Kabanata 22

1.6K 69 75
                                    

Kiss

“Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa't isa." 

"Peace be with you," rinig kong palitan ng mga tao, kasabay ng pagngiti at pagyakap sa kanilang mga pamilya. 

Umakbay sa akin si Dad at humalik sa gilid ng aking ulo. Ganoon din ang ginawa niya kina Kuya Oli, Kuya Osias, at sa apo niyang si Osborn. Humalik din sa pisngi namin ang mga pinsan naming babae. Samantalang kaming mga magpipinsang lalaki ay nagyakapan. 

Linggo na ngayon. Hindi natupad ang hiling ko noong mismong birthday ko. Magdamag akong dilat, umaasang darating siya kahit dis-oras ng madaling araw. Pero hindi siya dumating. 

Naputol pa ang tawag namin dahil biglang umingay sa linya niya, kasabay nang pag-shut down ng cellphone ko. Nakalimutan ko itong i-charge dahil buong araw ko yung hawak-hawak, naghihintay at nakaabang sa tawag ni Sylvier at paminsan-minsan nagba-backread ng mga mensahe namin sa isa’t isa. 

Hindi na rin namin naituloy ang pag-uusap nang gabing iyon dahil abala siya sa pag-aasikaso sa Lola niya. Abala rin siya hanggang Sabado, dahil nakatakdang ma-discharge ang Lola niya mula sa ospital.

Hindi ko rin alam kung narinig ba niya ang huling sinabi kong naputol. Dapat narinig niya, dahil hindi ko na iyon uulitin pag-uwi niya rito. Pero kung pipilitin niya ako, baka pagbigyan ko pa siya.

“Huwag mo 'kong dinedemonyo, Paige! Akin 'yon, tapos kinain mo ng isang lunukan."

"Akala ko ayaw mo na, e! Para cotton candy lang.”

"Babae ka ba talaga o inidoro? Nalingat lang ako, nalunok mo na." iritadong tanong ni Ody. 

"Hindi ka naman mahilig do’n, bakit ngayon favorite mo na yata!”

“Pakialam mo! ‘Wag mo kong nilalapitan, nanggigigil ako sa’yo! Hindi mo man lang itinanggi.” 

“Paano itatanggi? Kitang-kita ang ebidensya." tinuro ko ang plastic na hawak pa rin ni Paige.

“Sus! Kung hindi ako ang kumain, ikaw naman Siris ang kakain no’n. Suspek ka rin, pinagnasaan mo rin ang cotton candy.”

"Nakatingin lang ako. Hindi naman ako mahilig d’yan." depensa ko. 

"Bakit? Ano na ang hilig mo bukod sa pagkain? Labi ni Sylvier? Mas matamis ba ‘yon sa cotton candy.”

I scoffed. "Hindi ko pa natitikman.”

"Hoy, Paige! Cotton candy ang pinag-uusapan natin. Bruha ka talaga!” 

Para batang nagmamaktol si Ody dahil kinain ni Paige ang cotton candy na binili niya sa labas ng simbahan kanina bago kami umuwi.

Ako ang nakakita noon. Kinompress muna ni Paige ang isang plastic ng cotton candy, at nang lumiit, saka niya ito sinubo ng buo, akala mo’y aagawan ko siya dahil nakatingin ako at pinapanood siya. 

"Ikaw, Siris. Kita mo na pala, hindi mo pinigilan."

"Ibibili na lang kita ng bago, dalawa pa.” sabi ko para manahimik siya.

“Talaga?"

“Oo. Dalawa o kahit tatlo." 

Tumaas ang kilay ni Ody. Kalmado ng umupo sa foldable chair, malapit sa gilid ko. Humilig ako sa pool table, hawak ang cue stick at nakapameywang sa kanya. 

"Babalik ka sa simbahan?" kalmado na niyang tanong.

Umiling ako, “Hindi. Kapag nagsimba ulit tayo, bibilhan kita." 

Humalakhak si Paige.

"Bwiset! Mga bwiset! Magpinsan nga kayo ni Paige, matatakaw! Mga mapanlamang! Sakim! Mang-aagaw!”

Meeting in the Purple Afterglow (Out Of My League Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon