Kabanata 6

400 28 25
                                    

Compliment

“Ngayon ka pa talaga napagusto na mag-bulalo?" 

I was so irritated. Kuya Osias just laughed and turned to talk to Tino, completely ignoring my question, as if he hadn’t just ruined my plans for the day. Just because I often look bored doesn’t mean I have nothing going on that he could interrupt like this. It was always when I finally had a plan that he decided to butt in and mess things up.

Ang plano ko ay bumisita sa mga pinsan namin sa Sol Terra at mag-stay ng dalawang araw doon. Tinawagan din ako ni Dad kagabi para sabihing puntahan ko si Tito Oswald, at hinihintay daw ako dahil hindi pa kami nagkikita mula nang umuwi ako. Naka-oo na ako. Alam ni Kuya Osias iyon dahil kaharap din siya ni Dad kagabi, at imposibleng nakalimutan niya iyon.

“Bakit ngayon, Kuya?"

Kunwaring natawa si Kuya Osias at pabirong hinampas ang balikat ni Tino, ngunit walang kibo si Tino at nakatingin lang sa kanya, hindi nakitawa.

Inakbayan pa niya si Tino at nagsalita, kahit mukhang hindi naman nakikinig ang kaibigan ko. Hinila ko si Tino palayo sa kanya.

“Ano 'yon, bunso?" tanong ni Kuya Osias.

Mas naging iritado ang ekspresyon ko imbes na kumalma sa tawag niya sa akin. Tinatawag niya lang naman akong ganoon kapag pinapakalma o nanunuyo siya kapag alam niyang may kasalanan siya. 

Masuyo niyang iniabot ang susi ng kanyang Amarok, pinaubaya ang pagmamaneho sa akin. Umirap ako at pumasok na sa driver's seat, sumunod naman si Tino na tikom ang bibig at pumasok sa backseat. Nagpahuli si Kuya na tahimik pero nagpipigil ng ngiti, rinig ko pa ang pagsipol niya bago sinarado ang pinto. 

“Gusto ko lang ipatikim sa inyo ni Tino ang bulalo sa kabilang bayan.”

“Pwede naman 'yon sa ibang araw, ngayon pa talaga na may ibang lakad tayo?” paalala ko sa kanya.

Sinuot ko ang seatbelt ko, ganoon din silang dalawa. Alam kong bihira akong magmukhang galit, pero ngayon ay hindi ko mapigilan, lalo na’t kagabi pa namumuro si Kuya Osias. Patong-patong na ang mga pinaggagagawa niyang ayaw kong patulan.

“Huwag ka nang magalit. Nagsabi na ako kay Tito na bukas tayo pupunta.”

Nagsimula na akong magmaneho. Sinulyapan ko si Tino na nananahimik, abala sa kanyang cellphone na bigay sa kanya ni Leehan. Korean brand iyon kagaya ng akin, latest ang unit at brand new nang ibigay sa kanya. 

“Nagsabi rin tayo na ngayon tayo pupunta.”

"Ini-adjust ko lang, bunso. Aga-aga, ang init ng ulo mo. Naiinis ka pa rin ba dahil sa kagabi?”

Mas lalo akong umismid, diretso ang tingin sa daan. Talagang uungkatin pa niya iyon e, hindi pa naman siya humihingi ng despensa.

“Don’t worry na. Nagsabi rin ako kay Dad kaninang madaling araw na hindi tayo tutuloy ngayon.”

"Bakit hindi si Ate Chiara ang isama mo?”

"Hindi naman mahilig sa bulalo ang asawa ko, bunso.”

“You’re not a fan of that either.”

Tinuro niya ang daan, kaya napabalik agad ang tingin ko sa kalsada.

“Saka gusto ko rin ng quality time with you. Kapag nagpunta tayo sa Sol Terra, hindi mo na ako papansinin kapag napalibutan ka na ng mga pinsan nating hayok sa atensyon mo. Alam mo naman… ikaw ang favorite nila kahit ganyan ka.”

“Quality time?”

Muntik na akong mag-preno sa rason niyang hindi kapani-paniwala. Who would buy that? Tumikhim si Tino, nagpipigil ng tawa habang nakatutok sa cellphone niya. Pero nang sulyapan ko siya sa rearview mirror, alam kong ang tinatawanan niya ay ang dahilan ni Kuya Osias.

Meeting In The Purple Afterglow (Out Of My League Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon