Kabanata 8

71 5 11
                                    

(Note: Photo of Osiris’ outfit at the end of the chapter. Photo not mine. Credits to the owner.)

Call

“Sana hindi ka na lang nagbakasyon diyan kung lagi ka rin lang makikibalita dito!"

Iritadong si Kuya Osias ang naabutan ko sa kitchen island, may ka-video call habang nag-aalmusal. Ala-siyete na ng umaga, nakaligo na at nakabihis na ako bago bumaba. Alas-otso pa naman ang usapan namin ni Tino, kaya mag-aagahan muna ako.

I quietly entered the kitchen and placed my phone down on the edge of the kitchen island. Kuya just gave me a quick glance and ignored me. Badtrip nga siya. However, his eyes quickly returned to me, and I noticed how his eyebrows shot up, when he saw that I was completely dressed. Literal siyang tumingin mula ulo hanggang paa.

I looked at my clothes too, wondering if there was something off about what I was wearing. Baka baliktad ang suot ko o gusot ang damit? Dahil sa paraan ng titig niya, hindi pa ako nakakaalis parang pauuwiin na niya ako. Nagpaalam naman ako kagabi.

I’m wearing a white inner t-shirt layered with an unbuttoned black denim polo and matching shorts. My white branded shoes and trendy high socks completed my usual laid-back look.

“Nangangamusta lang ako, Osias. Ang aga-aga, ang init ng ulo mo. Ilang araw ka na bang tigang?” pumailanlang ang halakhak ni Sylvier sa kusina dahil sa sobrang katahimikan. Lalong sumimangot si Kuya.

Bahagya akong natigilan sa pagbubukas ng fridge. Ngayon ko lang narinig ang ganitong usapan nila.

Yes, from the short interactions I’ve had with him, I know that Sylvier is outspoken, straightforward, and playful, especially in how he talks to my brother. But this is the first time I’ve heard him say something so bold. Wala namang problema sa akin, nabigla lang ako. 

“Wag ka sanang sagutin ni Macey!” Tumawa ulit si Sylvier, para bang pinaparating na imposibleng mangyari ‘yon. 

“Kaya maaga kang tumatanda, e.”

“Kung makatawag ka, para bang sa abroad ka nagpunta at sampung taon na hindi uuwi! Sino bang kakamustahin mo? Kung yung bebe mo, maayos naman. Huwag kang mag-alala, walang umaaligid. Kinlaro na naman sa’yo ni Siris na wala siyang interest sa nililigawan mo. Bakit masyado ka namang bothered sa kapatid ko?”

“Dickhead. That’s not the reason why I called.”

“E, ano? May iba ka pang pababantayan sa’kin? Wala ka namang manok o kahit anong hayop sa bahay mo na kailangang alagaan.”

Ito ang pang-apat na araw na wala si Sylvier sa Monte Real. Sa loob ng apat na araw na iyon, walang palya na dalawang beses siyang tumawag kay Kuya Osias—isa sa umaga at isa sa gabi. Hindi ko alam kung normal iyon sa kanila, kasi sa amin ng mga kaibigan ko, madalas din silang tumawag, pero hindi ko naman nasasagot. Kasi kapag tumatawag sila, tulog pa ako o kakatulog ko lang. Palaging wrong timing. At base sa reaksyon ni Kuya, mukhang hindi normal ang palaging pagtawag ni Sylvier, kaya agang-aga, iritado siya.

“Itatanong ko lang kung anong gusto mong pasalubong. Mukhang badtrip ka naman, kaya never mind.”

“Eh, kung sina—"

It seemed that Sylvier hung up on Kuya when his words were abruptly cut off. Frustrated, Kuya muttered a curse under his breath and attempted to call his friend again, but Sylvier didn’t even bother to pick up the phone.

I shook my head and rolled my eyes. 

Nagbukas ako ng fridge at pinasadahan ng tingin ang loob nito, pagkatapos ay agad ko itong sinara, nakalimutan ang dapat na kukunin. Nakasanayan ko na kasi na kapag pupunta sa kusina, nagbubukas ng refrigerator. Sinarado ko iyon, pero pagkalipas ng ilang segundo, binuksan ko ulit at kinuha ang fresh milk. Nagsalin ako sa baso bago naupo sa tapat ni Kuya.

Meeting In The Purple Afterglow (Out Of My League Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon