Chapter 4

75 1 0
                                    

I woke up to the sound of my alarm, i felt refreshed. Grabe talaga ang naitutulong ng pagtulog sa isang tao. Bumangon na ako at nag hilamos, tinanggal ko na rin sa pagkakacharge ang phone and powerbank ko. Matapos nito ay lumabas na ako ng apartment at nilock ang pinto. Balak kong mag tricy nalang papunta sa kainan na iyon kaya naman hindi na ako nag sayang pa ng panahon at sumakay na ako sa isang tricy na nakatigil sa sakayan.

Sinabi ko sa driver kung saan yung restaurant na gusto kong puntahan at agad naman nitong nalaman kung nasaan yon, kilala daw kasi ang kainan na tinutukoy ko. "Salamat po" banggit ko pagkababa ko.

"Ang dami ngang tao" bulong ko ng makita ko mula sa kinatatayuan ko ang loob nito. Pumasok na ako at umupo sa isang long table na nakita ko. Ito na lang kasi ang vacant table na nakita ko, lahat ay may nakaupo o occupied na. Nilapitan ako ng isang waiter at ibinigay ang menu nila. Mukhang masarap yung Crispy Pata nila at yung chop suey.

"Isa pong crispy pata with rice and chop suey, pakidagdagan na din po ng coke yung order ko. Thank you po" I politely said, the waiter smiled and said "Okay po, ma'am. It'll take a few minutes po" he smiled. Tumango naman ako na may halong ngiti at saka ibinaling ang atensyon sa aking phone habang nagiintay sa aking pagkain. Konti lang ang inorder ko, baka kasi hindi ko maubos sayang naman.

Habang iniintay ko ang aking hapunan, narinig ko ang pag tunog ng bell sa pintuan ng restaurant. Hindi ko ito pinansin dahil alam kong it's either may kakain dito na bagong pasok or may umalis na dahil tapos na kumain. Until may narinig akong familiar na tawa, nilingon ko ito at nakita ang Ong Fam, fan na fan nila ako pero dahil gusto kong respetuhin ang privacy and personal space nila hindi nalang ako lumapit. Masaya na akong nakita ko ang isa sa mga nagsisilbing motivation at inspirasyon ko.

Until someone talk beside me "uhm miss, pwede ba kami maki-upo? Wala na kasing ibang table" I froze, that voice...

Paglingon ko, nakita ko si Kamangga. I barely manage to contain my feelings or excitement. "Uhm, sige lang po. Mahaba pa naman po yung table" ngiti ko sa kaniya. Grabe, tuwang tuwa ako pero low key lang ako, ayoko magmukhang baliw na baliw sa kanila sa paningin nila eh kahit yun naman talaga ang tunay.

Lahat sila ay umupo na at nakatabi ko si Dongdong, nakita ko siyang nakatitig sa akin kaya naman nginitian ko siya, ngumiti rin naman agad ito. Akala ko hindi niya ako papansinin kaya labis ang ikinatuwa ko noong ngitian niya ako.

I can't help but notice na walang umupo sa harap ko, lahat sila ay narito ngunit may isang nawawala. Nalungkot naman ako ng konti dahil hindi ko makikita si Jeremiah Emmanuel Ong. Nonetheless, masaya parin dahil nameet ko sila in person.

Ang gwapo ni Domeng, iba ang dating nito lalo na pag naka ngiti. Eventually, dumating na yung food ko, nahiya naman akong kumain agad kaya inintay ko nalang sila. After 4 minutes dumating din naman agad ang pagkain nila since hindi naman ganon katagal ang pagitan ng order time namin. Habang nakain nagkukwentuhan sila at ako naman heto minding my own business nang biglang may umupo sa tapat ko.

Tiningnan ko kung sino ito at pagtingin ko nakita ko ang pinakahihintay ko. Walang iba kundi si Jeremiah Emmanuel Ong. Ngumiti ito sakin noong makita niya akong nakatitig sa kaniya, at ako bilang ako, syempre nginitian ko rin siya. "Ang ganda ng dimples mo" biglang turo ni Dongdong sa cheeks ko, halatang manghang mangha siya. Namula naman ako dahil lahat sila ay nakatingin sakin.

"Ay, salamat po Dongdong" pasasalamat ko sa kaniya pinisil ko pa ang pisnge nito at tumawa naman siya. "Hala! Kilala mo ako? Kamag anak ka din?" Tanong niya, at this point wala na akong nagawa kundi ang magsabi ng totoo. Lahat ng attention nila ay nasa aming dalawa parin ni Dongdong.

Pero mas ramdam ko parin ang init ng titig sakin ng taong naka upo sa harapan ko. Ang intense niya tumitig, nakakatunaw. "Opo" nang masabi ko ito hindi ko napigilan ang tumawa na parang nahihiya.

Natahimik naman silang lahat, maski si Dongdong ay nanahimik rin dahil kumakain. Kinabahan ako dahil akala ko may nagawa akong mali o hindi nila nagustuhan kaya naman nanahimik nalang rin ako at nagpatuloy sa pagkain. Susubo na sana ako ng naramdaman ko na naman na may nakatitig sa akin, tiningnan ko si Jeo at nginitian siya sabay iwas ng tingin at sinubo na ang pagkain ko.

"Eyy ANGAS" sambit ni Tito Geo kaya naman nakahinga ako ng maluwag nung magtawanan ang lahat.

"Taga saan ka ba neng?" Tanong ni Tita Janice na ikinatahimik na naman ng lahat, grabe na ayoko ng tumatahimik sila bigla, kinakabahan ako ng wala sa oras.

"Uhm... taga Batangas po ako, nagbabakasyon lang po dito"

"Kailan kapa dito?" Tanong ni Siko.

"Ngayon lang po, babalik na din ako sa Batangas the day after po magstart ang pasukan" Sagot ko.

"Matagal ka pa pala dito, ikaw lang ba mag isa nagttravel?" Tanong ulit niya. "Opo, gusto ko po kasi maranasan magexplore at magtravel mag isa" tumango tango naman siya matapos kong sagutin ang tanong niya.

Tapos na ako kumain, magpapaalam na sana ako ng bigla akong tanungin ni Domeng "aalis kana po ate?" Tanong niya, na ikinatingin naman ng buong pamilya. "Oo eh, gabi na kasi at gusto ko na rin magpahinga. Salamat po sa inyong lahat!" Masaya kong sabi at tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko ng biglang magsalita si Dongdong "ate makikita parin ba kita?" He asked sheepishly.

"Hindi ko alam Dong eh, sana nga. Mamimiss kita eh kahit saglit lang tayo nagsama ngayon, nakatulong din talaga ang energy mo sakin, thank you dong!" Sabi ko at niyakap naman ako nito. Natigilan ako, maski ang pamilya niya ay nagulat din. Kung iisipin man si Dongdong ay hindi basta basta yumayakap sa kahit sino kaya laking gulat ng lahat nung ako ay niyakap niya.

"Bakit hindi kana lang sumabay samin? Ihahatid kana namin sa tinutuluyan mo" pagbasag ni tita Janice ng katahimikan.

"Wag na po, okay na po ako. Nakakahiya naman po"

"Ay hindi, hayaan mo na sige na hintayin mo na kami" pagpupumilit niya.

Wala naman akong ibang nagawa kundi sumunod.

A Trip to Palawan || Jeremiah Ong ffWhere stories live. Discover now