask about topics that don't usually interest me.

Paanong hindi magtatanong, e mga tinginan pa lang niyang si Elizondo parang sinasakal niya na ako para malagutan ng hininga, huwag ko lang siyang maagawan at maalis lang sa landas niya. We were both strangers to each other, pero sa mga masamang titig niya parang alam na alam niya ang kwento ko at hinuhusgahan na niya ang buong pagkatao ko. 

“Really? Most of your friends are like that. Ikaw lang ang unang nagtino dahil ikaw ang pinaka hayok sa lahat.” walang gana kong sabi. 

“Well… may naging flings din naman ‘yang si Elizondo noong freshmen kami.”

See?

"And?” udyok ko pa. 

Mukhang may kasunod pa ang sasabihin niya. Imbes na sumagot, ngumiti lang ng nakaloloko ang magaling kong kapatid. Hindi niya maituloy ang sinasabi dahil palapit ang taong pinag uusapan namin kasama ang nililigawan nito. 

Hindi ako interesado sa kanya. Gusto ko lang patunayan na mas matino ako kaysa sa kanya at wala siyang karapatan na pagtawanan ako at tingnan ng masama, na parang aagawan ko siya. Baka nga iyon pa ang gawain niya, kaya takot siyang maagawan. Takot karmahin. 

Meeting In The Purple Afterglow (Out Of My League Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon