Chapter 5

70 1 3
                                    

Habang nakaupo ako at hinihintay sila biglang nagsalita si tito Geo. "Buti nalang at napagdesisyonan mo na sumabay nalang saamin, delikado rin kasi gabi na tapos mag isa ka lang at bago kapa sa lugar na ito"

"Ano nga palang pangalan mo ate?" Tanong ni Domeng

"Trisha, Trisha O. Astridelle" pagpapakilala ko sa lahat.

"Oo nga, tama si Aiah mahirap na ang magcommute magisa sa hindi mo pa gaano kakilalang lugar" dagdag ni Siko

"Oh paano, tara na?" Pag aya ni tito Geo sa lahat. Nagsi tayuan naman kami para lumabas na ng resto pero nung papalayo palang ako sa table na kinainan namin may humawak sa wrist ko, nilingon ko kung sino ito at nakita ko si J. Hawak hawak nya ang cellphone ko at ibinigay sa akin.

"Nakalimutan mo" malumanay na sabi niya

"Thank you" ngiti ko sa kanya, tumango ito at sinabing "tara" kaya sumunod na rin ako. Habang naglalakad patungo sa sasakyan nila hindi ko mapigilan ang mamula dahil sa naging interaksyon naming dalawa. Kung noon iniimagine ko lang ang mga ganito, ngayon naman nararanasan ko na.

Alam kong short lived lang ang pagkakataong ito pero alam ko rin kung paano magcontrol ng sarili at kung paano hindi maging abusado. Swerte na ako na nakita ko sila pero extra swerte ako para makasama ko sila kaya laking pasasalamat ko.

Ang ending katabi ko si Domeng, Jeo at si Tonix habang ang nasa harapan naman namin ay si Tito Jeryl at Siko tapos sa kabilang sasakyan naman ay si Tito Geo at Tita Ja, Naynay at Dongdong hindi na kasi makakapag drive si tita Ja, malaki at medyo maselan na ang kaniyang pagbubuntis. Doon na sana ako sasakay sa kabilang sasakyan dahil request ni Dongdong pero dahil naisip ni tita Ja na baka gusto ko raw na ang makasama ay mga malapit sa edad ko. Dito nalang daw ako sumakay, naintindihan din naman agad ni Dongdong. Mabait na bata at matalino kasi sya, malawak na rin ang kaniyang pang unawa.

"Kumusta ka naman diyan Trisha?" Tanong ni tito Jeryl. "Okay naman po" sagot ko.

"Pasensya ka na kanina kung napaka ingay at madaldal namin, ganon lang sadya kami" paghingi ng paumanhin ni tito Jeryl, yung iba naman ay nakikinig lang sa paguusap namin. "Nako, okay lang po yun. Naging masaya din naman po ako dahil medyo hindi po ako sanay ng tahimik pag nakain"

Lumingon ito saglit sa akin at ngumiti, bigla bigla naman umiimik itong si Siko "Ay ayon, may tanong ako..."

"Ano po yon?" Magalang kong pagtanong. "May boyfriend kana ba?" Nabigla o nagulat ako sa tanong niya. Out of the blue kasi and I never expected him to ask me those type of things. Madali ko naman itong sinagot "Wala po, hindi naman po ako nagmamadali sa pag ibig. Naghihintay din ako ng taong magpapahalaga sa akin"

"Angasssss" pagtawa ni Siko sabay tingin kay Jeo na nang aasar kaya naman napatingin din ako dito at hindi ko namalayan na ganto pala kami kalapit sa isa't isa. Hindi naman siksikan eh pero hindi ko ineexpect na malapit kami sa isa't isa compared sa inaasahan ko. Napatitig naman ako kay Jeo kasi sa kahit saang angulo napaka gwapo niya tingnan.

"Iba na talaga ang tama ko sayo J"

Biglang may umubo sa gilid ko, tiningnan ko kung sino iyon at nakita ko si Tonix nakangiti ito at biglang sabi ng "grabe inubo ako, ang tamis kasi" nagtawanan ang lahat maliban sa amin ni Jeo, wala ata masyado sa mood si J, ako naman ito clueless pero may paghahalong duda. Matapos ng asaran, nanahimik na kami hanggang sa marating namin ang apartment na tinutuluyan ko. Bumaba na ako at nagpasalamat. Hinihintay rin namin na makarating sila tito Geo dito upang makapag pasalamat ako sa kanila.

Hindi naman nagtagal at dumating rin sila, binabaan ako ng bintana ni tita Ja at ni Dongdong na nasa likod. Nagwave naman ako kay Dongdong at ganun din ang ginawa niya, nakatawa pa ito kaya talagang nakaka tunaw ng puso.

"Salamat po ng marami, ingat po kayo!" Pasasalamat ko.

"Napagusapan namin ni Geo, tutal maglilibot ka rin naman dito sa Palawan at wala naman kaming ibang ginagawa kundi ang libutin ito, bakit hindi ka nalang sumama sa amin? Doon ka nalang muna tumira pansamantala kasama namin para menos gastos sa baon mo. Ayaw rin mahiwalay ni Dongdong sayo, hinahanap hanap ka rin eh, ngayon lang naman nagkaganito si Dongdong kaya napgusapan namin na ioffer sayo ito" nanlaki ang mga mata ko matapos sabihin ni tita Ja ang mga salitang binitawan niya. Totoo ba 'to o prank lang ni Lord? Hindi ako makapaniwala.

Natulala naman ako at hindi agad nakapag salita kaya inagaw ni Dongdong ang atensyon ko "sige na ate, umoo kana magsad si Dongdong" pagpupumilit niya.

Syempre hindi na ako humindi, ito na yon eh sila na 'to. "Uhm sige po, kailan po ba ako pupunta sa inyo?"

"Hindi ka pa naman ata nakakapag unpack diba? Ayusin mo nalang gamit mo tapos ilagay na ni J sa loob ng sasakyan, magsabi kana lang din sa may ari ng inuupahan mo" nakangiting sambit ni tito Geo.

"Okay po, wait lang po ah tawagan ko lang din po yung may ari"

Habang tinatawagan ko yung may ari, narinig ko naman na gumamit ng walkie-talkie si tito Geo at sinabing "J, samahan mo muna sa loob si Trisha. Tulungan mo sa mga gamit niya" Matapos sabihin ni tito Geo yon, narinig ko naman na may sumagot sa kabilang linya "okay po, dy" sabay nakita kong nagbukas ang pinto ng sasakyan na sinakyan ko kanina kung saan naroon si Jeo.

A Trip to Palawan || Jeremiah Ong ffWhere stories live. Discover now