Kabanata 4

1.4K 79 52
                                    

Curry

I just finished a run on Kuya Osias' treadmill, focusing on maintaining a steady pace to build my endurance. I also did some planks and bicycle crunches for my core. After that, I took a refreshing bath to cool down and relax my muscles. 

Hindi na nasundan ang pagj-jogging ko na kasama si Tino. I told him he needed it, but he's been busy working on the farm and often finishes late in the afternoon. In the mornings, he's busy making kakanin, helping his mother. I didn't push him further because I feel like he needs something else, which is medicine for his skin condition, though he has no intention of buying it.

At mukhang seryoso ang mga babaeng trabahante sa pagpapaalis sa kanya dito sa Casa dahil nag-aalala silang baka makahawa siya. Ilang araw na rin akong kasama niya, pero hindi pa naman ako nangangati. Kailangan niya ang trabaho para sa kanyang pag-aaral, kaya hindi pwedeng basta na lang siya tanggalin dahil lang sa ganitong dahilan, dahil lang sa kanyang sakit. At alam kong kahit si Lolo hindi papayag, diskriminasyon iyon. Baka nga ipagamot pa siya ni Lolo.

"Sigurado ka talaga, Siris?" tanong ni Kuya Osias. 

I nodded, taking the car key from his hand. Nag presinta ako na mag-grocery dahil wala ng stock sa pantry at naubos ko na ang laman ng fridge. Panay pati ang reklamo niya na kakapamili pa lamang nila ng stocks, tapos ubos na agad.

"I'll be quick."

"Sigurado ka? Papasamahan kita kay Sylvier. Marami-rami ang nakalista na bibilhin."

Napairap ako.

"It's just buying groceries. And it's better if I go alone. Mas mabilis kapag mag-isa."

"Hindi kaya! Mas mabilis kapag dalawa. Baka maligaw ka, Siris! Tatawagan ko si Sylvier."

What an overdramatic!

"Just a reminder, Kuya Osias, I grew up here."

"Kahit na!"

"Dalawang taon lang akong hindi umuwi."

Sumakay na ako sa driver's seat. Pinatong ko ang mahabang listahan at ballpen sa passenger seat. Hindi ko pa maisara ang pinto dahil nakatayo si Kuya ro'n, may kinakalikot sa cellphone niya.

"Bwiset ka, Sylvier! Bakit out of service kang hinayupak ka? Lumalandi ka na naman sa maling tao!" gigil na bulong ni Kuya na rinig ko naman.

"Aalis na 'ko, alis na d'yan Kuya."

"Maghintay ka muna, tinatawagan ko pa yung sasama sa'yo."

"Kaya ko nga na mag-isa."

"Hindi. Maraming bitbitin, kailangan mo si Sylvier."

Bumuntong-hininga ako. Hindi niya ako papaalisin ng wala akong kasama. Kinuha ko ang papel at ballpen at sinulat ang gamot para sa balat na mainam sa sakit ni Tino. Nag-research ako tungkol dito at nagtanong-tanong kay Craig dahil dermatologist ang mommy niya. Mas maganda nang pumunta sa pharmacy sa bayan kaysa mag-mall pa ako para sa Watsons bumili. Masyadong hassle at out of the way kung doon pa ako pupunta, lalo na't grocery store at palengke naman ang pupuntahan ko.

"Why don't you call Tino instead?"

"Si Tino?"

Tumango ako, nakangiti, "Yeah. Si Tino."

"Huwag na, ikaw na lang mag-isa. Layas na! Bumalik ka kaagad."

"Ipatawag mo na. Hihintayin ko siya."

"Layas na, Siris. Anong petsa na! Anong oras ka pa makakabalik?" 

"Gusto mo may kasama ako, 'di ba? Tawagan mo si Tino."

"Whatever!"

Umatras siya, padabog na sinarado ang pinto ng kotse sa tapat ko. Napangisi ako habang pinihit ang susi, pinaandar ang makina. Napasimangot siya nang bumusina ako, naiinis at hindi nasunod ang gusto. 

Meeting in the Purple Afterglow (Out Of My League Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon